Chapter 13

1.2K 45 2
                                    

YANNA'S Pov

"Sayo , sayo Kevin "

Matapang kong sinabi kay Kevin. Hindi pa sana ako handang ipagtapat sa kanya ang kalagayan ko pero nasabi ko na.

Dahil nahihirapan ako. Wala akong mapagsabihan . Pakiramdam ko nag iisa ako. Nagiging emotional ako. Araw araw akong sumusuka at nanghihina. Kaya napilitan akong sabihin sa kanya dahil alam kong karapatan nya yun at alam ko ring sya pa lang pwede kong mapagsabihan.

Natatakot akong sabihin sa Tita ko siguradong magagalit yun. Kay Erika , baka magalit din sya dahil pinsan nya si Kevin. Maraming tanong sa isip ko. Mga "paano? ". Paano kapag may ibang nakaalam? Paano ang paf aaral ko? Paano si Tita? Paano ko mapapalaki ang bata ? Maraming paano. Punong puno na ang utak ko sumasabay pa ang mga morning sickness ko at pagiging emotional ko. Kaya mas minabuti ko nalang na sabihin na kay Kevin para kahit papaano ay mabawasan ang mga iniisip ko. Tutal naman ay makulit sya.

Pagkatapos kong magtapat sa kanya ay nakatulala lang sya at parang naging tuod na sa kinatatayuan nya.

Binalot naman ako ng kaba. Ito naba yun? Tatakbo na ba sya at tatalikuran ako? Sabagay bata pa sya at minor de edad. Ano bang alam nya sa pagiging ama? Hindi rin naman namin inaasahan na ganito ang mangyayari.

Akma nakong aalis sa harap nya dahil hindi parin sya kumikilos ng bigla syang magsalita.

"A-ate Yanna " nagulat pa ko ng parang medyo crack ang boses nya . Para syang maiiyak.

Hindi nga ako nagkamali ng bigla nalang may tumulong luha galing sa mga mata nya.

Nanlaki ang mga mata ko at nag iwas ng tingin.

Napag igtad pa ko ng biglang syang lumapit saakin at sabay hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay ko. Bahagya pa akong napatingala sa kanya. Mas bata sya saakin pero mas natangkadan nya pa ako.

"H-huy teka , anong ginagawa mo? " tarantang sabi ko. Nakatitig lang sya saakin. Namumula ang mata hindi nag sasalita.

"A-ano ba Kevin "

"Ate Yan-- i mean Yanna " utal pa nyang sabi .

"Wala kang galang ah " asik ko sa kanya.

"I don't care ! we're going to have a baby . Ang akward naman kung Ate parin ang itatawag ko sayo " parang batang paliwanag nya.

May point naman sya kaya hindi na ako kumontra.

Huminga pa sya ng malalim at hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko.

"A-alam kong mas bata ako sayo. I know I'm still studying. Wala pa akong trabaho at kakayahan pero  I'll promise you . Pananagutan kita ,  hindi kita papabayaang  mag isa"

Tinignan ko naman sya at kita ko ang sincerity sa mga mata nya.

"P-pero paano? " naiintindihan ko naman . Nag aaral pa sya . Alam kong mahihirapan kaming dalawa.

"Magtatrabaho ako habang nag aaral , Graduating naman na ako ng higschool. I can find a job after graduation. Habang bakasyon " pursigidong sabi nito.

"Kaya mo ? "

"Kaya ko , kakayanin ko " nasa mga mata nya ang sincerity at lakas ng loob.

Nagulat pa ako ng bigla nya akong niyakap ng mahigpit pero bigla ding humiwalay.

"S-sorry , baka maipit si baby " nakangiting sabi nya kahit namumula parin ang mata. Parang any moment ay maiiyak na naman.

"Oa mo , maliit pa naman ang tiyan ko "

Nginitian nya lang ako.

"Magiging Daddy nako ! " bigla nyang sabi.

Inirapan ko naman sya.

"Iniisip ko ang sasabihin ni Erika pag nalaman nya. Na pinatulan ko yung pinsan nyang mas bata saakin? " natigilan pa ako at nakadama na naman ng lungkot at takot. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Erika.

"Hindi na ako bata ! Mas matanda ka lang ng ilang taon saakin " pagrereklamo nito. Bahagya pa itong nakanguso. And I find it cute.

Bipolar na yata ako. Kanina lang naiinis ako sa kanya ngayon naman naku-cutan na ako sa kanya.

"Marunong ka na ngang gumawa ng bata e " mahinang bulong ko. Mukgang hindi naman nya narinig dahil nakasimangot parin sya at nakatingin saakin.

"H-huh? " nagtatakang tanong nya.

" Wala ! " sabi ko tsaka sya tinalikuran at nagtuloy tuloy sa sala . Naupo ako sa sofa at nagpahinga. Masama parin ang pakiramdam ko.

Naramdaman ko naman ang pagtabi saakin ni Kevin naupo sya sa arm rest ng upuan.

"Nakapag pacheck up ka na ba? "

Tiningala ko sya at umiling.

"Hindi pa , Last week ko lang naman nalaman na buntis ako " mahinang sabi ko.

"Magpacheck up tayo , sasamahan kita " nagulat pa ko sa sinabi nya.

"Wag na ako nalang , baka may makakita saatin.  Kung ano pa ang sabihin " baka mamaya may makakita saamin sa clinic na magkasama at mabuking kami at  makarating pa kay Erika. Hindi pa ako handang malaman nya. Tama na munang si Kevin pa lang ang nakakaalam.

"So what? Ano naman kung may makakitang magkasama tayo? " bakas sa boses ni Kevin ang lungkot. Naoffend ko ba sya?

"H-hindi sa ganoon , hindi pa kasi akong handang malaman ng iba , lalo na ni Erika. Gusto ko sana munang ipaalam sa Tita ko sa abroad bago ko ipapalam sa iba" Paliwanag ko. Pero mukhang  hindi sya kumbinsido.

Malungkot parin ang mukha nya. ang hirap naman pakiusapan ng batang to .

"Gusto kitang samahan Yanna " malambing na sabi nya. Para namang nalusaw ang inis ko sa lambing ng pagkakasabi nya.

"K-kevin , ang kulit mo naman e "  humawak pa ako sa ulo ng makaramdam na naman ng hilo.

"Sasamahan parin kita " matatag na sabi nito.

Hindi ko naman sya pinansin dahil nadagdagan pa ang hilo ko.

Pinikit ko lang ang mga mata ko at ikinalma ang sarili maya maya pa ay unti unting nawala ang hilo ko.

Nag aalala nya naman akong tinignan.

"Ayos ka lang ba? Nahihilo ka? " mukhang nagpapanic na naman sya.

Inis ko syang tinignan .

"Ewan ko sa'yo ! Ang kulit mo "  Inirapan ko pa sya.

"Nagugutom ka na ba ? " sabi nya. Hindi pinansin ang pagkainis ko sa kanya.

Dahil sa sinabi nya ay bigla akong nangasim at naglaway sa Lumpyang toge na may maraming suka.

Nagliwanag ang mukha ko at nakangiti ko syang tinignan.

"Gusto ko ng Lumpyang Toge palagyan mo ng maraming suka na may sili " masayang sabi. Naglalaway ang bagang ko naiisip ko pa lang.

Ngumiti naman ito bago tumayo sa pagkakaupo sa armrest.

"Ibibili kita " akma na syang aalis ng magsalita ako ulit.

"Gusto ko dun ka bumili sa may karenderia sa may kanto ah ! ayoko sa iba dun lang ang gusto ko " mahigpit na bilin ko sa kanya.

Ngumiti naman sya at inayos ang suot na salamin " Opo ! " sabi nya bago tuluyang lumabas ng bahay.

Ngingiting ngiti naman akong bumalik sa pagkakahilig sa sandalan ng upuan at hinintay syang  makabalik.

***

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon