Kabanata 5

143 4 2
                                    

Musical Arc V: Glasses Breaking

I like challenges.

Gusto ko ang pakiramdam na kumakabog ang aking dibdib at nanginginig ang kalooban. The feeling of being nervous and excited at the same time. It makes me euphoric. Iyong bang tipong paakyat ka sa entablado at isang daang pares ng mga mata ang nakatingin sa iyo. O kaya naman ay ang pagsalita sa harap ng maraming tao habang dama mo ang pangingisay nang iyong tuhod.

Or perhaps it's winning, the pleasure of victory, and the taste of success that I'm utterly in love with.

At sa aking buhay, ang pagkapanalo ang nakatatak sa bawat dulo ng paghamon sa sarili. I had always been the victor. 

Maybe I like challenges because I had always been certain that I'll win in the end. At palagi akong nananalo sa sariling sikap. Na kung may ipapagawa ang aking ina, ako ay tatango nang walang pag-aalinlangan at gagawin ito ng walang lukot at mantsya. Hindi kailanman ako nanghingi ng tulong sa takot na hindi niya iyon tatanguhan. Kaya naman wala akong ibang sinandalan kundi ang sarili at ang kakayahan.

Sa tagal ng panahon, nananalo ako ng mag-isa at nang walang kasama. Kaya naman hindi ako sigurado kung ano nalamang ang gagawin ngayon na naipit ako sa isang sitwasyon na may kasama akong iba sa pagkamit ng pagkapanalo.

Linaro ko ang ballpen sa aking kamay. I tapped it with a subtle rhythm on the yellow pad in front of me.

"Hmm. . ."

Wala sa sariling dinikit ko sa labi ang ballpen. Ako'y sumulyap sa'king nasa harapan at nakita na nakatuon ang atensyon nito sa pagbabasa sa hawak na papel habang may hawak din na pen.

Gumana ang kamay niya at sa isang kibot no'n, isang diretsong linya ang naiguhit nito. Crossing out one title from the list.

Umangat ang mata niya mula sa binabasa at nagtama ang aming paningin. 

My eyes instinctively demanded to wander off and pursue another sight. Ngunit hindi ko ginawa sapagkat magmumukha lamang na ako'y tensyonado. Upang maligtas ang sarili at maging kaswal ay kinausap ko siya.

"What musical piece did you cross out?" I inquired gently to Seref. Tinutukoy ang kakaalis lamang niya na pamagat mula sa listahan ng mga kanta.

His eyes caught sight of how the top of the pen is pressed on my lips. "The Duo Concertant." 

"By Igor Stravinsky?" Tumango siya. "Bakit naman?"

"I just think that the tempo is too fast and the notes are too exhausting." 

Tumango ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Akin nang inalis ang ballpen sa aking labi sapagkat napapansin na naabala ko pa yata siya roon. Inalis niya rin naman ang tingin at binalik pataas sa aking mata. 

But then, why?

"I know that the piece is hard. Ngunit ano ba ang iyong inaalala? Sa tingin mo hindi natin maigagawa nang maayos? Is it too hard for you, that's why you don't want to play it?" Walang pang-iinsulto sa aking tono, purong tanong lamang iyon. At hindi rin naman mukhang si Seref ang tipo na agad naiinsulto.

Marahan niyang ipinilig ang ulo habang pinagmamasdan ako at kumurba ang kaniyang labi para sa isang ngiti.

"Hardly," he answered huskily. No sign of bragging in his tone, just a statement of fact. "But the violin parts are draining. The keys are on a different level, so I don't suggest that we pursue this."

Ang aming pinaplano ngayon ay kung ano ang gagamitin naming piece na tutugtugin para sa laban. Kaya naman lihim na tumaas ang aking kilay noong napagtantong inayawan niya ang piece na Duo Concertant nang dahil sa akin.

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon