Kabanata 29

60 3 0
                                    

Kabanata XXIX: Love & Hope

Apocalypse

As described from the biblical book of Revelation: It is the end of the world. The end of mankind. Final day of humanity.

It never said how it's going to happen or when it will be. Ni hindi man sinabi kung isahan ba ang pagtakwil nang buhay ng mga ito. We just assumed that it will be in a single stride for everyone.

But if it's not, then one thing's for sure: My apocalypse came before anyone else's.

Jaena's Hypocrisy

The most loved political family is nothing but hypocrites. Previous Isabela governer Helen Jaena-Amnon is one evidence of this. Known for being active on campaigning environment awareness throughout her position, one might find it ironic that she's wed to a family from a known fuel brand across Southeast Asia, the Amnons, who are of course using fossil fuel to make their title possible. A non renewable source of energy that helps ruin the earth once overly extracted such as fossil fuels, surely, the Jaenas are nothing but a false image of goody two shoes.

Aking sinarado ang laptop na naglalaman ng tabloid article na nabasa.

Duma-dami na ang mga ganito nitong mga nakaraang araw. Halos araw-araw laman ng balita ay ang spekulasyon na paglalaban ng Agrazal at ng mga Jaena sa pamumuno ng bansa. Karamihan sa mga tao ay nahahati na at namimili na rin ng mga papanigan kahit na wala pa namang kumpirmasyon kung tatakbo nga ba talaga ang dalawa.

Ang mga tsismis, balita, at paninira ay kadawit nito. Kahit na hindi naman ang ina ni Seref ang tatakbo ay pati sila nadadawit sapagkat kamag-anak siya nito na aktibo rin sa politika.

Pati naman ang mga Agrazal ay may mga artikulo na nagawa na sinisiraan sila. Idagdag pa ang mga rambulan ng mga masa sa social medias.

It's quite messy.

Siguro ang mga Agrazal ang may gawa ng iilang tsismis panira sa mga Jaena. Siguro rin ay iyon ang ginagawa ng ilang kamag-anak ni Seref. It's elections. People who are greedy for power are very much capable with little things like that for them.

Most of the accusations in tabloid are absurd though. Halatang gawa-gawa lamang. Pampa-ingay.

Ang isang ito lamang na aking kakabasa ang siyang may bahagyang kalapitan sa katotohanan.

Nakita na kaya ni Seref ito?

A part of me, the part that is still alive, worries for him.

The doorbell rang.

Mabilis na napalingon ang aking ulo roon. Kahit na inaasahan ko naman, hindi mapigilan ng aking dibdib na maghurumentado sa kaba.

Isang beses lamang pinindot ng sa labas ang doorbell. Tila gusto lamang ipaalam na andiyan siya.

Ako'y naglakad paharap sa intercom at bubuksan na dapat iyon noong napatigil. Lumingon ako sa pinto.

Isang kabadong lunok ang aking ginawa bago dahan-dahang lumapit doon.

It's just a door, Hira. It's just a door.

Kahit na iyon ang binubulong ko sa isip ay hindi ko pa rin mapigilan ang panginginig ng aking kamay habang inaabot ang door knob.

My mouth felt dry and a cold sweat trickled down my forehead.

Kahit pinto kinakatakutan ko na ngayon.

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon