Chapter 10

1.2K 44 3
                                    

Kevin's POV

Ilang linggo na ang lumipas at hindi parin mawala sa isip ko si Ate Yanna. Hindi mawala sa isip ko na baka nagbunga ang nangyari saamin. Kaya naman kahit alam kong umiiwas sya saakin ay sinasadya ko palaging bumuntot sa kanya. Kung nasan sya ay nandun din ako. Madali lang naman malaman ang kinaroroonan nya dahil kung nasaan si Ate Erika ay nandun din sya.

Hindi ko alam pero tuwing maiisip ko na kung sakaling mangyari man yun ay halo halo ang nararamdaman ko. Takot , kaba , saya , excitement? Ewan. Alam ko namang wala pa akong kakayahan. Wala pa akong trabaho at nag aaral pa rin ako. Umaasa pa ko kay Mommy at sa asawa nya. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi ko tatalikuran si Ate Yanna. Kahit pa nga mas matanda sya ng ilang taon saakin.

Sa totoo lang unang kita ko pa lang sa kanya e nakuha na agad nya ang interes ko. Crush? siguro. Napakaganda kasi nya. Kahit medyo boyish manamit at magsalita ay kitang kita parin ang pagiging babaeng babae nya.

At dahil narin na hindi mawala sa isip ko ang posibilidad na mabuntis sya ay naging paranoid ako.

Nung minsan na malaman kong mag iinuman sila ng mga kaibigan nya ay kinabahan ako. Gusto kong sumama para mapigilan syang uminom. Kaya lang paano? Eh halos mga blockmates nya ang kasama nila. Walang highschool student. Kaya naman pinagdasal kong sana makaisip ako ng paraan para makasama sa kanila. Malakas yata ako sa Taas kasi natupad ang panalangin ko. Hindi agad ako nasundo ni Manong dahil na flat daw ang gulong ng kotse kaya naman nagpaawa ako kay Ate Erika para isama nya ako.

Tuwang tuwa pa ako ng ayain ako ni Ate Erika.

Kaya naman ng akma ng tatagay si Ate Yanna ay agad kong tinabig ang kamay nya kaya lang wrong move yata dahil natapunan yung damit nya at bumakat ang panloob nya. Parang mas lalo akong nainis. At ganun din sya saakin. Tinignan nya ko ng masama.

Nagpaalam na syang uuwi. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil siguradong hindi na sya makakainom ng alak. Makakasama yun sa kanya kung nagkataon.

Sakto namang aalis na sya ng syang pagdating naman ni Manong kaya pinasabay na sya saamin ni Ate Erika. Pabor na din saakin yun para masiguro kong safe syang makakauwi.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kami. Lalo na si Ate Yanna na sa labas ng bintana lang nakatingin. Gusto gusto ko na syang kausapin kaya lang kinakabahan ako.

Nag umpisa nakong magsalita kaya lang ay hindi nya ko pinapatapos. Tulad nung una ay gusto nyang kalimutan ko na lang ang nangyari saamin. Kaya lang anong magagawa ko kung hindi ko nakakalimutan yun? Hindi mawala sa isip ko.

Hanggang sa makarating sa tapat ng gate ng apartment nya ay hindi na ko nakapagsalita pa dahil agad syang bumaba at nagpasalamat kay Manong. Hindi man lang ako nilingon at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng gate.

Lumipas pa ulit ang dalawang linggo na palagi kong sinusundan si Ate Yanna. Hindi ko alam pero habang mas tumatagal ay nagiging mas malakas ang kutob ko na tama ang iniisip ko.

Kaya kahit saan sya magpunta ay sinusundan ko. Madali lang naman dahil si Ate Erika lagi ang ginagawa kong dahilan para masunod kung nasaan man sya.

Tulad ngayong nasa mall kami. Sinabi ko kay Ate Erika na may bibilhin din ako kaya ako sumama. Halata namang inis saakin si Ate Yanna dahil sa itsura nya at paraan nya ng pagkakatingin saakin.

Dumaan pa ang ilang araw at nalaman kong pupunta sya sa bahay dahil may gagawin yata silang project ni Ate Erika. Sobra akong natuwa kaya naman naexcite ako. Panay ang sulyap ko sa kanya sa salamin ng kotse pero iniirapan nya lang ako.

Pagdating sa bahay ay inasikaso ko na agad ang merienda para kay Ate Yanna. Tea pa sana ang ipapainom sa kanila ni Manang na tumulong saakin sa pag hahanda pero hinarang ko kaya naman nadagdagan ng orange juice. Baka kasi makasama sa kanya ang Tsaa.

Sinigurado kong hindi sya makakainom ng Tsaa kaya naman binantayan ko sila habang kumakain. Nagtataka naman nila akong tinignan pero hindi ko nalang pinansin. Ang nasa isip ko dapat healthy.

Pati sa hapunan ay siguradong mga healthy ang ulam na ipinaluto ko. Puro gulay kahit na hindi naman ako mahilig talagang kumain non. Nagtaka pa si Ate Erika pero nagpalusot nalang ako kaya naniwala sya. Kaya nga lang hindi rin pala kumakain ng gulay si Ate Yanna. Mukhang palpak pa yata ako. Pero natuwa naman ako ng kumain din sya kahit piling gulay lang. Healthy pa din.

Hanggang sa matapos kumain at umuwi sya ay nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam pero gusto ko talaga sya palaging nakikita. Sobrang bumibilis ang tibok ng puso ko pag nakikita ko sya. Para akong kinakabahan na hindi ko maintindihan. Kahit pa nga iniirapan nya ako e natutuwa parin ako.

Dumating pa ang sumunod na linggo pero hindi ako nakapasok ngayon sa school dahil masama ang pakiramdam ko. Nasobrahan yata ako sa kakasunod kela Ate Yanna at Ate Erika. Kaya hindi na kinaya ng katawan ko ang pagod. Sobrang dami din kasing ginagawa sa school.

Nasa kwarto ako at nagpapahinga ng may kumatok sa pinto.

"Pasok ! "

Bumukas ang pinto at pumasok ang nag aalalang ang mukha na si Ate Erika.

"How are you ? Masama pa ba ang pakiramdam mo? " tanong nya saakin. Sinalat pa nya ang noo ko para tignan kung may lagnat ako.

"I'm Okey na Ate " ngitian ko pa sya para hindi na sya mag alala.

"You know what same kayo ni Yanna " sabi ni Ate. Taka naman akong napatingin sa kanya.

"B-bakit Ate? What happened to her ? " nag aalalang tanong ko.

"I'm not sure but I think may sakit din sya , she's kinda pale a while ago e , parang antamlay tamlay nya. Tapos nagsuka pa sya. "

Binalot naman ako ng kaba at pag aalala. Ano kayang nangyari sa kanya?

Nagulat na lang ako ng tawagin ako ni Ate Erika. Hindi ko napansing natulala na pala ako.

"Hey , are you okey ? "

"A-ah yeah , I'm okey Ate " sabi ko sabay ngiti para hindi nya mahalatang nag aalala ako.

Tumango naman si Ate at nagpaalam na lalabas na.

Naiwan naman akong nakatulala at nag aalalang iniisip si Ate Yanna.

***

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon