Chapter 14

1.2K 42 1
                                    

YANNA'S Pov

"ANO ba'ng ginagawa mo dito ? " madiin kong bulong kay Kevin dito sa harap ng classroom namin.

Naabutan ko sya kaninang nag aabang sa may pinto ng classroom namin. Kinakabahan ako na baka makita sya dito ni Erika. Buti nalang at hindi pa ito dumarating.

Hinila ko sya sa bandang gilid ng bintana at naiinis na kinausap.

"Baka makita ka ng pinsan mo dito , ano ka ba naman ! "

Nagyuko ito ng ulo at parang bata na nilaro ang mga daliri.

"Gusto ko lang naman malaman kung nahihilo o nagsusuka ka pa   Diba sabi mo may morning sickness ka? " nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Agad kong tinakpan ang bibig nya at luminga linga sa paligid para tignan kung may nakarinig sa sinabi nya.

"Ssshhh ! Ano ba , wag ka ngang maingay " naiiritang sabi ko sa kanya sabay tanggal ng kamay sa bibig nito.

"Nag aalala lang naman ako sayo " dahilan pa nya.

"Kahit na , edi sana tineks mo nalang ako diba? " nagpalitan kasi kami ng cellphone number. Dahil narin sa kagustuhan nitong makuha ang number ko. Para daw maa-update nya ako palagi. Parang sira 🙄

"Hindi ako makokontento sa text e , gusto ko sayo mismo manggagaling na okey ka " bakas sa boses nito ang pag aalala kaya naman medyo nabawasan ang inis ko.

Bumuntong hininga muna ako bago nag salita.

"Ayos lang ako okay ? Medyo nahilo lang ako kanina at nagsuka syempre, pero ayos lang ako "

"Sigurado ka ? " pangungulit pa nya.

"Oo nga ang kulit mo no bata ? " pang aasar ko sa kanya.

Ayaw nyang tinatawag ko syang bata. Simula kasi nung aminin ko ang kalagayan ko nung sabado ng umaga ay hindi na ito umalis agad sa bahay ko hanggang gabi. Nagulat din ako ng bago magtanghalian kinabukasan ay bumalik na naman ito at nagtanong ng nagtanong kung kamusta na ako at ang pakiramdam ko. Napakakulit na bata. Kaya naman tuwing  sasabihin kong para syang bata ay titigil ito at sisimangot. Ipaglalabang hindi na daw sya bata.Malamang nakagawa na nga ng bata e duh🙄

"Hindi na nga sabi ako bata e " ayan na ipaglalaban nya na hahaha.

"Oo na nga hindi na , umalis kana at  baka maabutan ka pa dito ni Erika " pagtataboy ko sa kanya.

"Oh sige , itext mk ako kapag sumama ang pakiramdam mo ha " paalala pa nya.

Natuwa naman ako sa pag aalala nito sa akin.

"Oo na nga "

"May gusto ka bang kainin? Ibibili kita? " alok nito. Nag isip naman ako ng pagkain pero wala akog maisip... sa ngayon.

"Hmm wala e , itetext ko nalang din sayo pag meron " nakangiti kong sabi.

"Sige , mag iingat ka ah. P-pag pupunta ka ng cr m-mag dahan- dahan ka baka madulas ka " bulo ng nya saakin. Para syang batang nagbibilin.

Natawa naman ako sa reaksyon nya at sa itsura nya kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong kurutin ang pisngi nito.

"Aaarrrrraaaayy anng sshhaakkkeeett " reklamo ni Kevin. Gigil na gigil kong kinurot  ang pisngi nya pagkatapos ay nakangisi ko na syang pinaalis.

"Sige na pumasok ka na "

Hindi ko na nakita ang reaksyon nya dahil tinalikuran ko na sya at nag tuloy na sa loob ng room.

Parang nabuo na ang araw ko dahil nakurot ko na ang pisngi nya. Pregnancy thing ba yun? Ewan.

Naupo na ako sa upuan ko maya maya naman ay dumating narin si Erika.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon