Chapter 11

1.1K 54 2
                                    

KEVIN'S Pov

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa eskwela para makamusta ko si Ate Yanna. Buong magdamag akong gising dahil sa pag aalala ko sa kanya. Hindi ko alam kung nag oover react lang ako pero talang nag aalala ako.

Kaya naman dumeretso ako sa college building at nag hintay na dumating sya.

Isa isa ng nagdadatingan ang mga estudyante may ilang minuto na lang at mag uumpisa narin ang klase ko pero hindi parin ako umaalis sa tabi ng classroom ng unang klase ni Ate Yanna.

"Oh , Kev what are you doing here ? " natulos naman ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ni Ate Erika sa likuran ko.

Nakalimutan kong pareho pala sila ng course ni Ate Yanna.

Dahan dahan akong lumingon sa kanya at alanganing ngumiti.

"E-eh Ate ano... Ina-Inaantay kasi  kita .. oo " utal utal kong sabi. Nahihiya akong sabihin na si Ate Yanna ang pakay ko dito.

"Why ? What happened ? May sasabihin ka ba ? " nagtataka nitong tanong.

Dali dali akong nag isip ng sasabihin ko sa kanya.

"Sasabihin ko lang sana Ate na .. ano.. na sasabay ako sayo mamaya pag uwi "

"Ah yun lang ba ? Okey. Just wait me nalang sa car park later "

Tumango tango naman ako at pasimpleng tinignan kung dumating na si Ate Yanna.

" Oh , pumasok ka na .  Malelate kana sa class mo "

Napatingin naman ako kay Ate ng magsalita sya.

"Ah - hehe Ate sige alis na'ko " akma na akong lalakad ng magsalita si Ate . Nakatingin sya sa cellphone nya.

"Aww , Yanna is still sick. Hindi daw sya makakapasok " Agad akong napalingon kay Ate.

"M-may sakit parin si Ate Yanna ? " nag aalalang tanong ko kay Ate Erika.

Gulat naman syang tumingin saakin.

"Yeah , she's still sick. "

"A-ano raw ang sakit nya Ate ? " nagpapanic kong tanong. Tinignan naman ako ni Ate Erika na parang nagtataka sa inaasta ko.

Sobra akong nag aalala kaya hindi ko na napansin ang ikinikilos ko. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin kay Ate.

"She didn't mentioned e . Sabi nya lang masama parin ang pakiramdam nya "

Bumuntong hininga ako at saka nagpaalam na aalis na. Hindi ko na hinintay na magsalita sya. Kinakabahan ako dahik bakas sa mukha nya ang pagtatanong kung bakit ganon ang inaasta ko.

Hanggang sa makarating ako sa classroom ay si Ate Yanna parin ang iniisip ko. Hindi na ko nakapag concentrate sa klase buong araw. Gusto ko syang tawagan para kamustahin kaya lang hindi ko nga pala alam ang number nya. Gusto ko rin syang puntahan sa bahay nila kaya lang siguradong malalaman ni Ate Erika kung gagawin ko yun. Siguradong sasabihin ni Ate Yanna yun o kaya ng driver.

Hayyss ! Gustong gusto ko syang  makita !

Hanggang sa makauwi ng bahay ay lutang pa din ako. Nadala ko yun hanggang sa pagkain . Pasalamat nalang ako at hindi ako napapansin ni Ate Erika nung magkasabay kami sa hapunan.

Kahit sa pagtulog ay ganon parin. Kaya naman bitin na bitin ako sa tulog paggising ko ng umaga.

Agad agad akong bumangon at nag asikaso sa pagpasok.

Hinihiling ko na sana ay pumasok na si Ate Yanna.

Nagmamadali akong umalis ng bahay at hindi na nag abala pang mag almusal. Naabutan ko pa si Ate Erika sa sala na naghahanda narin sa pagpasok.

"Hey Kev Goodmorning ! " narinig kong bati ni Ate pero hindi na ako huminto para batiin sya.

"Goodmorning Ate , mauna ako ah " nagmamadaling sabi ko atsaka dumeretso sa kotse kung saan nandoon na ang driver na abala sa pagpupunas ng kotse.

"Manong tara na po ! " nagmamadaling sabi ko.

Tumalima naman agad ang driver at pinaandar ang kotse paalis.

Maaga pa ng makarating ako sa school kokonte pa lang  ang mga students. Nag abang ako sa may gate para madali kong makikita ang mga darating na studyante.

Ilang minuto lang ang inantay ko ng matanawan kong naglalakad na papasok si Ate Yanna.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa makalapit sya sa pwesto ko.

Pero nangunot ang noo ko ng mapansing abala ito sa kinakain na nakasupot at parang sarap na sarap.

Natigilan sya ng makita ako ngunit imbis na naiinis na mukha ang makita ko sa kanya gaya ng laging nangyayari sa tuwing nakikita nya ako ay parang nagliwanag pa ang mukha nya ng makita ako.

ang assuming ko yata tss !

Naguguluhan man ay nagmamadali ko syang nilapitan at tinanong kung may sakit pa sya.

Ngunit muli akong nagulat ng ngitian nya ako. First time nyang ginawa yun. Maliban nalang nung nagkainuman kami nung birthday ni Ate Erika sa bahay bago mangyari yung ---- basta yun na yun.

Nakangiti parin sya habang sumasagot sa mga tanong ko. Pero nung tinanong ko kung totoong nagsuka sya at bahagya syang natigilan at sinabing nakakain lang daw sya ng panis

At mas lalo pa akong nagulat at hindi inaasahan ang sunod nyang sinabi.

Gusto nyang kurutin ang pisngi ko. Dahil naku-cutan sya saakin. Pakiramdam ko ay uminit ang mukha ko at bahagyang nahiya. anlakas maka bakla !

Magsasalita pa lang sana ako ng bigla nyang pinisil ng pagkadiin diin ang pisngi ko. Gigil na gigil sya at pakiramdam ko ay nabanat ang pisngi ko sa ginawa nya. Hindi pa man ako nakakabawi sa ginawa nya sa pisngi ko ay agad nya akong tinalikuran at nagtuloy sa paghigop sa supot na hawak at sa pagkain ng Lumpia ? Hindi ko gaanong nakita ang hawak nya dahil nakafocus ako sa mukha nya .

Naglakad lang ito na parang walang nangyari at hindi na ako nilingon.

Kunot ang noo akong tumingin sa kanya at napa igik ng maramdaman ang sakit ng pisngi ko.

"Ang sakit " sabi ko habang hinihimas ang pisngi.

***

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon