Chapter 21

985 35 1
                                    

YANNA'S  Pov

MAG-GAGABI na ng magpaalam si Erika na umuwi. Buong araw nya akong sinamahan dito sa apartment ko dahil buong araw din na hindi dumalaw si Kevin na ipinagtaka ko. Simula kasi ng malaman ni Kevin na buntis ako ay hindi na ito pumalya sa pagpunta dito sa apartment mapasabado man o linggo. Kahit pa nga may klase sya ay dadaan parin sya dito sa apartment ko bago o kaya pagkagaling sa school.

Nag aalala tuloy ako sa pagkikita nila ng Mommy nya. Baka nagalit din ang parents nya sa kanya at pinagbawalan na syang magpakita saakin. Nalungkot tuloy ako sa naisip ko.

Napakadami pang ibinilin saakin ni Erika bago sya umalis. Sinabi rin nya na sasabihin nya kay Kevin na tumawag saakin kapag nagkita sila nito sa bahay nila.
Nakangiti naman akong tumango kahit na kumakabog sa kaba ang dibdib ko.

Naglock na ako ng pinto at naglinis ng katawan bago pumunta sa kwarto bitbit ang isang baso ng gatas na tinimpla ko. Naupo agad ako sa kama at kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa may bedside table at tinignan kung may text na ba si Kevin pero nanlumo lang ako ng wala ni isa man lang text galing sa kanya.

Nakailang text narin ako sa kanya kanina pero hindi sya nagrereply. Gusto ko man syang tawagan ay nahihiya ako. Baka sabihin pa nyang clingy ako tulad ng sinabi ni Erika kanina.

Naubos ko na ang gatas ko at lahat pero wala paring tawag o maski text akong natatanggap. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa paghihintay.

Nagising nalang ako kinabukasan dahil para na namang hinahalukay ang tyan ko kaya dali dali akong tumakbo papunta ng cr para sumuka.

Nanghihina akong naghilamos at nag toothbrush pagkatapos ay lumabas na ako ng cr. Sapo ko pa ang  ulo ko ng kunin ko ang cellphone ko at tignan ang oras.  Mag aalas nuebe na ng umaga . Mukhang napasarap ang tulog ko. Chineck ko din kung  may tawag na saakin si Kevin pero wala parin. Pero meron akong text galing kay Erika kaya agad  kong tinignan.

From : Ekang

Hey Yanna , Kevin is not here when i got home e. Sabi ni Manang baka daw kasama parin nila Tita. I'll text you nalang pag nandito na sya ha. Take care xoxo !

Bagsak ang balikat ko pagkatapos kong mabasa ang text saakin ni Erika. Nasaan kaya si Kevin? Baka tama nga ang naiisip ko na pinagbawalan na si Kevin na dumalaw saakin. Baka hindi natanggap ng parents nya ang sitwasyon namin.

Alam kong wala kaming relasyon ni Kevin bukod sa pagiging ama nya sa baby pero parang nalulungkot ako kung sakaling ganon nga ang mangyari.

Kaya at kakayanin ko naman kung hindi na nya kami panagutan. Bubuhayin ko na mag isa ang bata kahit wala sya. Pero meron sa loob ko na sana ay kasama ko sya kahit sa pagpapalaki lang ng bata. Kahit hindi maging kami o ano. Dahil hindi naman talaga kami in the firts place. We're not even friends. Total strangers kami sa isa't isa bago nangyari ang lahat. Kung hindi lang dahil sa party ni Erika ay hindi kami magkakakilala at mangyayari ang ganito. Kahit gustohin ko man na magkaroon ng buong pamilya si baby mahirap magdecide. Paano kung  ang gusto lang talaga ni Kevin ay magprovide para sa baby . Sa baby lang at hindi saakin. Okay lang saakin . Ayos lang yun ang mahalaga may kasama ako sa pagpapalaki ng bata.

Kaya labis labis ang kaba ko dahil baka tama ang iniisip ko. Nalulungkot ako pero wala din naman akong magagawa. Bata pa si Kevin. Oo maliit lang ang agwat ng edad namin pero mas bata parin sya at minor. Ang parents parin nya ang mas masusunod. Pero may tiwala naman ako kay Kevin na hindi nya ako , kami iiwan. Nangako sya saakin saamin ni Baby.

Malungkot akong lumabas ng kwarto at naghanda ng almusal. Nagtimpla ulit ako ng gatas at gumawa ng egg sandwich. Ito lang kasi ang meron ako. Nasanay na nga kasi akong may nagdadala ng food saakin dito sa apartment tuwing umaga.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na muna ako sa sala para manuod ng tv. Nasa kasagsagan na ako ng panunuod ng may kumatok sa pinto. Nakalock parin kasi ang pinto ko simula kagabi dahil hindi pa naman ako lumalabas at wala pa namang ibang nagpupunta dito sa bahay.

Tumayo ako at binuksan ang pinto. Agad na umaliwalas ang mukha ko ng makita ko kung sino ang kumakatok.

"Kevin ! "

Masayang tawag ko sa kanya. Agad ko pa syang nilapitan at niyakap. Hindi ko alam pero parang miss na miss ko sya. Natatawa naman syang gumanti ng yakap saakin.

"Oh dahan dahan ka lang , baka maipit si baby " agad na paalala nya kaya naman  humiwalay din agad ako.

Nakanguso akong tumingin sa kanya.

"Bakit ngayon ka lang ? " kunyaring nagtatampong tanong ko.

Nawala naman ang ngiti nito at naging seryoso ang mukha.

Napayuko pa si Kevin at napakamot ng batok.

"A-ano kasi .. " tila nahihiya pang sabi nya.

Tinignan ko naman sya at nagulat pa ako ng mapansin kong may katabi syang dalawang malalaking maleta bukod pa sa bagpack na nakasukbit sa likod nya.

Taka ko syang tinignan. Nakayuko parin at animo'y nahihiya.

"Anong nangyare Kevin? Naglayas ka ba sa inyo? " para kasing bitbit na nya ang buong closet nya sa laki ng mga maleta.

Umiling naman ito at nag angat ng tingin. Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata nito.

"Pinalayas ako " mahinang sabi nito kaya naman agad na nanlaki ang mga mata ko.

"Ha? Bakit ? " nag aalalang tanong ko. Bakit naman sya papalayasin ? Diba kala Erika sya nakatira?

"P-pinapili ako ni Mommy between you and our baby or them .. " tumingin pa sya sa mga mata ko bago nagsalita ulit.

" A-and I chose you and our baby kaya pinalayas ako ng asawa nya "

Hindi ko alam pero parang may kamay na humaplos sa puso ko sa kaalamang kami ni baby ang pinili nya pero meron ding guilt saakin dahil pinalayas sya ng parents nya. At kaba dahil ano na ang mangyayari saamin. Galit ang tita ko saakin at galit din ang parents ni Kevin sa kanya.

Ito na ba ang mga consequence sa nagawa namin ?

***




Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon