Chapter 4

1.4K 47 0
                                    

Yanna's Pov

"YANNA wait lang ah "

Napalingon ako kay Erika ng bigla siyang huminto sa paglalakad habang abala sa pag pindot sa cellphone nito.

"Bakit? " nagtatakang tanong ko sa kanya. Dito kasi kami huminto sa tapat ng HS Building.

Kinakabahan ako dahil baka makita ko na naman si Kevin dito.

"Si Kevin kasi e , hindi daw agad masusundo ng driver dahil na flat tire daw papunta dito " nakasimangot na sabi niya.

"Oh tapos? edi pag commutin mo"

"No , not gonna happen. Takot yun magcommute no. "

"Bakit naman? " weird naman nun. So kaylangan talaga hatid sundo?

"Something happened daw kasi when he was a kid, very traumatic yata kaya natatakot siyang magcommute "
Traumatic? Baka may hindi magandang nangyari sa kanya nung maliit pa sya.

Eh ano namang pake ko? tss.

"Hmm Yanna? " baling sa akin ni Erika matapos niyang makipaglaban sa screen ng cellphone nito sa lakas ng pagkakatouch nito sa screen habang nagtetext.

"Bakit? "

"Is it okay if we'll wait him here?  "

Nangunot naman ang noo ko.

"Bakit naman? "

"Isasama nalang muna natin siya while waiting sa driver , kawawa naman e " Magsasalita pa lang sana ako para tumanggi ng bigla nalang may kinawayan si Erika sa mag hagdan ng HS Building

" Kevin here ! "

Parang gusto ko namang mag sisi dahil pumayag pa akong sumama ngayon kay Erika. Nakakainis ! Ano na tadhana? Nananadya ka ba? May problema ka ba saakin? Gusto kong sabihin nalang kay Erika na pabayaan nalang niya ang pinsan niya kaso hindi naman pwede yun.

"Sama ka na lang muna saamin ha , I'm sure matatagalan pa yun si Manong e " sabi ni Erika pagkalapit ni Kevin.

Ngumiti naman si Kevin. Tumingin pa ito sa akin at ngumiti rin. Inayos pa niya ang salamin na suot at humawak ang dalawang kamay nito sa strap ng bag na suot.

Parang masaya pa siya !

Ngiting-ngiti kasi masyado.

"Okay , let's go ! " masayang aya ni Erika. Samantalang ako naman ay parang maiiyak na sa inis at kaba.

NANDITO  na kami ngayon sa bagong bukas na bar malapit sa school kasama ang iba pa naming blockmates. Pero imbes na magsaya ako kahit papaano ay hindi ko magawa ! Paano ba naman kasi ay naiirita at naiinis ako kasi katabi ko pa itong Kevin na to. Kinakain ako ng hiya pero naiinis din ako sa kanya. Paano ba naman panay na naman ang sulyap sa akin. Parang tanga lang !!

"Oh Yanna shot na , kanina ka pa tahimik dyan ah." sabi saakin ni Alex , blockmate ko . Sabay abot saakin ng baso.

"Ah .. may iniisip lang hehe " akma ko ng aabutin ang baso nung bigla nalang itong matabig ni Kevin.

"Ay pucha ! " napatayo ako dahil tumapon sa blouse ng uniform ko yung alak. Beer pa naman yun tapos puno pa sa baso kaya basang basa yung damit ko.

"I'm sorry ! " hinging paumanhin ni Kevin. Pero parang hindi naman tunog sincere yung pagkakasabi niya? Ay ewan !

Asar ko siyang tinignan ng masama.

"Ah guys una na ako , badtrip nabasa na yung damit ko e " sabi ko sa mga kasama namin.

"Huh? ang aga pa ah !? " sabi naman ni Lara blockmate/barkada din namin.

"Oo nga e , pasensya na . Wala kasi akong pamalit e  "

" Ganun ba? sige ingat ka ah " sagot niya.

"Sige salamat , una na ako  "  paalam ko sa kanila. Akma na akong maglalakad paalis ng biglang dumating si Erika galing kung saan.

"Oh Yanna? What happened?  bakit basa yang blouse mo? " nagtatakang tanong niya saakin.

"Natapunan ako ng beer e , mauuna na ako. Wala akong pamalit e "

"Ganun ba? sayang naman. " nagtatampong sabi ni Erika.

"Babawi nalang ako sayo ha , ambaho din kasi e " Amoy na amoy beer talaga ako tapos bumabakat pa yung damit kong panloob.

" Okay " sabi nya " But wait ! sabay ka na lang kay  Kevin nandyan na kasi si Manong to fetch him e " sabi ni Erika pero agad naman akong tumanggi.

"H-hindi na no , nakakahiya mag tataxi nalang ako , sige na una ako ha " nagmamadaling sabi ko . Aalis na dapat ako ng pigilan ako sa braso ni Erika.

"No Yanna I insist ! Sumabay ka na kay Kevin para hindi na masyadong hassle." pagpupumilit pa nya.  "Kevin c'mon ! Nandyan na si Manong!" tawag pa nito kay Kevin kaya mas lalo akong nataranta.

"Hindi na nga Erika mag cocommute nalang ako " pagdadahilan ko pa.

"No sumabay ka na kay Kevin" matigas na sabi nya. Sakto namang nakalapit na si Kevin saamin. "Kev sasabay na sa inyo si Yanna , tell it to Manong nalang ha."

"Yes Ate " nakangiting sabi naman ni Kevin.

"Okay take care you two ! " nakangiting sabi ni Erika na humalik muna sa pisngi ko bago kami tinalikuran.

"Let's go Yanna " aya naman saakin ni Kevin. No choice na ako dahil wala na akong palag kay Erika. Pambawi ko nalang sa pag uwi ng maaga.

Inis ko namang nilingon si Kevin "Ate Yanna ! Wala kang galang ah" sabi ko tsaka siya tinalikuran at nauna ng maglakad palabas.

Habang nasa byahe pauwi ay hindi ako mapakali. Nararamdaman ko ang pagtingin saakin ni Kevin. Naiinis ako dahil naiilang ako sa tingin niya. Lecheng batang 'to !

"Ma'am saan ko ho kayo ihahatid? "
Narinig kong tanong saakin ng Driver. Kaya nabaling ang atensyon ko dito.

"Diyan lang po manong sa ikatlong kanto pakanan tapos sa pangalawang gate na pula na apartment" pagbibigay ko ng direksyon sa driver.

"Copy Ma'am ! " sagot naman nito.

Tinuon ko naman ang atensyon ko sa pagtingin sa bintana at panuorin ang mga sasakyan na nakakasabay namin ng biglang magsalita si Kevin.

"Yanna--- I mean Ate Yanna " tawag niya saakin.

Kunyari naman na ay hindi ko siya naririnig kaya patuloy parin ako sa pagtunganga sa bintana.

"Ate Yanna tungkol sa nangyari last time gusto ko--- " hindi na nya natapos ang sasabihin dahil lumingon na ako sa kanya at tinignan siya ng masama.

"Diba ang sabi ko kalimutan mo na yun? " Inis na sabi ko sa kanya sa mahinang boses dahil baka marinig kami ng driver at magsumbong pa kay Erika.

"But Ate Yanna I can't-- " naputol na naman ang sinasabi nito ng biglang huminto ang kotse na sinasakyan namin.

"Andito na po tayo Ma'am " sabi ng driver. Hindi ko napansin na malapit na pala kami sa Apartment ko. Dali-dali ko namang binuksan ang pinto ng kotse at mabilis na bumaba.

"Salamat Manong ! " sigaw ko bago nagmamadaling buksan ang gate ng apartment . Hindi na ako muling lumingon sa kotse hanggang sa makapasok ako sa gate at marinig itong umandar ulit paalis.

Napasandal ako sa gate at napasapo ako sa aking dibdib. Para itong tinatambol ng malakas sa kaba.

Bumabalik sa isip ko lahat ng kagagahang pinag-sasabi at pinag-gagawa ko. Anlakas ng loob kong sabihin sa kanya na kalimutan nalang ang nangyari sa amin pero ako mismo ay hindi makalimot.

Nakakainis ! Ang gaga gaga mo kasi Yanna !!! 

Nagdadabog na pumasok  at naglakad ako papasok ng aking apartment .Agad akong naligo bago nagpalit ng damit tsaka nagkulong na naman sa aking kwarto.

***

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon