Chapter 5

1.3K 43 8
                                    

YANNA'S Pov

LUMIPAS ang dalawang linggo na badtrip na badtrip parin ako. Paano ba naman kasi ay mas madalas nang magtapo ang mga landas namin ni Kevin.

Ewan ko ba kung ang tadhana ang may gawa non o si Kevin talaga mismo.

Kahit anong iwas ko e palagi parin kaming nagkikita. Tulad nalang nung minsang nag mall kami ni Erika. Nagulat nalang ako dahil nakabuntot siya kay Erika nung magkita kami papuntang mall. Sabi ni Erika sasabay na daw si Kevin sa'amin dahil may bibilhin din daw ito sa mall.

Tapos eto pa , nung minsang magkayayaang gumala ang barkada namin ay kasama na naman siya. At wala itong ibang ginawa kundi tignan ako. Nawalan tuloy ako ng gana kaya hindi ako gaanong nakihalubilo sa mga barkada namin.

Nakakairita !!

At mukhang susubukin na naman ako ng tadhana dahil makakasabay na naman namin itong umuwi.

Napagkasunduan kasi namin ni Erika na sa bahay nalang nila gawin ang project namin . Kung saan doon din nakatira ang Kevin na yun.

"Hey Yanna ! bakit antahimik mo naman? " tanong saakin ni Erika . Naglalakad kami papunta sa parking lot kung saan naroon ang kotse nila.

"Huh? Ah w-wala naman hehe nagugutom na k-kasi ako e " pagpapalusot ko.

"Ganun ba? I'll ask nalang the maids to cook something for us " sabi ni Erika.

Nginitian ko nalang siya tsaka nagtuloy sa paglalakad. Nasa likod namin si Kevin kaya binilisan ko ang paglalakad para hindi kami magkasabay.

Pagdating naman sa parking ay agad kaming sumakay sa kotse. Sa backseat kami naupo ni Erika at sa tabi naman ng driver naupo si Kevin.

Habang nasa byahe ay napapansin kong pasimpleng tumitingin sa Kevin sa'akin sa rearview mirror.

Inirapan ko naman siya at hindi na pinansin pa hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

Pagkapasok pa lang sa bahay ay dumeretso na agad si Kevin sa kusina. Baka nagugutom na rin. Samantalang kami naman ni Erika ay nagtuloy sa kwarto nito sa second floor.

Bigla naman akong kinilabutan ng madaanan namin ang pinto ng guest room . Madadaanan kasi ito bago makarating sa kwarto ni Erika.

Bigla na naman akong kinabahan at tumibok na naman ng mabilis ang dibdib ko.

"Yanna are you okay? " Nagulat pa ako ng tanungin ako ni Erika. Kaya napatingin ako sa kanya. At di ko napansin na napahinto na pala ako sa tapat ng pinto ng guest room.

"A-ah oo okay l-lang ako , tara na " pilit ang ngiting sagot ko sa kanya. Tumango lang naman ito tsaka nagtuloy sa paglalakad kaya sumunod narin ako.

Yanna relax ! Wag mo ng isipin yun ! one night stand lang yun ! dala ng kalasingan at kagagahan mo ! kalimutan mo na yun !

Pilit kong pinakalma ang sarili ko hanggang sa makapasok kami sa kwarto ni Erika.

Agad naman naming inumpisahan ang paggawa ng project. Nasa kalagitnaan kami ng aming ginagawa ng may kumatok sa pinto ng kwarto.

"Come in ! " sigaw ni Erika na abala parin sa ginagawa.

Nagulat naman ako ng biglang may naglapag ng tray ng puno ng pagkain sa mesa sa tabi ko.

"Merienda muna kayo Ate " mahinang bulong saakin ni Kevin. Nanayo naman ang balahibo ko at parang nag init ang pisngi ko kaya agad akong lumayo ng bahagya sa kanya.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon