Chapter 28

1K 29 6
                                    

YANNA'S POV

HINDI kami nag iimikan ni Kevin ng makauwi kami sa bahay. Naiinis ako na hindi ko maintindihan dahil sa sinabi nya kanina sa bahay nila Ate Melba. Mabuti nalang talaga ay nagdatingan pa ang ibang mga kamag anak ng mga ito kaya naman nawala sa kanila ang atensyon ng mga ito lalo na ni Jane na gustong gusto na yatang magtanong tungkol sa sinabi ni Kevin. Kaya lang tinawag ito ni Ate Melba para tumulong sa pag aasikaso sa mga bisita ganon din si Jerard. Kaya naman kinuha na namin ang pagkakataon para makauwi.

"Yanna galit ka ba?" narinig kong tanong ni Kevin habang umiinom ako ng tubig. Pakiramdam ko ay nastress ako.

Hindi naman ako umimik at tahimik na naglakad papunta sa kutson namin na nakasandal sa dingding at inilatag yun.

Inagaw naman kaagad saakin ni Kevin ang bedsheet ng akma ko ng aayusin sa kutson.

"Ako na." ibinigay ko nalang sa kanya at hindi na ako nakipag argumento pa.

Pagkatapos nyang maiayos ang higaan namin ay agad akong naupo. Tumabi naman saakin si Kevin at nakayukong nagsalita.

"Galit ka ba?" mahinang tanong nito. Nilingon ko naman ito at inis na tinignan.

"Ano ba sa tingin mo?" sagot ko sa kanya.

"Wala namang masama sa sinabi ko ah. Totoo namang magkakaanak na ako." pagdadahilan pa nito.

"Hindi mo ba naisip yung iisipin nila tungkol sayo? Na ambata ambata mo pa para maging tatay?" Nag angat ito ng tingin at magkasalubong ang kilay.

"Ano naman kung yun ang isipin nila? Wala akong pakealam. Kung iniisip mong pag uusapan ka rin nila. Wag kang mag aalala. Hindi ko naman binanggit ang pangalan mo." bakas din sa mukha nito ang pagkainis

Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Wala din akong pake kung pag usapan nila ako. Hindi ko naman maitatago habang buhay na buntis ako. At wala din naman akong balak na itago. Ikaw lang naman ang iniisip ko. Ayokong pag-usapan ka nila o pagchismisan." pag papaunawa ko sa kanya.

Totoo ang sinabi ko. Bata pa si Kevin. Nabuntis nya ako oo. Nangyari yun sa hindi inaasahang oras. Pero bata parin si Kevin. Matured na sya mag isip at responsable pero alam kong sensitive parin sya sa mga issueng ganito. Alam kong malaki na ang problema nito sa pamilya nya , sa pag aaral at sa sitwasyon namin. Ayokong dumagdag pa ang mga negatibong bagay at mga salita na ibabato sa kanya ng mga tao.

Alam ko ring hindi namin pwedeng itago sa iba ang sitwasyon namin. Lalabas at lalabas din ang totoo na hindi kami magpinsan. Na nabuntis ako ng mas bata saakin. Pero kahit ganoon ay gusto ko paring maging pribado ang magiging buhay namin. Iwas chismis at mga negatibong komento galing sa iba. Kung magtatanong sila sasabihin namin ang totoo. Pero hanggat maaari ay kami kami lang sana ang nakakaalam.

"Ayoko lang na kantyawan ka ng mga classmates mo sa school. O di kaya naman makarinig ka ng mga hindi magagandang salita. Ayokong husgahan ka nila.. o tayo." malumanay na sabi ko sa kanya.

Nagbaba naman ito ng tingin.

"Sorry na." mahinang sabi nito.

"Bakit mo ba kasi sinabi yun kanina? ang tanong lang naman ni Jane eh kung  may girlfriend ka? " naalala ko naman ang Jane ba yun. Naiinis talaga ako sa kanya na hindi ko maintindihan.

"Si Jerard kasi e." parang mas humina pa ang boses nito pero tama lang para marinig ko.

"Ano si Jerard? " nagtataka kong tanong.

"Tingin sya ng tingin sayo tapos panay ang ngiti. Parang gusto ka pa ni Ate Melba para sa kanya. Kaya naisip ko nalang sabihin na magkaka-anak na tayo para tigilan ka na nya." natawa naman ako ng mapansin ko ang pamumula ng mga tenga nito at leeg. Halata ring nahihiya ito.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon