Antagonist's Tale XLVIII: All The Secrets Left
Nothing's making sense.
When the criminal charges against Eponine Agrazal were dropped, the course changed to a civil case.
Civil penalties were pressed against her for the harm that she inflicted. Hindi tulad ng criminal case, walang pagbabanggaan ang naganap para sa civil. Not when we already know that my father died due to suicide. Ang kampo ng mga Agrazal ay maayos na nakipagsundo sa aking abogado at sa abogado ni Seref para sa pagbabayad. They also paid for the damage to property.
Malaki ang multa para sa pagtakbo niya paalis noon imbes na dalhin sina Seref at ang aking ama sa hospital. Her licensed was revoked for the hit and run penalty- not-at-fault death. She's also on probation. Bukod pa do'n ay ang sa obstruction of justice dahil sa pagtatago ng mga ebidensya.
The list of fines are heavy on the pocket. Lucky for her she's a member of the wealthiest political dynasty of the country.
"Miss Amor," ang mapangkumababang boses ang tumawag sa akin bago ako makaalis sa korte noon sa huling hearing.
"I'm not in the mood for an interview," agaran kong putol. Ang isip ay inuulap pa rin sa mga rebelasyong nalaman.
Humakbang ako paalis noong pinigilan muli niya ako. "Hindi po ako andito para sa interview."
Lumingon ako sa likod. I was planning on giving her a cold and dismissive look, but instantly tilted my head when I saw who it is.
"Aisla Helenus"
Lumagpas ang aking mga mata sa lalaking kasama niya sa likod. Bahagyang napataas ang aking kilay dahil sa pamilyar na mukha. Bumalik ang aking tingin sa tumawag sa akin.
I don't know what to make of my disposition towards her. Not a day ago, I didn't even know her existence nor her connection to this case.
Hindi ko kayang pagaanan nang gano'n ang aking loob sapagkat anak siya nang nagnakaw ng mga ebidensya sa pagkamatay ng aking ama. But I also know enough to not hold her responsible for the crimes of her parents.
May linahad siya sa akin.
Hindi ko binataw ang mata muli sa kaniya at walang ginawang galaw nang pagtanggap o pagsulyap lamang sa kaniyang inaabot.
"Sa tingin ko po gugustuhin niyong makuha ito," she said softly.
Doon palang bumaba ang aking tingin. She's holding out a leather . . . journal. Nawala yata ang kulay sa aking mukha dahil sa nakita.
"Is this. . .?"
Gulantang kong liningunan si Aisla Helenus. Tahimik siyang tumango sa aking hindi natapos na tanong.
Ang mga kamay ay naka-krus sa isa't isa habang nakatayo sa librarya ng Hacienda Amor at mainam na minamasid ang journal na binigay sa akin ni Aisla ilang linggo ang nakakalipas.
Kasama iyon sa nahanap ng kaniyang ama at iba pang magnanakaw sa crime scene. She didn't turn it in with the rest of the evidences. Napagtanto niyang ang sulat na nakaipit sa loob no'n at ang camera footage ay sapat na upang maipaalam ang katotohanan sa korte.
"Ayoko pong magdesisyon na . . . ilahad sa lahat ang nakasulat diyan," ang kaniyang wika noon habang binibigay sa akin. "It's not for me to decide which secrets of your family should be revealed."
She read it, I realized right there.
Ni hindi ko alam ang mga sikreto ng aking pamilya na tinutukoy niya. Na mero'n pang madaming gano'n. But one thing's certain. Whatever's inside the journal devastated my father so much that he decided to take his own life.
BINABASA MO ANG
Hiraya (HEST #1)
RomanceHide End Seek Trilogy #1 Hiraya Amor is the most sought socialite attorney of the country. With her sweet words, her cunning tricks and her wits, she can get even the most wanted criminal clear of any charges. Bakit niya ginagawa ito? Dalawa laman...