Kabanata 1 - The Queen

198 7 0
                                    

Musical Arc I: Dismaya

Naniniwala ako na ang pinakamapayapang halik ng memorya ay noong bata ang isang tao.

Bakit? Sapagkat hindi pa mulat ang mga bata sa mga nangyayari sa mundo. Tamang laro lamang sa putikan at tagu-taguan. Sa mga simpleng bagay ay nakakahanap nang kasiyahan.

At tulad ng isang ordinaryong bata, gano'n din ang aking buhay noon. Mapayapa at masaya.

A splattered world away from the life I would eventually have in time. 

"Hira! Ma'am Hira nasaan na po kayo? May klase pa po kayo!"

Mabilis na naalis ang aking tingin sa itim na kotseng nakahinto ilang layo mula sa akin. Hindi ko na nakita pa ang nasa loob nang pababang salamin sapagkat ako'y napabaling at napatayo na noong aking narinig ang naghahanap na tawag ng mga kasambahay.

"Ma'am Hira! Miss nasaan ka?"

"Andito po ako! Ate Linda, Manang Rosa, rito po!" Tinaas ko pa ang aking mga kamay na ngayon ay madumi dahil sa paglalaro ng putik upang mas makita nila ako.

"Dito po!" tawag kong muli, biglang nasiyahan sa pagtili.

"Hay nakong bata ka!" unang salubong sa akin ni Manang Rosa noong nakita na niya ako. "Mag-aalas onse na hindi ka pa rin nakakapaghanda! Muhuhuli ka na niyan sa klase mo! Ano ba kasi ang ginagawa mo?"

"Naglalaro po," inosente akong ngumiti sa nag-aalab na mayordoma ng aming mansyon. "I created a mud doll with wings! Seraphina, manang! And her mate Jame-"

"Naglalaro!" she said exasperatedly. "Mga kabataan nga naman ngayon! Kay hilig magsitatapat sa araw. Laro nalang nang laro ang inaatupag!"

Sumunod ako sa paglakad nito kasama pa ang isang kasambahay namin na si Ate Linda habang patuloy sa pagsisiwalat ng damdamin si manang.

"Buti na lang kamo ay tanghali ang klase niyo para sa unang araw ng pasukan! Paano na lang kung umaga? Edi mas mahuhuli ka sa klase? Nako! Bukas sisiguraduhin ko talagang maaga kitang magigising nang sagayon ay hindi ka mahuli sa klase. Maaga pa man din kayo bukas!"

Kinalabit ako ni Ate Linda. Ginaya nito ang pagbuka ng bibig ni manang sabay linukot ang mukha na tila galit. Hindi ko tuloy napigilang mapahalakhak.

"Linda!" suway ni manang na napaharap dahil sa tawa ko. Mabilis na umayos si Ate Linda sa pagkakatayo kahit na meroon paring multo ng ngiti sa kaniyang labi. "Tigilan mo iyan at tulungan mo na si Nestor sa hardin nang matapos tayo agad!"

"Opo Manang Rosa," magalang na sunod niya.

Kinindatan ako ni Ate Linda na siya namang aking kina-bungisngis bago sumama kay manang papasok ng mansyon.

In the sweet province of Isabela, in its largest estate, in the second leading hacienda of the country known as Hacienda Amor, in its center—a manor stood. A small family of three, yet full enough with no spaces to fill. This is where I reside. This is my home.

Ako'y naglakad papalapit sa pahabang lamesa sa ilalim ng mga diyamanteng ilaw pagkatapos maghanda. Isa sa mga kasambahay ay pinanghila ako nang upuan.

"Salamat," nakangiting wika ko bago naupo at bumati sa aking mga magulang.

I got one of the toast bread. Tahimik kong kinain iyon habang hinihintay na matapos ang serbidora sa pagsasandok ng pagkain para sa akin.

"Alin po rito sa mga ulam Miss Hira?" tanong niya sa akin pagkatapos.

"Hmm. . . bacon and some eggs will do," I answered politely.

Tumango ito at sinunod ang gusto kong ulam sa aking plato. Isang kasambahay naman ang siyang may dalang pitsel na ngayo'y naglalagay ng juice sa aking baso. Sumimsim ako roon noong naubos na ang tinapay na hawak bago nagsimulang kainin ang kanin at bacon.

Hiraya (HEST #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon