Chapter 44

883 36 6
                                    

YANNA'S POV

ILANG BUWAN na ang lumipas four months old na si baby Kean. Napakabilis dumaan ng panahon  . Pero sa loob ng mga buwan na ayun ay walang araw na hindi masaya at nagpapasalamat kaming nalalagpasan namin lahat ni Kevin. Kahit pa nga minsan ay sinusubok kami ng kapalaran.

Tulad noong mag dalawang buwan si baby Kean at mangailangan si Kevin ng malaking halaga para sa pag aaral nito. May fieldtrip daw ito at kaylangan talaga nitong sumama dahil isa ito sa mga requirements para sa darating na graduation. Kaya naman no choice kami na bawasan na namang muli ang ipon namin. Ayaw narin kasi naming humingi pa ng tulong kay Erika dahil sobra-sobra na ang naitulong nito saamin.

"Wag kang mag alala Yanna , mababawi din naman natin ito ulit. Ayoko sanang sumama dahil gastos lang yun pero kaylangan talaga" nahihiya at nakayukong anito saakin.

Hinawakan ko naman ang kamay nito at mahinang pinisil.

"Ayos lang , para sa pag-aaral mo naman e" nakangiting sabi ko sa kanya. Nalaman din kasi namin na buong tuition fee lang para sa isang buong taon ang binayaran ng mommy nito.

Pagkatapos noong nakaraang buwan ay nasuspende pa sa trabaho si Kevin dahil napagbintangan itong hindi naisara ang storage room sa fastfood resto na pinagtatrabahuhan nito. Napatunayan naman na hindi si Kevin ang nakaiwan na bukas ang storage room pero nasuspend parin ito ng isang linggo at syempre no pay. Malaking kabawasan yun sa ipon namin at sa sweldo nya.

Pero lahat ng problemang yun ay maayos at masaya naming nalagpasan.

"Yanna?" narinig kong tawag saakin ni Kevin habang inaayos ko sa pagkakahiga si baby Kean sa tabi ko. Kakatapos ko lang kasi itong ibreastfeed.

"Hmm?" sagot ko dito bago ko ito nilingon.

Pinagigitnaan nila ako ni baby Kean. Nasa may side ng pader si baby at sa kaliwang side naman kami ni Kevin.

"Payakap?" pag papaalam nito kaya naman natawa ako.

"Bakit nagpapaalam ka pa?" natatawang sabi ko bago ibinuka ang mga braso ko. Yumakap naman ito na parang bata saakin habang nakasiksik ang mukha sa may leeg ko at nakayakap sa bewang ko ang isa nitong braso.

"Parang kang bata , kaya ka palaging inaasar ni Erika e" pang aasar ko din dito.

"Hindi na nga ako bata" pagmamaktol nito.

"Sshh wag kang maingay baka magising si Kean " natatawang saway ko dito.

"Si ate Erika lang naman ang nagsasabing mukha akong bata , mag eeighteen na ako" bakas parin sa boses nito ang pagrereklamo.

"Haha oo na hindi ka na bata"

"Hmm hindi na talaga , i love you Yanna" malambing na sabi nito kaya napangiti ako.

Hindi na kami nahihiyang sabihin sa isa't isa ang mga nararamdaman namin lalo na si Kevin. Kung dati ay nagkakahiyaan pa ngayon ay hindi na.

Pero minsan ay hindi ko maiwasang asarin ito. Lalo na kapag hindi agad ako nakakasagot ng i love you too kapag nag a-i love you ito saakin. Tulad ngayon.

"I love you " ulit nito ng hindi ako sumagot.

"Hmm"

"Yannaaaa !" madiing bulong nito saakin.

"Ano?" ganting bulong ko din.

"Sabi ko I love you"

"Hmm tulog na tayo" humikab pa ako kunyari. Pinipigilan ko ang matawa ng makita ko ang nakabusangot nitong mukha.

"Bakit? matulog na tayo, mamaya magigising na naman si baby e"

"I love you " hindi parin talaga ito sumusuko.

"Hmm goodnight"

"Bakit hindi ka sumasagot?" nakabusangot na talaga ang bata.  Ang cute cute nito pag nakasimangot mas lalong nagiging inosenteng bata.

Napahagikgik naman ako dahil hindi ko na mapigilan ang matawa.

"Haha i love you too , tampo naman agad ang bata" natatawang sabi ko. Pero mas lalo lang itong sumimangot.

Kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko at pinaghahalikan ito sa magkabilang pisngi , sa noo at sa labi. Ilang beses ko itong kinintalan ng halik sa labi habang tumatawa ako.

"Sorry na haha ang cute mo kasi e" sabi ko pagkatapos ko itong pudpudin ng halik sa buong mukha.

"Ginagawa mo akong bata" anito habang nakasimangot parin.

"Bata ka naman talaga ah " natatawang sabi ko ".. na marunong naring gumawa ng bata" pigil na pigil ko ang mapahagalpak ng tawa dahil sa hindi maipintang mukha nito.

"Ah ganoon ah bata pala ha" anito bago ako sinugod din ng halik sa buong mukha at mahinang kiniliti sa tagiliran.

Todo saway naman ako dito dahil baka magising si baby pero hindi ito nag papaawat. Pigil na pigil ko ang tawa ko.

"Haha Kevin ano ba , magigising si baby" tawang-tawa kong saway dito.

"Sinong bata ha?" tanong nitong habang pinaghahalikan ako sa leeg.

"Tama na haha loko ka---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa biglang pagpalahaw ng iyak ni baby.

"Uwahhh uwahhhh uwahhhhh !" sabay naman kaming natigilan ni Kevin at mabilis na kumilos para maasikaso si baby.

Binuhat ko si baby at agad na pinasuso para muling makatulog.

Tinignan ko naman ng masama si Kevin na kamot batok lang at parang inosenteng bata na nakatanghod sa harapan ko.

"Ayan kasi , matulog ka na nga may klase ka pa bukas" kunyaring inis na sabi ko dito.

Nahiga naman ito at kusang yumakap ang mga braso sa mga binti ko dahil nakaupo ako habang nagpapabreastfeed kay baby.

"Goodnight Yanna" mahinang sabi nito.

"Goodnight I love you " sagot ko naman dito.

Hinaplos ko naman ang buhok nito hanggang sa makatulog ito. Maya-maya ay muli naring nakatulog si baby Kean sa mga bisig ko. Dahan-dahan ko itong inilapag sa higaan . Pagkatapos ay ako naman ang humiga ng maayos. Nahirapan pa akong makahiga dahil mahigpit ang pagkakayakap ni Kevin sa mga hita ko.

Nang sa wakas ay makahiga na ako ay masuyo kong tinignan ang mag-ama ko sa tabi ko.

May mga problema mang dumaan saamin siguradong malalagpasan namin yun lahat ni Kevin. Basta magkasama kaming dalawa ni Kevin at nakikita namin palagi ang mala-anghel na mukha ng aming anak.

***


Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon