Chapter 18

1K 36 3
                                    

YANNA'S Pov

"Hey Yanna ! "

Narinig ko ang sigaw ni Erika habang naglalakad ako papunta sa building namin. Lunes ngayon at may klase ako. Kaya kahit masama ang pakiramdam ko ay pinilit kong pumasok. Nag aalala pa nga saakin si Kevin kanina ng tawagan nya agad ako pagkagising ko. Sinabi ko kasing medyo nahihilo ako. Pero kaylangan kong pumasok hanggat pwede pa at hindi pa halata ang tiyan ko.

"Yanna , are you okay? You look pale? " nag aalang tanong saakin ni Erika ng maabutan nya ako at sumabay saakin sa paglalakad.

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Ahm okay lang ako. Masama lang ang gising ko " pagdadahilan ko. Ewan ko pero naduduwal ako nung maamoy ko ang pabango ni Erika. Sobrang tapang at parang babaliktad ang sikmura ko.

Nagtataka naman akong tinignan ni Erika ng bahagya akong lumayo sa kanya. Grabe feeling ko umaalingasaw yung pabango nya.

"Hey , what's your problem ba? " akma ulit itong lalapit kaya naman muntik na naman akong maduwal kaya naman lakad takbo ang ginawa ko para makalayo agad at makapunta sa cr.

Narinig ko naman ang pagtawag saakin ni Erika pero hindi ko na sya nilingon. Pagkapasok sa isang cubicle sa cr ay agad akong napaluhod sa isang toilet doon at nagsuka. Pakiramdam ko hinang hina ako pero pinilit ko paring tumayo.

Lumabas ako ng cubicle at pumunta sa may salamin. Nagmumog ako at naghilamos. Naglagay na din ako ng pulbos at lip at cheeck tint sa labi at sa pisngi ko para hindi ako magmukhang maputla. Inayos ko na ang sarili ko bago ako lumabas ng cr.

Pagpasok ko sa classroom ay naupo ako banda sa may dulo at hindi umupo sa may tabi ni Erika. Nakita ko pa ang gulat at pagtataka sa mukha nito. Pero agad ding nabaling ang atensyon sa iba dahil dumating na ang prof namin.

Panay ang iwas ko sa mga tingin ni Erika saakin buong klase namin. Nagiguilty ako pero natatakot din at the same time dahil baka makahalata sya.

Dumating ang lunch break at habang inaayos ang mga gamit ko ng makatanggap ako ng text galing kay Kevin.

From : Kevin

Anong gusto mong kainin?

Napangiti naman ako sa nabasa ko. Every lunch break talaga ay ganito sya.

Agad naman akong nagtype ng irereply.

To: Kevin

Kahit ano.

Sent

Wala akong gustong  partikular na kainin ngayon e. Kaya kahit ano na lang sinabi ko.

Nagreply naman ito ng okay at sinabing magkita na lang kami ulit sa may cr ng girls kung saan kami nagkikita para iabot saakin ang pagkaing gusto ko. Bandang dulo kasi yun ng hallway at medyo tago kaya pwede kaming magkita ng wala masyadong makakakita.

Akma na akong tatayo ng marinig ko ang parang galit na boses ni Erika sa tabi ko.

"Hey Yanna , iniiwasan mo ba ko.?" inis na tanong nito saakin.

Kinakabahan naman akong tumingin sa kanya at bahagya ko pang inilayo ang ulo ko para hindi ko sya masyadong maamoy. Ang sangsang talaga !

"Ahmm.. A-ano.. H-hindi ah " agad na tanggi ko sa kanya. Pero mukhang hindi sya naniniwala.

Agad pa syang lumapit saakin kaya naman mabilis akong tumayo at humakbang palayo sa kanya. Naduduwal na naman ako sa amoy nya. Dala siguro ito ng pagbubuntis ko. Hindi naman ako nababahuan sa pabango nya dati. Sa katunayan nga ay nakikispray pa ako ng pabango nya minsan.

"What the hell? " nanlalaki ang mga mata na tanong ni Erika. Bakas sa mukha  nya ang pagkalito at pagtataka sa inaasal ko.

Akma pa sya muling hahakbang palapit saakin ng halos bumaliktad na ang sikmura ko kaya naman agad akong tumalikod at lakad takbong umalis.

"Sorry Erika , mag cr lang ako wait "

Tinawag pa nya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon.

Pagkadating sa cr ay agad akong naduwal. Sobra akong nanghihina kaya naman pumasok ako sa isa sa mga cubicle. Isinara ko ang takip ng toilet bowl at naupo ako dun. Para akong nanlalata. Sakto namang nagring ang cellphone ko at si Kevin ang tumatawag.

(saan ka na? Dala ko na yung lunch mo)

nanghihina naman akong sumagot sa kanya.

"A-andito ako sa cr " matamlay na sabi ko.

(Okay ka lang ba? Bakit ganyan ang boses mo? ) bakas sa boses niya ang pag aalala.

"Okay lang ako ,medyo nahihilo lang "

(Puntahan kita dyan. Antayin mo 'ko ha. Wait lang) nagmamadaling sabi nya bago pinatay ang tawag.

Tinangka ko namang tumayo pero nangagatog parin ang tuhod ko sa labis na panghihina.

Maya maya naman ay dumating na si Kevin. Nagulat pa ako ng pumasok sya sa cr at kumatok sa pinto ng cubicle. Mabuti nalang at walang ibang tao sa loob ng cr ngayon.

"Ayos ka lang ba? " nag aalalang tanong nya saakin habang inaalalayan akong maglakad palabas ng cr.

Tumango naman ako pero nahihilo parin talaga ako. Naubos yata ang lakas ko sa pagsusuka ko kanina.

"Umuwi ka na lang kaya muna? Namumutla ka na oh ?"

Mabuti pa nga siguro na umuwi nalang muna ako. Para narin makaiwas ako kay Erika. Siguradong hindi ako nun titigilan sa pagtatanong. At baka hindi ko narin kayanin ang amoy nya at maduwal na naman ako.

Hindi parin ako handang  sabihin sa kanya ang totoo. Hindi pa ako nakakamove on sa reaksyon ni Tita. Baka hindi ko kayanin kapag nakita at nalaman ko ang magiging reaksyon nya. Lalo pa at kasali ang pinsan nya.

"Hmm sige uuwi na lang muna ako"

"Sige ihahatid na kita " sabi saakin ni Kevin habang nakaalalay pa din.

"Wag na, may klase ka pa. Mag tataxi nalang ako. Ipara mo nalang ako ng taxi " mukhang ayaw pa nyang pumayag pero wala ng nagawa.

"Yanna? Kevin? Saan kayo pupunta? "

Naglalakad na kami papunta sa may gate ng biglang may magsalita sa likod namin. Pareho kaming napahinto sa paglalakad at natulos sa kinatatayuan.

Mas lalo yatang nanghina ang mga tuhod ko. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko ang nagtatanong na mukha ni Erika. Nagpapalipat lipat sya ng tingin saamin ni Kevin.

Labis labis naman ang kaba ko. Ramdam ko din ang kaba ni Kevin dahil biglang nanlamig ang mga kamay nito na nakahawak saakin. Pero hindi nya lang pinapahalata.

"Hey , can somebody tell me what's happening? "

Nagkatinginan kami ni Kevin bago sabay ulit na tumingin kay Erika na masama na ang tingin saaming dalawa. Sabay din kaming napalunok na dalawa.

"What? Yanna? Kevin? "

***

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon