SPECIAL CHAPTER (The Proposal)

1K 44 4
                                    

-The Proposal-

"MOMMY sige na po !"

Pagmamakaawa saakin ni Kean. Magkadikit pa ang dalawa nitong palad at naka-puppy eyes na nakatingin saakin. Kanina nya pa ako pinipilit na pumunta sa Jollibee. Pero hindi ako pumapayag dahil kakain nya lang doon kahapon , noong isinama siyang mag mall ni Erika.

Ayoko naman na sanayin siya doon na pakainin araw-araw. Sinanay kasi siya nila Erika at ni Ellaine e. Oo si Ellaine na pinagselosan ko noon ay kasundong kasundo ko na ngayon. Siya narin ang manager sa fastfood resto na pinagtatrabahuhan nila dati ni Kevin. Kaya laging may free kiddie meal itong si Kean.

Hindi nga ako makapaniwalang magkaibigan na kami ngayon. Halos mag iisang taon narin kasi nang magkita ulit kami ni Kevin at malaman kong wala pala talaga silang naging relasyon ni Ellaine. At happily married na ito ngayon kay Mark , isa rin sa katrabaho ni Kevin noon. Minsan ko narin itong nakilala noong hinatid ng mga ito si Kevin nang lasing sa bahay.

"Mommy please gusto ko po ng fries at sundae." hindi parin talaga sumusuko ang bubwit na to.

"Kean anak , wag ng makulit. Kagagaling nyo lang doon ng tita Ekang mo kahapon , tapos noong isang araw dinalhan ka din ng tita Ellaine mo. Masama naman ang sobra anak" pilit na pagpapaintindi ko sa kanya pero mas lalo lang itong ngumuso at tila maiiyak na.

"Mommy please , importante po ito" sabi nito kaya naman nagtaka ako.

"Anong importante? Paanong naging importante ang pagkain sa Jollibee Kean Benedict?" nakapamaywang na tanong ko sa kanya.

Napayuko naman ito habang nilalaro ang mga daliri at parang nag iisip pa ng isasagot.

"Kean.."

"I-importante po ... i-importante po kasi mommy ano.." parang wala itong maisip na idahilan kaya naman humalukipkip akong tumingin sa kanya.

"Ano?" istriktong tanong ko. Itong batang 'to talaga ipipilit talaga ang lahat masunod lang ang gusto.

"Importante po sa tummy ko yun mommy.. kasi po favorite ng tummy ko yung fries at sundae nila" anito habang nakapuppy eyes na namang nakatingin saakin.

Hindi naman ako makapaniwala dito.

"Andami-dami mo ng nalalamang bata ka ha. Isusumbong kita sa daddy mo" pananakot ko dito.

Wala kasi si Kevin dahil nasa trabaho ito. Kalahating taon narin itong nagtatrabaho sa kompanya ng step-father nito na sa wakas ay hindi na tutol sa kanila ngayon at kasundo ko narin. Lalo ni Kean na sobrang spoiled sa lolo at lola nito.

"Mommy please last na po ito , tapos next week or next month na po ulit please mommy" pangungulit pa nito kaya naman wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

Wala talaga akong laban sa batang 'to.

"Huli na 'to Kean ha." paninigurado ko sa kanya.

"Opo mommy , thankyou po. Payakap!" malaki ang ngiting sabi nito bago ako niyakap ng mahigpit.

Ginulo ko na lang ang buhok nito bago ko siya pinagbihis ng panlakad naka-pajama at sando lang kasi ito.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon