Chapter 30

986 34 12
                                    

YANNA'S POV

MABILIS na dumaan ang mga araw at linggo. Apat na buwan narin ang tiyan ko kaya naman mas halata na ang umbok nito. Kaya halos puro malalaking tshirt narin ang mga suot ko.

Maayos naman ang mga dumaang araw saamin ni Kevin. Nagstart narin ito sa part-time job nito. Sa hapon pagkatapos ng klase nito hanggang nine pm ang pasok nito tuwing weekdays at buong araw naman tuwing weekends.

Tulad ngayong araw sabado 8am- 6pm ang pasok nito kaya naman maya-maya lang ay pauwi narin yun si Kevin. Nagluluto narin ako madalas ng hapunan dahil gusto kong makakain ng tama si Kevin tuwing uuwi ito galing sa trabaho. Lalo na kapag araw ng lunes hanggang byernes pagod na ito sa pag-aaral at pagod rin sa pagtatrabaho. Kaya naman sinisiguro ko na rin na makakain ito ng tama.

Iniiwasan ko narin na magpunta sa may karinderya nila Ate Melba. Dahil nung minsan na bumili ako dun ay tinanong kaagad ako ng isang tauhan sa karenderya tungkol kay Kevin.

"Pst Yanna , totoo ba yung balita na nakabuntis daw yung pinsan mo? sayang naman kay gwapong bata pa naman. Lagi yung nadaan dito e." tanong nito.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Kung sasabihin ko bang oo siguradong magtatanong pa sila lalo. Kaya naman tipid na lang akong ngumiti at hindi na sumagot.

May isang beses pang nadaan dito si Jane habang nagsasampay ako ng mga nilabhan kong damit.

"Huy Yanna , kamusta? Bakit hindi ka na nabili ng ulam saamin? Nandyan ba yung pinsan mo?" animong kinikilig na tanong nito saakin. Parang naisingit nya lang yung pagtatanong kung bakit hindi na ko bumibili sa kanila pero gusto lang talaga nito g magtanong tungkol kay Kevin.

"Hmm wala dito e pumasok " simpleng sagot ko nalang habang inaayos ang mga ginamit kong balde at planggana.

"Ganon ba sayang naman , sya nga pala tinatanong karin saakin ni Kuya Jerard. Kinakamusta ka nya" nanunukso pa itong ngumiti saakin. Gusto kong magtaas ng kilay at irapan ito pero pinigilan ko. Mabait naman kasi si Jerard ito lang talagang si Jane ang hindi ko maintindihan kung bakit ako naiinis.

"Pakisabi na lang na ayos lang ako salamat , sige Jane papasok na ako ha may gagawin pa kasi ako e " sabi ko sabay talikod at pasok sa loob ng bahay.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon