Musical Arc VIII: Talk
There has never been a risk for me.
Bago pa magkaroon ay pinaplantsa ko na ang aking mga plano nang sagayon ay wala nang panganib na magkaroon ng pagkakamali sa hinaharap. I prefer working things out with my mind. To be analytical and systematic. I use logical reasoning and stick to the certainties.
That's why I don't allow myself to test out hypothesis since I can't afford it. Kailangan ko nang sigurado sapagkat hindi ako puwedeng matalo.
Taking risks for me is like walking on a dangerous and dark road, one that you can't be sure where you'll end in the long run.
You could end up victorious. . . or you could end up miserable.
Nagising ako na meroong sakit sa ulo.
Tuyo ang aking lalamunan kaya naman inabot ko kaagaad sa tukador ang tubig. Napahinto ako noong nakita ko roon ang paper bag at ang isang nakatuping papel. Ang alaala nang nabasa ay pumasok sa aking isipan.
Seref
Andito siya kagabi. Dala ang gamot at isang sulat, pati na rin ang mensahe na nahanap na nito ang sagot sa aming problema.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para do'n. Ngunit paniguradong kasama roon ay gulat at. . . kuryosidad. Nakakaramdam ako ng kuryosidad at pananabik sa kung anong maari ang naisip niyang solusyon.
Ang sabi ni Seref ay pag-usapan nalamang namin sa Martes, isa sa mga araw na nagkikita kami sa studio.
Sabado ngayon, ibig sabihin ay magkakasabay din kami ng musical classes sa araw na ito. Sinabi niya siguro na sa Martes dahil paniguradong iniisip niya na hindi ako makakapunta sa klase ngayon dahil sa'king sakit.
Ngunit mali ito.
Bagaman meroon pa rin akong sakit, higit na mas mabuti na ang aking pakiramdam kumpara kahapon. Sinat nalamang at sipon ang sa ngayon.
Ako'y bumangon sa kama.
Sa aking pagtayo ay agad na sumigaw sa sakit ang aking likod. Hindi iyon dahil sa lagnat ko. Iyon ay dala ng pagparusa sa'kin ng ina pagkauwi nito mula sa pagsasalo noong madaling araw.
Inaasahan ko na 'yon.
I was punished for being weak, for unsightly sleeping posture, for not attending the party, for stuttering, and mostly for allowing myself to get sick.
Cinq, the French for number five.
Iyon ang numero na sinabi sa akin ng ina para sa bilang ng aking pagkakamali.
Ang kaparusahan na natanggap ko ngayon ay ang isang daang patak ng kandila sa aking likuran. Ang dahilan kung bakit nagliliyab sa sakit ang aking likod ngayon.
I turned the heater on to produce warm water when I'm in the shower in hopes that it will soothe my body's pain. Noong natapos ay tinapis ko ang sarili sa roba at lumapit sa salamin ng banyo.
Hindi man tuluyang nawala ang sakit ko ay nakatulong ang mainat na tubig sa pagpapaginhawa ng aking palagay.
I turned my back whilst staring at the mirror with my head. Binaba ko ang roba upang masilayan ang kalagayan ng aking likod.
Blotches of red circle marks scattered around my back. Ang sa mga ibang parte pa ay nagpapasa at nagkukulay ube, iyon ang mga parteng ilang beses nadaplisan ng mainit na tulo ng kandila.
Old bruises and scars from old wounds are slightly visible too. Ang mga iba roon ay hindi pa tuluyang naghilom, habang ang mga iba naman ay ilang taon na ang tanda.
![](https://img.wattpad.com/cover/209291926-288-k246073.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiraya (HEST #1)
RomanceHide End Seek Trilogy #1 Hiraya Amor is the most sought socialite attorney of the country. With her sweet words, her cunning tricks and her wits, she can get even the most wanted criminal clear of any charges. Bakit niya ginagawa ito? Dalawa laman...