Chapter 36

862 28 5
                                    

YANNA'S POV

MAG GAGABI NA at abala ako sa pag hahanda sa lulutuin kong ulam na adobong manok. Namalengke pa ako kanina para bumili ng mga sangkap para maipagluto ko ng paborito nitong ulam si Kevin.

Ilang araw simula nung pumunta ako sa pinapasukan nitong fastfood resto. Hindi ko na sinabi dito na nagpunta ako dun dahil pakiramdam ko ay babalik lang ang pagkainis ko kapag binanggit ko pa ang tungkol sa nakita kong pakikipag ngitian nito doon sa isa pang babaeng service crew.

Kaya naman kinalimutan ko nalang yun at bumalik na sa normal ang pagtrato ko kay Kevin. Inakala pa nga nito na sa mood swings ko ang dahilan kaya cold at mataray ako nung gabing umuwi ito. Pero ang totoo ay sobra lang talaga ang inis na nararamdaman ko.

Kaya naman ngayon ay babawi ako sa pritong itlog na ipinaulam ko dito. Masyado na ngang late ang pagbawi ko dahil ilang araw narin ang nakalipas.

Nagsimula na akong magluto. Sinugarado kong masarap ang lulutuin ko para naman makabawi talaga ako dito. Ginawa ko pang special dahil bumili rin ako ng Graham de leche in a tub sa isang online seller na nakita ko sa facebook kanina. Malapit lang naman dito yung location nya kaya pinadeliver ko nalang. Natakam din kasi agad ako pagkakita ko pa lang sa picture kanina.

Tapos na akong magluto kaya naman hinuhugasan ko na lang ang mga pinaglutuan ko.

Pasado ala-siete na ng matapos ako sa mga gawain ko kaya naman naupo muna ako sa kutson habang nakasandal sa dingding at nanunuod ng Tv. Nalibang na ako sa panunuod kaya naman hindi ko namalayan ang oras . 8:30 na ng tignan ko ulit sa oras siguradong maya-maya lang ay nandito na si Kevin. Kaya naman tumayo na ako at inayos na lamesa para kakain nalang kami pag uwi nito.

Pero nakatapos na lang akong maghanda at muling nanuod ng tv wala parin si Kevin. Alas nuebe na pero wala pa din ito. Akma na akong manunuod ulit ng makatanggap ako ng text message galing dito.

from: Kevin

Yanna , sorry baka malate ako ng uwi. Niyaya kasi ako ng mga katrabaho ko birthday nya pero uuwi din agad ako. Sandali lang ako dun mga 11pm uuwi na ako. Ingat ka dyan. Ilock mo ang pinto kakatok na lang ako. :)

Napasimangot ako sa nabasa ko at wala sa sariling napatingin sa mga inihanda kong pagkain sa lamesa.

Dahil mamaya pa naman makakauwi si Kevin ay naupo na ako sa upuan para mauna ng kumain. Hindi ako pwedeng malipasan ng gutom dahil buntis ako.  Nireplyan ko muna si Kevin bago ako nagsimulang kumain.

To: Kevin

Sige ingat ka pag uwi.

sent

Nagsimula na akong kumain pero hindi na nagreply si Kevin.

"Siguro nalilibang na sya dun" sabi ko habang inililigpit na ang pinagkainan ko.  Tinakpan ko nalang sa lamesa ang tirang ulam at hinugasan na ang mga kinainan ko.

Pagkatapos ay naglinis narin ako ng katawan at nagbihis ng pantulog.

10pm na kaya naman hindi na ako nanuod ng tv. Nahiga na agad ako pagkatapos kong mailock ang pinto.

Habang nakahiga ay chineck ko ang cellphone ko kung nagteks na ba si Kevin pero wala parin.

Nagfacebook muna ako habang nagpapaantok. Pero habang nag i-scroll ako sa facebook ko ay may nakita akong mga pictures na nakatag kay Kevin. Dahil friends kami sa facebook nakikita ko ang mga pictures na tinatag dito.

Nagsalubong ang kilay ko sa mga pictures. Nasa isang bahay sila at nag iinuman , may nag b-videoke pa. Pero ang mas nakakuha nh atensyon ko ay ang group photo nila. Nasa walo yata sila sa litrato  limang lalaki kasama si Kevin at tatlong babae. Pero yung isang babae ay nakatabi kay Kevin. Dikit na dikit ang dalawa habang parehong nakangiti sa camera. Pero mas malaki ang ngiti ng babae habang nakahawak pa ang isang kamay sa hita ni Kevin.

Parang biglang nag init ang ulo ko sa nakita ko. Tinignan ko pa ang ibang pictures. May mga picture na parang nagselfie lang yung isang lalaki pero nahagip sa background nya si Kevin at yung babae na nagtatawanan. Meron pa ngang nakahawak pa ang babae sa braso ni Kevin habang tumatawa. 

Mas lalo pang nagsalubong ang kilay ko ng makilala ko ang babae. Ito yung babae sa pinagtatrabahuhan ni Kevin. Yung kasamahan nitong service crew.

Inis kong pinatay ang cellphone ko at nakasimangot humalukipkip.

"Mukhang close na close ang dalawang yun ah" inis na sabi ko sa sarili.

Sinubukan kong tawagan ang cellphone ni Kevin pero hindi nito sinasagot ang tawag ko. Pero sa ikatlong beses kong pagtawag ko dito ay sinagot narin nito ang tawag.

"Hel---" naputol ang pagsasalita ko dahil sa boses ng nagsalita.

"Hello ? sorry pero wala si Kev e . Nag cr lang sya sandali." mahinhin at malambing ang boses  ng babae.

Parang nalunok ko ang dila ko at hindi na ako nakapagsalita. Maingay ang background ng babae at may mga kalalakihang nagtatawanan. Siguradong nandon si Kevin.

Biglang bumilis ang tibok na puso ko. Nanlamig ang mga kamay at paa ko. Kinakabahan ako at kumakabog ng mabilis ang dibdib ko. Ayokong mag isip ng negatibo pero hindi ko maiwasan. Bakit babae yung sumagot? Ano ba ni Kevin ang babaeng yun? Mali ba ako ng iniisip?

Parang bumalik ako sa pag iisip ng muling  magsalita ang babae.

"Hello? Hello?" anito pero wala sa sarili kong pinatay ang tawag.

Huminga ako ng malalim dahil sobrang kaba na nararamdaman ko. Sino ba ang babaeng yun?

Kevin?

***

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon