College Arc XVII: Condo
There are four seasons. Sa aking buhay, dalawa lamang ang aking naranasan.
My life has always been just spring and summer. Gentle breeze and warmth. Sunshine and paradise. Blooming flowers and sweet scent of grass. Ganu'n ang aking buhay.
While other children spent their youth with hungered mouths, scorched skin and harsh labor forced upon by poverty, I spent mine in beautiful dresses and vacations in Paris. Ang mga labi'y 'di nawawalay sa ngiti at tawa. Ang mga mata'y hindi tulad nila na sa dikit-dikit na marurupok na bahay at mga yerong pinatungan ng gulong ang sinisilayan. Ang akin ay pinagmamasdan ang kalakihan ng mga palasiyo at kagandahan ng mga museo.
I was lucky enough to have that kind of life. To be privileged and to have more than what others could only dream of. Kaya naman pinapa-alalahanan ko ang sarili na hindi limutin iyon. Hindi ko pinapayagan ang sarili na mag-daing at reklamo sapagkat ano ang karapatan ko upang gawin iyon gayong meroong iba diyan na nag-hihirap upang maka-kain nang kahit isang beses lamang sa isang araw?
I'm eternally grateful for what I have. Most of all, the memories of my youth are the ones I cherish the most. Those days are my own springs and summers. My memoirs of the sweet seasons of my life. My memorandum of my fragrant wisteria.
Umiiyak sa aking bisig si Ate Linda habang kami'y nasa bulwagan ng aming mansyon.
"Miss, huwag ka nang umalis." Kaniyang maka-awa na walang humpa. Ilang linggo na nitong inu-ulit sa akin iyon. Humikbi ito habang naka-kapit sa akin. "Huwag ka nang lumipat. Dito ka nalang, Miss Hira."
Her tears trickled down her cheeks. Ang mga ito ay pumatak sa aking damit.
Ang aking kamay ay dahan-dahan kong inangat upang marahang tapikin ang kaniyang likod habang naka-yakap sa akin. Ngunit sa kalagitnaan nang pag-taas ay tila kidlat na dumaloy sa akin ang imahe nito na nakikipag-sabwatan sa aking ina. Tila sinaksak ang aking puso dahil doon. Unti-unti ay aking ibinaba ang kamay.
I only stood there. Frozen and unmoving.
"Ma'am Hira manatili ka nalamang po rito," hikbi niya. Sa kaniyang likod ay ang iba pang mga trabahante ng mansyon namin rito sa Hacienda Amor. "O kaya nama'y isama niyo nalang po ako sa Maynila!" Suhestyon pa nito.
Ate Linda had been by my side throughout the years. She's my personal hand maid ever since I was young.
Natatandaan ko pa kung paano nito ako sinasamahan sa aking mga paglalaro sa bakuran noon. She would indulge me every time I forced her to play the mud with me. Sa huli ay ang malakas na sigaw ni Manang Rosa ang aabutan namin pagkatapos nang ilang oras na pagdudumi sa putikan. Puputok ang butsi ng aming mayardoma at kaming dalawa'y pag-sasabihan. Ngunit sa aming dalawa ay palaging siya ang mas mapapa-galitan sapagkat ito ang may tungkulin na bantayin ako.
Noong nag-simula akong maging interesado sa mga palamuti na nakikita ko sa telebisyon ay siya ang aking kasama sa'king silid habang nag-bibihis kami na tila manika. Hindi ako papayag na ako lamang kaya nama'y pipilitin ko ito na suotin ang aking mga damit upang kami'y magka-tulad.
We'd put make up on each other and even braid our hair together. Pagkatapos ay mag-tatawag pa ako ng ibang tagapag-silbi upang kuhanan kami ng litrato. I have a box where I stored all our memories together.
Growing up, she was like my own walking diary. Ang aking mga problema ay sa kaniya sinasabi o kaya naman ang mga kuwento sa eskwelahan ay sa kaniya ibinubunyag.
My mother never approved of me being friends with people who she labeled as 'peanuts'. Ang mga mayayaman ay para sa mga mayayaman. At ang mga mahihirap ay nabuhay upang kami'y pag-silbihan. Sila ay mas mababa kaysa sa amin. Iyon ang paulit-ulit na itinuturo sa akin ng aking ina.
BINABASA MO ANG
Hiraya (HEST #1)
RomanceHide End Seek Trilogy #1 Hiraya Amor is the most sought socialite attorney of the country. With her sweet words, her cunning tricks and her wits, she can get even the most wanted criminal clear of any charges. Bakit niya ginagawa ito? Dalawa laman...