Chapter 26

981 26 4
                                    

YANNA'S POV

DALAWANG linggo na ang dumaan simula ng magsama kami ni Kevin sa iisang bubong at lumipat ng bahay.

Sa unang linggo ay ayos naman. Inaasikaso ko lahat dito sa bahay dahil nga nag aaral pa sya at wala din naman akong ibang ginagawa. Kaya naman saakin na nakatoka ang lahat ng gawaing bahay . Pagluluto , paglilinis ng bahay at paglalaba.

Noong unang linggo ay natambakan kami ng labahin ni Kevin. Hindi kasi ako sanay na naglalaba agad. Noong nag iisa pa lang ako ay kada sabado ako nagpapalaundry kaya naman nawala sa isip ko na kaylangan ko na palang maglaba ng sarili ko. Dahil kaylangan narin naming magtipid. Kaya naman mano mano kong nilabhan ang mga damit ko. Pati narin ang mga damit namin ni Kevin ay isinama ko na. Dahil alam kong wala din namang ibang gagawa nun kundi ako lang din.

Pagod na pagod akong nagkusot ng mga damit. Gusto ko sanang bumili nalang kami ng washing machine kaya lang naisip ko na sayang ang pera pati narin siguradong madadagdagan ang electric bill namin. Kaylangang magdoble tipid kami lalo pa at wala pang nakukuhang part time job si Kevin. Tanging mga savings lang namin ang ginagamit namin.

Kaya kahit sugat sugat na ang mga kamay ko ay pinilit kong tapusin ang paglalaba.

Lumipas pa ang ilang araw ay nadagdagan pa ang problema ko. Mahirap pala talaga kapag mas bata sayo ang kasama mo sa bahay. Hindi naman madalas mangyari pero naiinis parin ako sa tuwing naiiwan ni Kevin ang mga binihisan nyang damit sa cr . Minsan nakasabit o di kaya naman nakalapag sa kutson. Kaya naman ako panay ang habol ng ligpit. Iniisip ko nalang na baka nakakalimutan nyang ilagay sa laundry basket.

Pero kahit na ganon si Kevin ay maalaga at maasikaso din sya saakin. Lalo na nung wala syang pasok at maaga pa lang ay nagpunta na sya sa mall para bumili ng isa pang plastic drawer cabinet. Yun pa lang kasi ang kaya ng budget namin. Pagkatapos ay sya narin ang nagligpit ng mga gamit nya tutal ako naman na daw ang nagtiklop.

Pagkatapos ay sya narin ang nagkabit ng tv mount sa dingding namin. Hindi kasi namin nagagamit yung tv.

Dumadalaw din saamin si Erika palagi. At ipinipilit parin nya na magpakabit kami ng aircon dahil mainit daw dito sa apartment namin pero tumanggi ako. Siguradong dagdag lang yun sa babayarin.

Masaya naman ang mga nagdaang araw namin dito sa apartment. Minsan nagigising ako ng maaga at naabutan ko pa si Kevin bago sya pumasok sa school. Minsan din ay nagigising ako na nakaalis na sya.

Kapag naman hindi ako nakakaluto o kaya naman nagkicrave ako sa ulam na gusto ko at hindi ko kayang lutuin ay bumibili nalang kami sa karinderya ni Ate Melba. Masasarap ang mga luto nya. Pinatikim ko na din kay Kevin at nagustuhan nya na din. Pero agad din namang kumontra si Erika. Baka daw hindi malinis ang pagkakaluto ng mga pagkain.  Kaya ipinilit din nitong bumili na rin kami ng kahit maliit na ref para may paglagyan kami ng mga stocks na karne at gulay. Pero tumanggi parin ako. Sayang lang sa kuryente at dagdag gastusin.

Araw ng sabado ngayon at umalis ng maaga si Kevin dahil mag aapply daw sya sa isang fast food chain na nakita nitong hiring online. Kaya naman naiwan ako dito sa bahay at naisipan kong maglinis at magligpit ng mga kalat sa may maliit na space sa harap ng front door. May maliit din kaming gate at bakod na railings.

Habang nagwawalis ako at nagtatanggal ng mga kalat ng may tumawag saakin.

"Yanna ! " narinig kong tawag saakin. Agad naman akong lumapit sa may gate at nakita kong si Jane pala ang tumatawag saakin. Anak sya ni Ate Melba yung may ari ng karinderyang binibilhan ko palagi ng ulam. Sya rin yung babaeng kumausap saakin noong unang beses akong bumili sa kanila.

Palagi ko syang nakakwentuhan tuwing bumibili ako ng ulam sa kanila.

"Oh Jane bakit? Tara pasok ka." aya ko sa kanya. Binuksan ko ang gate at pinapasok ito.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon