Chapter 50

1K 44 16
                                    

Yanna's Pov

"HINDI na ba talaga magbabago ang isip mo Yanna?" pansampung beses na yata na tanong saakin ni Tita yan. Sa tuwing tatawag kasi ito saakin ay paulit-ulit nito iyong tinatanong.

"Opo 'ta , dito nalang po muna kami ni baby" nakangiting sagot ko dito habang mahinang tinatapik ang hita ni baby Kean para makatulog.

"Oh sya sige ikaw ang bahala , basta tawagan mo lang ako kung may kaylangan ka o di kaya naman ay maisipan mong sumunod na mag-ina dito saakin ha." anito . Nakangiti naman akong tumango na para bang nakikita ni Tita ang ginagawa ko.

"Opo 'ta , ingat po kayo dyan"

"Kayo din mag-ina , ang apo ko ha." muling bilin nito bago pinatay ang tawag.

Pagkatapos ay humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago tumayo at lumapit sa pinto para ilock iyon.

Mahigit  dalawang buwan narin simula nang umalis kami ni baby Kean at iwan si Kevin.

Hindi kami sumama kay Tita sa abroad gaya sana sa plano namin. Bagkus ay dito nalang kami sa Nueva Ecija nagpunta. Ayaw pa sanang pumayag ni Tita na maiwan kami dito pero naisip ko kasing ayoko munang ilabas ng bansa si baby. Bukod sa wala pa itong isang taong gulang ay hindi parin ito napapabinyagan.

Naala ko kasi yung mga pamahiing ikinwento saakin ni Manang noong minsang dumalaw ito sa apartment namin kasama si Erika. At isa pa meron din sa loob ko na ayokong ilayo si baby Kean kay Kevin.

Kahit alam kong hindi naging maganda ang huli naming pagkikita ay hindi ko paring maikaka-ila na meron parin itong malaking puwang sa puso ko.

Naalala ko pa ang umiiyak nitong  mukha habang pinipilit na humabol sa taxi na sinasakyan ko noong araw na umalis ako.
Labis-labis na pag pipigil ang ginawa ko para lang hindi ko masabi sa driver na ihinto ang sasakyan at babain si Kevin para mayakap ito.

Doble dobleng sakit ang nararamdaman ko ng mga oras na yun. Na sa kabila ng mga nalaman ko , ng mga nakita at narinig ko. Hindi ko parin kayang makita itong nasasaktan at umiiyak ng dahil saakin. Hindi ko parin kayang makita itong nag mamakaawa saakin na wag kong siyang iwan , habang isinisigaw ang pangalan ko at pangalan ng anak namin.

Mabuti nalang din ay nandoon si Erika para daluhan si Kevin kaya naman nagkaroon ako ng lakas para ituloy ang plano kong pag alis dahil alam kong hindi papabayaan ni Erika si Kevin.

Kaya heto kami ngayong dalawa ni baby Kean sa isang maliit na bayan sa Nueva Ecija. Mabuti nalang at may kakilala si Tita dito kaya naman nakakuha agad kami ng maliit na bahay na matitirahan namin ni baby Kean.

Nakakainis man pero umaasa parin akong tatawagan ako ng ina ni Kevin kapag dumating ang araw na nakapagtapos na ito at pwede na kami muling magkasama. Siguro nga ay martyr na ako dahil sa kabila ng lahat ay umaasa parin akong kami parin hanggang dulo. Gaya ng pangako nito saakin noon.

"Sinabi kong asawa kita... Doon din naman tayo papunta diba? Inaadvance ko lang. Pakakasalan kita Yanna , kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral at kapag nakapagtrabaho na ako"

Hindi ko namalayang tumutulo na naman pala ang luha ko. Sa ilang buwan namin dito ay walang gabi na hindi ako umiiyak. Dahil sa pang-hihinayang , sa sakit , sa galit. Pero mas lamang ang panghihinayang. Sayang yung mga araw na pinagsamahan namin. Sayang yung mga pangarap. Sayang yung pamilya na sana binubuo namin ngayon.

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim bago tumabi ng higa kay baby Kean.

"Sorry anak , hindi dapat ganito yung buhay na mamumulatan mo. Sayang kasi hindi mo makikita ang daddy mo habang lumalaki ka. Para pa naman kayo g pinag biyak na bunga noon" natatawa habang naiiyak na bulong ko dito.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon