Musical Arc IV: Kraken
Maliit ang mundo. 'Yun ang aking napatunayan.
I'm great with conversations.
It's a necessity to be a great conversationalist when your mother's a socialite. Kapag magaling kang magsalita ay marami kang puwedeng makuha. Companions, business deal, and trust. Ilan lamang ang mga iyon.
Conversations are easy for me. After all, it's my forte.
So did that help me strike out a decent conversation with the guy that I'm aloof at for years? No. Did I come up with a topic in an instant? Also no. Do I have any idea at all what to say?
Absolutely none.
Hinalugkot ko ang aking isipan sa kung ano maari ang puwede naming pag-usapan. Hindi ko alam na posible palang gano'n kahirap makapag-isip.
Sa isang estranghero nga na wala akong kaalam-alam ay may agad akong paksa na nabubukas. Paano pa kaya sa isang taong kilala ko na simula pagkabata pa?
Ngunit wala talaga akong maisip na sasabihin. Sa loob ng mga panahon na iyon ay hindi kami naging malapit sa isa't isa. Bilang lamang ang mga pagkakataon na nakakapag-usap kami at sa mga oras pang iyon ay may mga ibang tao kaming kasama.
Nakakatawang isipin dahil hanggang ngayon ay magkaklase pa rin kami ngunit ito palamang yata ang kauna-unahang panahon na kaming dalawa lang ang magkasama.
Even in high school there's only one section in our international school. Magkakakilala na talaga ang lahat simula pagkabata sapagkat kaonti lamang kaming mga estudyante.
Buhat-buhat ang metal na silya ay naglalakad sa aking gilid si Seref.
"What are you thinking?" he asked with an inquisitive tone.
Nagulat pa ako na siya ang nagsimula ng pag-uusap. Iyon pa man din ang aking iniisip.
"Oh, nothing." Sagot ko na panigurado'y nagpapailing na sa aking mga ninuno kung nakikita lamang nila ang sagot ko ngayon. Ayusin mo naman, Hira! What's with that response? "So you're having lessons here too?"
Tanong. Maayos naman iyon hindi ba?
Bakit ba ang hirap makipag-usap sa lalaking ito?
"Yes. You too, huh?" Lumingon si Seref sa akin nang may ngiti.
Sinubukan ko ring ngumiti pabalik upang maging magalang ngunit hindi nagtagumpay.
"Matagal ka na rito?" tanong ko nalamang kahit na alam na ang sagot. Sa tagal ko rito, ngayon ko pa lang siya nakita.
Sigurado akong bago palang siya rito sa studyo.
"Well, no. I just started a month ago."
A month ago?
Hindi ko inaasahan iyon. Alam kong magkaka-iba ang oras namin. Ang mga iba ay sa umaga, ang iilan ay tanghali at ang mga natira ay sa hapon. Iba-iba rin ang araw ng klase namin bawat linggo.
Posible pang isang linggo na siya rito at magka-iba lamang ang oras ng aming klase kaya hindi ko pa ito nakakasalubong, ngunit isang buwan? Isang buwan na siya rito at ngayon ko palang siya nakita?
"How about you?" baling niya sa akin. Napalingon din tuloy ako habang naglalakad. I can see how sharp his cheekbones are with him just a few inches beside me. "Matagal ka na rito?"
Ang tensyon ay nasa akin pa rin ngunit hindi ko pinahalata. Tumango ako kay Seref.
"Since I was seven."
Tatlo ang aming mga musikerong guro. Ang nagtuturo para sa mga beginners ay si Ms. Lin. Siya ang naging unang guro ko.
Tulad ni Mrs. Cluntriza ay bihasa rin ito sa pagtutugtog ng maraming instrumento. Hindi man kasing dami at kasing galing nang may ari ng studyp na si Mrs. Cluntriza ay mahusay ito at nakakahangang magturo.
BINABASA MO ANG
Hiraya (HEST #1)
RomanceHide End Seek Trilogy #1 Hiraya Amor is the most sought socialite attorney of the country. With her sweet words, her cunning tricks and her wits, she can get even the most wanted criminal clear of any charges. Bakit niya ginagawa ito? Dalawa laman...