Chapter 43

922 36 11
                                    

YANNA'S POV

"WAHHH you're so cute baby"

"Ate dahan-dahan naman baka mapisa si baby Kean e"

"Ssshhh Kevin shut up ka nga lang dyan."

"Ateeee ! "

Napailing nalang ako habang isa-isa kong tinitignan ang mga dala-dalang pasalubong "daw" ng mga magugulo kong barkada at syempre ni Erika para kay baby Kean. Ngayon din kasi ang first month ni baby Kean. Napakabilis lang ng panahon parang kelan lang e sobrang kabado pa ko habang hinihintay ang resulta ng pregnancy test ko tapos ngayon kasama na namin ni Kevin si baby.

Hindi naman matigil sa pagbabangayan ang magpinsan. Paano ba naman kasi kanina pa pinanggigilan ni Erika si baby at kanina parin walang tigil sa pagsaway si Kevin dito.

Nakakatuwa lang dahil parang ayaw pa noong una na ipahawak sa iba ni Kevin si baby. Kaya naman halos lahat ng galaw ng may buhat kay baby ay nakatingin at nakaalalay ito. Natatakot daw kasi itong baka masaktan o mabalian si baby. OA man sa iba pero para saakin ay hindi. Dahil alam ko namang takot lang si Kevin na masaktan si baby syempre ganoon din ako.

"Napakadami namang diaper at baby wet wipes nito?" gulat na sabi ko pagbukas ko ng dalawang malaking box. Ang isang box ay puno ng small at medium size na baby diaper at isa namang box ay puno ng iba't ibang brand ng baby wet wipes.

"Galing yan kay Alex at Clark" narinig kong sabi ni Lara.

Sakto namang dumating sila Alex at Clark galing sa labas para bumili ng meryenda na sila na rin ang nagpresinta. Ayaw daw nilang magpadeliver nalang dahil nag dadalawang isip pa sila sa kung anong meryenda ang bibilhin kaya silang dalawa na mismo ang lalabas para bumili.

"Lex andami namang diaper nito?" tanong ko pagkalapit nito sa pwesto ko. Inilapag muna nito sa lamesa ang dala-dalang boxes ng pizza bago kamot ulong lumapit saakin.

"Nakita kasi namin sa facebook yung ads ng isang online shop tapos sale sila sa mga diaper at baby wipes .Sobrang mura pa kaya naisip namin agad yung inaanak namin na mag cecelebrate na ng first month niya kaya naman naghati kami ni Clark , saakin yung mga diapers at sa kanya naman yung mga baby wipes. Don't worry sa official store naman namin yan inorder. Tama ba yung mga sizes?" nakangiting tanong nito.

"Eh yung brand ng baby wipes tama ba Yanna? sabi sa reviews mabango daw yan e powder scent daw at paraben- free , Alcohol-free at Chlorine-free. Hindi ko alam yung mga free na yun pero inorder ko na rin , 5 star ratings naman yan sa shop hehe"  sabi naman ni Clark ng makalapit sa pwesto namin.

Nakangiti naman akong ngumiti sa kanila.

"Salamat sa inyo , sobrang salamat" sobra akong natouch sa kanila kaya naman hindi ko na napigilan na mapayakap sa kanilang dalawa dahil sa tuwa. Sobrang laking tulong at kabawasan na ng mga ito sa gastos namin. Dahil nga nanganak ako ay nabawasan ang ipon namin ni Kevin. Kaya naman medyo gipit kami ngayon.

"Ehem ehem guys , may batang nagseselos dito" narinig naming sabi ni Erika kaya naman agad akong humiwalay sa pagkakayakap kay Clark at Alex.

Tumingin ako sa gawi ni Erika at Kevin. Kitang kita ko ang pagkakunot ng noo ni Kevin habang nakatingin saamin. Pero imbes na matakot dahil baka magalit ito ay natawa pa ako. Sobrang cute at inosente kasi ng mukha nito kahit nakasimangot.

"Ayieeeh selos ang bata , oh sya buhatin mo na itong kapatid mo este anak mo pala hehe" pang- aasar na naman ni Erika.

Palagi talaga nitong niloloko at inaasar si Kevin na hindi daw ito mukhang daddy ni baby Kean mas mukha daw itong Kuya ni baby.

"Ate Erika ! " inis na sabi nito bago dahan-dahang kinuha si baby Kean kay Erika.

"Oh  baby dyan ka na muna kay Kuya ha , hehe ay kay daddy mo pala " tawang-tawa pa ang gaga.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon