Chapter 34

892 31 4
                                    

YANNA'S Pov

Kinabukasan nung nalaman namin yung gender ni baby ay pareho parin kaming parang lutang ni Kevin. At pinipilit parin ako nitong gamitin namin yung pangalan na naisip nito. Sa totoo lang nagustuhan ko naman yung pangalan.

Kean Benedict

Feeling ko kahit hindi pa lumalabas si baby ay bagay na agad sa kanya yung pangalan nya. Kaso nga lang kasi ansarap tignan ng mukha ni Kevin tuwing nakasimangot ito at parang gusto pang ipaglaban ang pangalan na pinag-isipan daw nito.

Abala ako ngayon sa paglilinis ng bahay. Pumasok na sa school si Kevin kaya naman ako na lang mag isa sa bahay. Habang nagwawalis ako ay narinig kong  may mga humintong sasakyan sa tapat ng bahay namin. At maya maya pa nga ay may sumigaw na galing sa labas.

"Yanna ! " napailing nalang ako ng marinig ko ang malakas na boses ni Erika.

Hindi ito nagpunta kahapon tulad ng sinabi nito na pupunta ito. Tumawag nalang ito at sinabing ngayon na lang pupunta.

Initabi ko muna ang hawak kong walis tambo at naglakad ako palapit sa pinto.

Lumabas ako para buksan ang maliit na gate namin ng matigilan ako sa mga taong nasa labas.

"Hey Yanna ! Open this gate na." natauhan na lang ako ng sumigaw na naman si Erika.

Wala ako sa sariling tumango at agad na binuksan ang gate. Bumungad nga saakin ang mga nakangiting mukha ng mga barkada namin ni Erika.

Napalunok na lang ako pilit na ngumiti sa kanila.

"Hindi mo ba kami papapasukin?" nakangiting tanong ni Lara. Blockmates namin sya at kasama din naman palagi noon sa mga gimikan.

Niluwagan ko naman ang bukas ng gate tsaka sila pinatuloy.

"P-pasok kayo , pasensya na naglilinis kasi ako" nahihiyang sabi ko. Hinawi ko pa ang ilang mga takas ng buhok sa mukha ko at inayos ang suot kong malaking tshirt.

Si Erika ang huling pumasok sa bahay kaya naman agad ko syang hinila bago pa sya makapasok ng tuluyan.

"Erika ano to? Bakit sila nandito?" madiing bulong ko dito.

Wala pa naman akong ibang pinagsasabihan tungkol sa pagbubuntis ko maliban saamin nila Kevin at Erika.

"Sorry , mamaya ko nalang ipapaliwanag ha" anito. Bumuntong hininga muna ako bago tumango.

Tumuloy na kami sa loob at naabutan namin na nakatayo yung mga barkada namin. Lima sila lahat kasama si Erika.

Sila yung madalas naming nakakasama sa walwalan noon. Mga kasama naming nalalasing at tumatambay kung saan saan. Close naman kami pero nahihiya parin ako sa kanila.

"A-ano upo muna kayo , pasensya na tatlo lang yung upuan namin" sabi ko habang inilalapit yung tatlong monoblock chairs sa kanila.

Agad naman akong nilapitan ni Alex at kinuha sa kamay ko ang mga bangko.

"Ako na nyan , okay lang yan sa sahig nalang kami mauupo ni Clark" dalawang babae at dalawa ding lalaki ang kasama ni Erika.

Nahihiya naman akong ngumiti. Naupo nga sa upuan si Lara at Yssa. Samantalang si Erika naman ay ibinaba yung kutson namin at doon naupo.

Yung dalawang lalaki naman ay sa sahig naupo. Napansin ko din na may mga dala sila. At andami non.

"Grabe Yanna , hindi talaga ako makapaniwalang magkakababy ka na " masayang sabi saakin ni Yssa.

"Oo nga , kaya naman pala bigla ka na lang nawala at hindi na pumapasok e. Kapag tinatanong ka namin dito kay Erika hindi naman sumasagot. Busy ka lang daw." sabi naman ni Lara.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon