Chapter 32

900 31 1
                                    

YANNA'S Pov

ALA-SAIS pa lang ng umaga ay naririnig ko na ang kalampagan ng mga kaldero at kutsara sa kusina. Dahil nga hindi kalakihan ang apartment namin ay dinig na dinig agad pag may nangingialam sa kusina.

Nagkukusot pa ako ng mata kong tumingin sa tabi ko ng makita kong bakante na ang higaan. Pupungas pungas akong bumangon at tumayo. Sinilip ko ang kusina at doon ko naabutan si Kevin na abala sa paghihiwa ng sibuyas.

"Ang aga mo namang nagising?" agad na tanong ko. Nakasapo pa ako sa tiyan ko at nakahawak sa balakang ko. May kalakihan narin kasi ang tiyan ko. Feeling ko nga mas malaki pa to sa normal na laki ng tiyan ng 5months na buntis e. Anlakas ko kasing kumain at talagang nananaba ako.

Agad naman itong lumingon halos matawa pa ako sa mangiyak-ngiyak nitong mukha.

"Oh napapano ka? " nagtatakang tanong ko.

Napasinghot pa ito at pinahid ang luha sa mata sa ilalim ng suot nitong salamin bago sumagot.

"Nakakaiyak pala talaga itong sibuyas" naiiyak na sabi nito.

"Haha ano ba kasing ginagawa mo? Diba wala kang klase ngayon?" sabi ko bago naglakad papunta sa may lababo para mag  toothbrush at maghilamos.

"Hmm.. hindi kasi ako makatulog sa sobrang excitement e " bakas sa boses nito ang saya.

"Mukha nga , kagabi ka pa hindi mapakali e" natatawang sabi ko bago naupo sa bangko na nasa harap ng lamesa.

Ngayon ang schedule ko ng ultrasound at malalaman narin ngayon ang gender ni baby. Limang buwan narin ang tiyan ko kaya pwede na naming malaman. Kaya naman tuwang tuwa itong si Kevin at sobrang excited simula pa kagabi.

Simula din ng pag uusap namin sa may park nung pagkatapos namin mag simba ay parang mas lalo kaming naging close ni Kevin. Hindi tulad noon na parang naiilang at nagkakahiyaan pa kami. Alam kong ang weird pakinggan kasi nga totally strangers naman talaga kami bago may mangyari kaya di namin maiwasang maging ganoon noon. Pero simula noong umamin si Kevin saakin na gusto nya ako at pakakasalan nya ako pagkagradutae nito ay parang may nagbukas na bagong pinto saaming dalawa.  Masasabi kong may nagbago sa aming dalawa. At masaya ako sa pagbabagong yun.

"Maaga pa ah , bakit bumangon ka na?" tanong ko .

"Gagawan nga kasi kita ng almusal " nahihiyang sabi nito. Sa wakas ay natapos narin ang pagkikipag iyakan nito sa sibuyas.

"Ako na ang gagawa nyan , dapat natulog ka pa. Mamaya pa namang 10am ang schedule ko sa Ob e" wala din kasi itong klase ngayon. May program lang daw ang year level nila at ayos lang naman daw hindi muna pumasok. Nagkataon ding ngayon ang schedule ko sa Ob pero may pasok naman ito mamaya sa fastfood.

"Ako na , ngayon ko lang 'to gagawin e" nakangiting sabi nito.

Hinayaan ko nalang itong manggulo sa kusina pinanuod ko nalang itong magluto.

Nagsangang pa ito ng kanin na natira namin kagabi at nagprito ng itlog at nag gisa ng cornbeef . Lahat yun ay tawa ako ng tawa habang nanunuod dito. Paano ba naman kasi parang gulat na gulat ito ng ilalagay na nito ang bawang at sibuyas sa kumukulong mantika. Pero maayos naman nitong natapos ang pagluluto.

Ako na ang naghanda ng lamesa habang nagsasandok ito.Akma na sana akong magtitimpla ng gatas ng agawin saakin nito ang baso.

"Ako na nyan maupo ka na" sabi nito kaya hinayaan ko nalang.

Nagtimpla narin ito ng paborito nitong Milo. Oo hindi nagkakape sa umaga si Kevin. Yung paborito nitong chocolate drink na yun ang paborito nitong iniinom.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon