Chapter 9

1.2K 43 2
                                    

KEVIN'S POV

NAPAGDISISYUNAN kong mag enroll nalang din sa skwelahang pinapasukan ni Ate Erika at ni Yanna. Hindi ko alam pero parang gusto ko syang palaging makikita.

Kaya naman kahit labag sa loob ni Mommy at ng asawa nito na magtransfer ako ay ipinilit ko parin.
Lalo siguro tuloy nagalit saakin ang step father ko.

Hindi kami magkasundo nito dahil narin hindi nya ako tanggap bilang isang anak. Kung hindi lang dahil sa Mommy ko ay baka hindi na nya ako pinag aaral. Ipinangako ko nalang kay Mommy na aayusin ko ang pag aaral ko at hindi ako gagawa ng anumang mas ikakagalit saakin ng asawa nito.

Maswerte nalang ako at napakiusapan ito ni Mommy na magtransfer sya. Pabor narin siguro dito dahil mawawala nako sa bahay namin sa Davao dahil dito nako sa bahay nila Ate Erika titira. Kapatid ni Mommy ang ina nya.

At dahil narin sa koneksyon ng step father ko na nagamit na rin ni Mommy ay napabilis ang proseso ng transfer papers ko kahit weekend.

At ngayon ay papasok na ko sa skwela kasama ko si Ate Erika dahil ihahatid daw nya muna ako sa High school Building.

Fourth year high school na ako.  Buti nalang din at tinanggap pa ko kahit graduating na.

Pagkarating ko sa classroom ay agad na nag umpisa ang klase pero parang lumilipad ang isip ko. Iniisip ko si Ate Yanna. Hindi ko alam kung bakit pero hindi talaga sya mawala sa isip ko.

Alam kong ang cringe pakinggan pero bigdeal saakin yung nangyari saamin. Nakakahiya man sa iba dahil ako yung lalaki pero parang mas affected ako nangyari saamin. Hindi dahil sa first time ko yun kundi dahil pakiramdam ko may ibang koneksyon saaming dalawa simula ng mangyari yun.

Hanggang sa matapos ang klase ay sy parin ang nasa isip ko.

Dumaan pa ang isang buong linggo at hindi parin nawawala si Yanna sa isip ko. Lagi ko syang hinahanap sa school pero lagi ko syang hindi natetyempuhan.

Nandito ako ngayon sa Mall para bumili ng mga kakailanganin ko sa projects namin. Naglalakad ako sa ng biglang may babaeng parang natataranta dahil umiiyak ang karga nitong baby.

Wala man lang nag abalang lapitan o tulungan man lang ang babae kaya kahit nahihiya ay naglakas loob akong lumapit dito.

"A-ah Miss may problema po ba ? " nag aalangang tanong ko.
Natataranta parin ito at patuloy naman sa pag iyak yung baby.

"Sshh baby tahan na " parang maiiyak narin yung babae habang pinapatahan yung bata "Nagugutom na kasi sya e , wala na syang gatas . Kanina pa kami nag aantay dito sa walang kwenta nyang Ama ! Pinaasa lang kaming makikipagkita para bigyan kami ng sustento . Pero wala naman ! " nag umpisa ng umiyak yung babae.

Sa tingin ko ay matanda lang sya saakin ng ilang taon. At mukha ding wala pang isang taong gulang yung batang karga nya.

"G-ganun po ba? Pano po yan nagugutom na yung baby nyo? " Naaawa ako sa bata kasi parang gutom na gutom na dahil hindi na talaga mapatahan.

"Uuwi nalang siguro kami , maghahanap nalang ako ng paraan para makabili ng gatas ni JR " akma syang tatayo ng pinigilan ko ito.

"Sandali po ate " sabi ko.  Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at kumuha ng 500 pesos tsaka ko iniabot sa babae. "Ito Ate oh , pasensya kana yan lang kasi ang pera ko e , ipambili mo nalang ng gatas ng baby mo "

Agad namang tumanggi ang babae dahil nahihiya daw sya. Pero pinilit ko parin na kunin nya.

"Sige na Ate para kay baby naman e , Kunyari nalang po ninong nya ko, maagang pamasko ko yan sa kanya" nakangiting sabi ko. Alam kong iniisip nya na binibigyan ko sya ng limos pero hindi yun ang intensyon ko. Gusto ko lang talagang makatulong sa bata. Kawawa naman.

Nag aalinlangan man ay tinanggap narin nya ang pera.

" Salamat ha , Ako nga pala si Elisa ito naman ang baby ko si JR " pagpapakilala nya.

"Wala po yun , Ako po pala si Kevin "

"Maraming salamat talaga ha , Napakabait mo. Huwag ka sanang tutulad sa tatay ni JR na walang kwenta na pinabayaan lang kami pagkatapos akong buntisin. Kung sakaling mag kaanak ka , wag na wag mo silang pababayaan ha. Napakahirap para sa babae at lalo na sa bata. Pero matagal pa naman yun bata ka pa naman . Mag aral ka munang mabuti ha "
Nakangiting sabi nya saakin.

"Oo naman po "

"Sige mauna na kami ha , Maraming salamat talaga"

"Ingat po kayo , bye Baby JR " Ngumiti lang naman sya at umalis na.

Nakangiti ko namang silang tinanaw tsaka ako naglakad ulit papunta sa Bookstore.

Pero hindi mawala sa isip ko ang sinabi nya tungkol sa pagkakaroon ng anak.

Alam ko naman sa sarili kong magiging mabuting ama ako kapag dumating ang oras na magkapamilya ako. Sisiguraduhin kong magiging maayos sila.

Pero sabi nga ni Ate matagal pa naman yun. Pero teka? Malabo naman yata yun.

Bigla nalang kasing pumasok sa isip ko si Ate Yanna. Hindi naman siguro maybubunga yung nangyari saamin. Isang beses lang naman yun.

Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan bigla akong kinabahan at napaisip na pwede rin yung mangyari.

Hanggang sa makapasok ako sa Bookstore at makapamili ng mga kailangan ko sa project ay yun parin ang nasa isip ko.

Kaya naman ng makauwi ako ay agad kong kinuha at binuksan ang laptop ko nagpunta sa Google.

Agad kong sinearch kung may posibilidad bang mabuntis ang babae kahit isang beses lang na may mangyari sa kanila ng lalaki.

(Many women become pregnant from having sex just one time without birth control. At least 85% of women, who continue to have sex without birth control, even just once in a while, will be pregnant within one year.")

"Hindi kami gumamit ng proteksyon nun" bulong ko sa sarili ko matapos kong mabasa yun.

"One night stand pose greater chance of women getting pregnant" Agad akong napaisip sa mga nabasa ko.

Ibig sabihin na hindi imposibleng mabuntis si Ate Yanna sa nangyari saamin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang iniisip ang posibilidad na tama ang hinala ko. Dahan dahan kong isinara ang laptop  ko at nahiga sa kama at tumitig sa kisame.

Paano nga kaya kung nagbunga ang  nangyari saamin?

Tanong ko sa sarili ko. Buong magdamag akong gising at magdamag na hindi nawala sa isip ko ang bagay na yun.


***

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon