Kabanata 10

105 4 0
                                    

Musical Arc X: Wars

Stephen King once said that life is like a wheel.

Minsan nasa itaas ka, minsan nasa baba. One day you'll be up in the air soaring high, the other you're pressed against the harsh ground. And the cycle continues because life's just like that.

"Stand by kayo. Kayo na ang susunod pagkatapos nila."

Tumango kaming dalawa ni Seref sa staff na sumalubong sa amin. Suot-suot nito ang isang itim na headphones na meroong maliit na mic na siyang nakatutok sa kaniyang bibig.

Mula rito sa right wing ay nasisilayan namin ang mga kalahok na nasa entablado. Nasa tagiliran kami ng palapag at natatakpan lamang gamit ang mga matataas na pulang kurtina.

Naka pwesto na ang dalawang manunugtog sa entablado. Ang madilaw na ilaw ay nakatutok sa kanila, ibang iba mula sa aming posisyon na madilim. They started playing Suite in the Old Style II. Ballet: Allegro.

Tama nga ang napagtanto ko. Halos lahat ay iyon ang tutugtugin.

Ang dalawang lalaking musikero ay nagsimula. Mero'ng mga maliliit na pagkakamali ang nagawa nila. Napatingin ako sa mga hurado at nakitang may sinulat sila sa kani-kanilang papel. Paniguradong nabawasan ang kanilang mga puntos.

Ang pinaka importante pagdating sa mga kompetisyon ay ang score sheet. 'Yon ang magsasabi ng lahat.

Madaming kriterya para rito. Score sheets are usually known for being strict and tight.

Madalas kahit ang oras ay meroong puntos. The time limit is usually five minutes. Kapag lumagpas roon ay awtomatikong disqualified ang mga kalahok. Mero'n naman na ibang kompetisyon na hindi agad disqualified, pero may limang puntos na bawas kada-trentang segundong lagpas. Ganoon kahigpit.

For instrumental music judging, the score sheets are usually compose of tone, interpretation, technique, musicianship and presentation. 

There's a lot of factors for each general category. Katulad nalamang sa tone na iba't iba ang puntos para sa klaridad, intonasyon, kontrol at lakas. Sa interpretasyon ay kasama sa tinitignan ang tempo, dynamics, style at phrasing. Pinaka-madami naman na puntos ay ang sa musicianship at technique. Madaming kategorya ang kabilang rito, kasama na ang slurs, melody, meter, cutoffs, attack at accuracy.

Pati ang postura ng mga kalahok ay may puntos din. Mahigpit rin kahit sa mga attire. Kapag hindi nasunod ng maayos ang dress guidelines ay madalas hindi na pinapag-perform.

Mero'n pang ekstrang kriterya para sa iba't ibang instrumento. Sa piano ay tinitignan ang pedaling ng kalahok at ang memorya nito. Hindi kasi katulad sa mga performance na meroong mga music sheets, sa mga kompetisyon ay pinagbabawal ang mga 'yun. Kailangan memoryado ng pianist ang lahat ng nota. Para sa mga violinist naman ay tintignan ang bowing, kung ano ang kalidad nito at kung gaano ito kalinis. Para sa mga ibang kompetisyon naman ng ibang instrumento ay meroong kriterya para sa mga wind instruments. Ang wind control at tonguing. The pure tone quality, the articulation and even the control of stream air have points.

Pinagmasdan ko ang mga kalahok na nasa entablado. Ang pianist at ang violinist ay parehong lalaki. 

Pinakinggan ko ang mga ito. Hindi perpekto dahil nagkakamali sila paminsanminsan.

I focused my attention on the male violinist. Ang mga daliri niya ay naglalaro sa fingerboard at nagdidiin sa mga strings. Isang nota ang kaniyang sinubukan na gawin. Mabilis ang kaniyang braso sa pag-ugoy ng bow ngunit nahuli ang pang gitnang daliri sa pagdiin ng string. Hindi ito masyadong kapansin-pansin at nagpatuloy siya sa pagtugtog.

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon