Epilogue

1.4K 59 10
                                    

Yanna's Pov

SABI nga sa isang kanta. There is a rainbow always after the rain. At sabi din nila na , at the end of that rainbow there's a pot of gold. Gaya sa buhay ng tao. Totoo nga na when it rain it pours pero laging tatandaan na sa tuwing uulan o kahit bumagyo man ay laging may liwanag at bahaghari na naghihintay at sa dulo nito ay ang walang katumbas na kasiyahan. Kaya kahit bumuhos man lahat ng problema sayo wag paring mawawalan ng pag asa. Dahil hindi laging malungkot , hindi laging lugmok. Laging may dumarating na bahaghari tuwing pagkatapos ng unos. At sa dulo nito ay laging may pag asa at walang katumbas na ligaya.

Tulad saamin ni Kevin , alam kong nahirapan kaming dalawa pero pasasaan ba at magiging maayos din ang lahat sa tamang panahon , pagkatapos ng bagyo at unos sa buhay namin maayos kami at mabubuong muli . At ngayon na nga ang araw na iyon.

Pagkatapos kong makatanggap ng tawag mula sa ina nito kanina ay agad kong pinag isipan ang desisyon ko. Isinaalang-alang ko muna ang kapakanan ng anak ko bago ako ako gumawa ng aksyon.

Sinimulan ko muna sa pagkausap kay Kean.

"Anak?" tanong ko sa kanya habang katabi ko itong nanunuod ng tv.

"yes po Mommy" anito habang nakatutok parin ang mata sa tv.

"Gusto mo bang makita ang Daddy mo?" mahinang tanong ko sa kanya. Agad naman itong tumingin saakin at malalaki ang mga matang nagsalita.

"Si Daddy Kevin ko po?" excited na tanong nito. Agad naman akong tumango. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Kean ang pagkakakilanlan ng ama nito.

May mga oras kasi na sobra 'kong namimiss si Kevin kaya naman hindi ko na napigilang magkwento ng tungkol sa kanya sa anak namin. Kaya naman halos kilala narin ni Kean ang ama nito base sa mga kwento ko.

"Opo anak , gusto mo na ba siyang makita at makilala sa personal?" kinakabahan kong tanong dito.

Agad naman itong dumamba ng yakap saakin at malaki ang ngiting paulit-ulit na tumango.

"Opo mommy gusto ko po ! Gustong gusto ko na pong makita ang daddy Kevin ko ! " excited na sagot  nito kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na mag impake agad ng gamit para sa byahe namin bukas ng madaling araw paluwas ng Maynila.

Sana makaabot kami sa graduation ceremony ni Kevin.

Kinabukasan nga ay agad kaming bumyahe ni Kean na sobrang hyper at walang ginawa kundi ang magtanong kung malapit na daw ba kami.

Mag aalasyete na kami ng umaga nakarating cubao kaya naman halos magmadali na kaming maghanap ng masasakyang taxi papunta sa pagdadausan ng graduation ni Kevin mabuti nalang din at sinabi iyon saakin ng ina nito kahapon dahil baka daw magbago ang isip ko at magdesisyong pumunta kaming mag ina.

Agad naman kaming nakasakay ni Kean pero inabot parin kami ng traffic kaya naman halos takbuhin na namin ang entrance ng hall pagkababa namin ng taxi.

9:30 am na kasi samantalang 9:00 am ang umpisa ng ceremony. Sa sobrang hingal ko ay sandali akong napahinto at napahawak sa tuhod ko dahil sa pagod. Hindi ko napansin na nagtuloy tuloy na pala sa pagtakbo si Kean papasok ng hall .

Kaya naman agad akong tumakbo pasunod dito bitbit ang malaki naming bagpack. Pero bago ako makapasok sa loob ng hall ay narinig ko na agad ang malakas at matinis na boses ng anak ko.

"Daddy !

"Daddy Kevin ko! "

Halos takbuhin ko na ang entrance ng hall at para namang biglang may dumaang anghel dahil biglang natahimik ang lahat. Nilapitan ko agad si Kean na abala sa pagkaway sa stage. Sinundan ko ng tingin ang kinakawayan nito at para akong natulos sa kinatatayuan ko ng makita ko si Kevin. Nakatayo sa stage at tila naluluhang nakatingin saamin.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon