Kabanata 26

62 2 0
                                    

College Arc XXVI: Aubrey's Rant

When I was young, my father often tells me that my mother likes journals.

Ang sabi niya'y noong unang kakilala niya palang sa aking ina ay palagi niya itong nahuhuling nakatutok sa isang notebook at nagsusulat.

Oddly enough, I never saw my mother ever write on a journal my whole life. But there are things that we outgrow over time. Things that we just stopped doing eventually. Writing about her life in a journal is like that for my mother.

Isang bagay na kaniya nang tinigil gawin sa paglipas ng mga taon.

Despite my father encouraging me to write on a journal too, somehow, I never did. Para sa akin ay hindi ko na kailangan sapagkat matalas ang aking memorya. Hindi ko na kailangan ng papel upang i-alala ang lahat.

"Miss Hira," ang lalaking tauhan na meroong simbolo ng mga Amor sa kaniyang uniporme noong pinangbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

Mula rito ay kita ko ang braso ng aking ama na nasa kabilang banda. Hindi makapaniwala kong kinapa ng tingin ang bawat sulok na maari kong makita.

Kinakabahan, ako ay humakbang at yumuko papasok ng sasakyan.

Mabilis ang karipas ng aking dibdib.

Kailan ba ang huli naming pagkikita? Half a year ago?

At kahit na gano'n, ni wala kaming tsyansa na mag-usap man lang. Akin lamang siyang nasilayan ng iilang minuto bago siya naglakad paakyat ng kaniyang opisina sa bahay.

Simula noong nawala sa buhay namin ang aking ina ay linaan ng aking ama ang halos lahat ng kaniyang oras sa
pagtatrabaho.

Minsan na nga lang siya umuuwi sa mansyon ng Hacienda Amor. Kapag
naman andoroon ay nakikita ko lamang itong tahimik na umiinom ng alak habang nakatingin sa
kawalan.

Hindi ko siya sinisisi. Alam kong sobra itong nasaktan sa nangyari. Kaya naman kahit na halos
hindi kami nagkikita ay hindi ko ginagamit panama sa kanya iyon.

Sapagkat naiintindihan ko siya.

May mga bagay na dinaanan ng pagbabago. Hindi na ako ang dati niyang anak na palakaibigan sa lahat. At hindi na rin siya ang dati kong ama na lagi akong sinasamahan at tinuturi akong prinsesa. 'Yun ang isa sa mga bagay na naiwan sa nakaraan.

Mabilis ang tibok ng aking puso noong tuluyan na akong naka-upo. Pinunasan ko ang kamay sa gilid ng damit sapagkat namamawis.

"Dad. . ." Bahagyang nanginig ang boses na tawag ko sa kaniya.

Gusto kong lumingon. Nais ko siyang tignan. Kahit isang sulyap lamang.

Hindi ko ginawa.

Wala ang pahintulot na maari ko ngang gawin iyon.

"You can look at me, my dear child." Marahan niyang wika noong hindi ako lumingon sa kaniya.

Ngayon na pinayagan, aking mabagal na linipat ang ulo paharap sa katabi.

Nagtama ang aming paningin.

Sa loob ng kotse, doon naka-upo ang lalakeng tinanda na ng karanasan. Napansin ko kaagad ang pagkapayat nito kaysa noong huli naming pagkikita. Mas lalo ring nagkaroon ng mga guhit sa kaniyang mukha. At ang kaniyang mata. . . nabiyak ang aking puso.

Paanong posibleng may gano'ng kay lungkot na mga mata ang isang tao?

"Hiraya," pagod siyang ngumiti sa akin.

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon