Chapter 3

1.5K 48 3
                                    

YANNA'S Pov

DUMATING ang araw ng lunes kaya heto ako at gahol na gahol na naman sa oras ng pagpasok. Paano ba naman kasi simula noong umuwi ako nung sabado ng umaga sa aking apartment at magkulong maghapon ay hindi narin ako nakatulog ng maayos. Kaya heto at puyat na puyat ako. Kung kelan naman may pasok na kinaumagahan tsaka naman ako nakatulog ng mahaba kaya ayun late na naman ako.

Pagkarating ko sa school ay nakasalubong ko agad si Erika galing  sa High School Building.

"Omg Yanna ! Where have you been ? I tried calling you noong saturday pero hindi ka naman sumasagot. Sabi nung maid namin maaga ka daw umalis sa bahay " parang nagtatampong sabi ni Erika.

Bigla na naman akong kinahaban at pakiramdam ko ay nag iinit ang aking pisngi dahil naalala ko naman ang kagagahan ko sa bahay nila.

Nagtanggal muna ako ng bara sa lalamunan bago nagsalita.

"A-ah ano k-kasi " wala akong maisip na palusot . Utak gumana ka naman !

Tumingin naman saakin si Erika at talagang hinihintay ang sasabihin ko.

"K-kasi a-ano... nag t-teks saakin yung rider sa shopee , oo yun nga n-nagteks nga na on the way na daw yung o-order ko k-kaya nagmadali na akong umuwi .Nakakahiya n-naman sa magdedeliver k-kung icacancel ko diba? " Halos mabulunan na ako sa sarili kong laway kakalunok dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko.

"Hmm ganon ba? Oo nga naman kawawa naman sila kuya rider kapag kinancel mo yung order mo , I heard my kota pa naman silang deliveries everyday. " sang ayon naman niya saakin. Paniwalang paniwala sa palusot ko. Nakahinga naman ako ng maluwag at nawala na ang aking kaba.

"Oo nga e hehe , ano nga palang ginagawa mo dito sa HS Building? may crush ka bang highschool student? " nagtatakang tanong ko sa kanya.

Pareho na kasi kaming College student. First year sa kursong Business Ad at hindi dito ang Building namin dahil doon pa sa kabila pero nakita ko siyang nanggaling dito sa HS Building.

"Oh that ,  sinamahan ko lang yung cousin ko sa room niya . "

"Huh? sinong pinsan mo? transferie ba? "

"Yeah , remember Kevin ? yung cousin ko na inintroduced ko sayo last time? "
Para akong natulos sa aking kinatatayuan . Anak ng ! Kapag minamalas ka nga naman talaga !

"Y-yung pinsan m-mo? Dito na m-mag aaral? "

"Yes  " Sabi pa niya. Ibig sabihin ay may posibilidad na magkita pa kami ulit ng batang yun? NO WAY !!

Parang gusto ko nalang kumaripas ng takbo at magkulong na naman sa apartment ko. Pero kelangan think positive ako malaki naman ang campus namin para magkrus pa ulit ang mga landas namin. Tama !

Medyo nawala ang kaba ko dahil sa naisip ko kaya naman inaya ko na si Erika na pumunta na sa building namin.

MUKANG sumasang ayon ang kapalaran sa akin dahil hindi nga talaga kami nagkita ni Kevin. Kahit anino nito ay hindi ko nakikita. Yessss !

Dumaan pa ang isang buong linggo na payapa ang buhay ko.Umiiwas narin ako sa mga gala at inuman ng mga kaibigan ko dahil parang natrauma na ako sa huling pagkakalasing ko . Pero mukhang pinatikim lang ako ng kaginhawaan ng langit dahil nang sumapit ang araw ng Lunes.

"Hey Yanna ! "

Masiglang tawag saakin ni Erika. Papasok pa lang ako ng gate ng school ng makasalubong ko siya. Akma ko na siyang babatiin pabalik nang makita ko kung sino ang nakasunod sa likod nya.

Gusto ko na namang magtatakbo at magtago dahil hanggang ngayon hiyang hiya parin ako sa mga pinag gagawa ko. Ano nalang ang sasabihin ng mga kaibigan ko pag nalaman nila? na tirador ako ng batang highschool student? at worst si Erika ! siguradong magwawala yun dahil pati nakababatang pinsan niya ay pinatos ko !

Pilit ang ngiti ko na binati din si Erika kahit na parang gustong gusto ko nang tumakas .

'Kiss me Kevin ' parang umaalingaw-ngaw pa sa pandinig ko yung mga kagagahang pinagsasabi ko sa kanya noong nalasing ako ng magtama ang mga mata namin. Agad naman akong nag iwas ng tingin at kinausap si Erika.

"Ekang ! " Hindi ko pinahalatang nanginginig ang boses ko " A-ano tara na p-pasok na tayo" aya ko sa kanya.

"Sige , but wait " timingin naman ito sa pinsan na nakatayo lang sa likod ni nito ."Kev later ha, just wait nalang kay Manong driver . Hindi kita masasabayan umuwi e "

Nagtatanong naman ang mga mata ni Kevin na nakatingin kay Erika. shit ang cute nya ta---- Tang*na ko talaga !!

Tumango lang naman si Kevin at pasimpleng tumingin sa akin. Nagkunwari naman akong walang pakealam.

Tumikhim muna ako bago inaya si Erika na pumasok na.

"Ekang tara na ! "

"Okey , Kevin ha. Hintayin mo nalang si Manong later ha" paalam niya kay Kevin bago masama ang tingin na bumaling sa akin " And You ! Kanina mo pa ko tinatawag sa so nakakadiri kong nickname ha ! I hate you ! " inirapan pa niya ako.

Tatawa tawa naman akong inakbayan ito at naglakad na. Ramdam ko naman ang tingin ni Kevin sa aking likod  pero di ko na pinansin pa.

"Haha joke lang ! " pang uuto ko sa kanya " Libre nalang kita ? Pinadalhan na ako ni Tita e" Sabi ko sa kanya.

Pinadalhan na kasi ako ng allowance ng aking Tita na nasa abroad.

"Duh ! Itabi mo nalang yang pera mo, Ako na ang bahala sama ka na lang saamin mamaya "

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya " Saan naman? "

"Sa newly open bar near our village " ngiting ngiti sabi ni Erika.

"H-huh? e hindi ako p-pwede e " agad na tanggi ko.

Pinaningkitan naman niya ako ng mga mata "Are you hiding something? Every time na inaaya kita palagi kang tumatangi . Lagi mo sinasabi na busy ka. May problema ka ba?" Huminto pa ito sa paglalakad at namaywang sa harap ko. "Dati kapag inaaya kita G ka agad . Pero ngayon puro ka excuses. Nagsimula lang yan last week. After the party in our house. What happened ba? "

Napalunok naman ako atsaka binalot na naman ng kaba.

Sinasadya ko kasing wag na muna sumama sa kanila na mag inuman o gumala man lang dahil natatakot ako. Baka maulit naman yung kagagahan ko.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita " A-ah busy lang k-kasi talaga ako"

"Busy ka the whole week? Bakit? We're blockmates but I'm not that busy naman unlike you , araw araw kang busy " Nagtatampong sabi pa ni Erika "I miss hanging out with you na e " nag pout pa nga ! Kinokonsensya talaga ako.

Nakonsensya naman ako kaya sumusukong pumayag nalang ako " Tssk Oo sasama na " Hindi nalang siguro ako iinom ng marami. Tama !

Tuwang-tuwa naman siyang yumakap sa akin. "Yiehhh !! Walwalan na ! "

***

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon