Antagonist's Tale (Final Arc) XXX: Winter
There is a high mountain in front of me.
Ako'y nasa ibaba. Sa paanan nito. And I wonder deeply, what could possibly be up there?
What scenery would embrace my sight at the top? When I'm amongst the clouds?
Mag-isa akong nakaupo sa harapan ng puntod ng aking ama.
Nakakapagtaka. Walang luha ang
bumabagsak. Tila wala nang luhang mailabas ang aking mga mata.Am I just too exhausted to feel? O wala na ba talaga akong maramdaman?
"Hira" Hindi ako lumingon sa boses ni Manang Rosa. "Hiraya kumain ka na."
Hindi ako nagsalita.
Ako'y nakatingin sa kawalan. Hindi makagalaw. Hindi makaramdam.
"Hira, kagabi ka pa walang kinakain. Magkaka-sakit ka na niyan, hija."
Sana nga gano'n nalamang.
Sana magka-sakit ako. Kaysa naman 'yung ganito. Na andito nga ako pero parang wala lang din. Hindi ko na maintindihan ang aking sarili. Wala na akong maibubuga pa. Ubos na ubos na ako.
Kaya hinihiling ko na sana nga ay magka-sakit ako at hindi na magising pa. Mas gugustuhin ko pa iyon.
"Manang. . . hayaan na muna natin siy," wika ni Ate Linda.
Narinig kong nagbugha ng hangin si Manang.
"Hira, tawagin mo lang kami kung may kailangan ka."
Wala akong sinabi. Tanging pag-alis lamang ang aking narinig.
Naiwan akong mag-isa.
I wonder why they're still here? Sina Manang Rosa at Ate Linda. Nawala na ang kanilang amo, kaya bakit pa rin sila andirito?
Is it because of me? I'll inherit everything. Ano? Para sa pera kung gano'n?
That's more likely.
Walang dumayo sa libing ng aking ama. Tanging mga bulaklak lamang ang pinadala ng mga nakatrabaho niya.
Ni isa ay walang dumating.
Doon ko napatunayan na tunay ngang sakim at manggagamit ang mga tao. Na andiyan lamang sila kapag may kailangan sila sa iyo. Kapag may maibibigay ka sa kanila. At kapag nawala na iyon, wala na rin sila.
Gano'n ang mundo.
Na kapag meroon ka ay halos isamba ka nila. At kailan ba 'yon? Isa lang naman ang uri ng mga tao na sinasamba at linuluhuran ng lahat-ang mga makapangyarihan.
Ang mga tao ay walang ibang iniisip kundi ang bagay na mapapabuti sa kanila. Gano'n din sina Manang Rosa at Ate Linda. Andito lamang sila sapagkat may kailangan sila sa akin. Gano'n naman ang lahat.
Masama ang mundo. At siguro. . . kailangan ko ring maging masama.
Hindi na bale kung hindi patas
maglaro, ang importante ay mapabilang ako sa mga 'yon. Sa mga matataas.Mayaman kami, oo. Ngunit
wala pa akong napapatunayan. Walang sasamba sa akin. Walang maniniwala sa aking kakayahan.Sapagkat bata ako.
I should be at the top. High enough where no one would dare face me. Where I can be above the law.
Ang pinaka mabilis na paraan upang gawin iyon ay mangdaya at manggamit ng mga tao.
BINABASA MO ANG
Hiraya (HEST #1)
RomanceHide End Seek Trilogy #1 Hiraya Amor is the most sought socialite attorney of the country. With her sweet words, her cunning tricks and her wits, she can get even the most wanted criminal clear of any charges. Bakit niya ginagawa ito? Dalawa laman...