Kabanata 6

131 3 0
                                    

Musical Arc VI: Guilt

There are different types of love.

Ang pinakaalam ay ang Eros. Ang senswal at madamdaming pagmamahal; There's Pragma, the enduring love; Storge or the family love; Philautia the self love; And there's also the Agape the selfless love or simply the love for man kind.

Madami pang ibang klase ng pagmamahal, ngunit lahat ng iyon ay pinaniniwalaan nang iba na nanggagaling at ginagawa lamang ng isang mitolohiyang nilalang. It's Cupid, the Roman god of love. The shooter of arrows. And the one responsible for distributing all kinds of love.

"Isa pa?" aya ko kay Seref.

Tumango ito sa akin, ngunit kita ko na ang kapaguran sa kaniyang disposisyon.

Gano'n na rin siguro ako. Ang kapaguran na nakikita ko sa kaniya ay paniguradong nagrereplekta rin sa akin. Ngunit parehas naming pinabulaanan iyon at nagpatuloy sa pag-eensayo.

Sinimulan muli namin ang panunugtog ng Schnittke Suite in the Old Style II. Ballet. Allegro. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang ulit na namin ito.

Our music clashed again in an unpleasing tone. Like glasses breaking. Like a calm sea disrupted by a jackal wave.

Habang mas lalong tumatagal, ay mas lalo lamang lumalala ang aming pagsabay.

Kung kanina ay nabubuo pa namin ang isang imahe ng masayang piyesta at nasisira lamang kapag malapit na sa pinakatutok ng kapangyarihan nito, ngayon ay ni hindi na namin magawa ang imaheng iyon. Dahil masyado kaming nakatuon sa pagsubok na ipaghalo namin ang aming musika ay nakakalimutan na naming alalahanin ang sariling pagtugtog.

"It's still not mixing up," marahan ngunit may pagod na wika ni Seref.

Pagod din akong tumango. It's been hours since we started. Ngunit wala pa ring pagbabago. Kung mero'n man ay ang paglala lamang nito.

Binaba ko na ang instrumento sa aking balikat. 

Gusto mang mag-inat ng aking balikat dahil sa sakit dala ng violin, hindi ko ginawa. Masisira ang postura ko. Kaya naman ay ako'y naglakad nalang sa malapit na upuan at ipinatong ang violin sa lamesa pagkatapos maupo roon.

Aking pinilig ang ulo upang mag-isip ng solusyon para sa aming problema.

Ngunit paano ko nga ba masusulosyunan ang bagay na hindi ko naman maintindihan kung bakit nagkakaroon ng problema?

"I don't understand," wala sa sariling saad ko. "It ought to be right. But for some reason, it isn't." Patagong kumunot na ang aking noo. "Ano bang problema?"

I cleared my mind.

What should I do? Think, Hira. Think. Kung meroong problemang hindi mo maintindihan, ano ang unang dapat na gawin?

Isang pares ng mga mata ang naramdaman kong nakatitig sa akin.

"What's on your mind?" Seref probed curiously near me. 

He was leaning on the wall, with arms crossed over his chest. Ni hindi ko napansin na nakalapit na pala ito sa akin. Nagulat nalamang ako na nasa harap ko na siya.

"Just," I quickly maintained my composure despite the shock. "About our play. Iniisip ko lang kung ano bang maaring solusyon."

"Hmm. . . " Kaswal itong umupo sa aking tabi. I stopped myself from flinching my skin away from his. Our bodies are just few inches apart. "Came up with any?" 

He tilted his head and subtly raised a dark eyebrow.

"Na solusyon?" Umiling ako. "Zilch."

I was a little bit distracted with his approximate. From here, I can feel the heat coming from his body. 

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon