Chapter 27

927 37 11
                                    

YANNA'S POV

MAGKATABI kaming nakaupo ni Kevin sa harap ng hapag kainan nila Ate Melba. Kaharap ko naman si Jerard at katabi ni Kevin sa kabilang side nya si Jane. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis kay Jane. Kung umasta kasi ito ay parang matagal na silang magkakilala ni Kevin. Todo asikaso at parang ayaw ng humilay sa tabi ni Kevin kulang na nga lang ay lumambitin si Jane sa mga braso nito.

Nilingon ko naman si Kevin mas lalo yatang nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin kay Jerard. Kahit may suot itong eyeglasses ay mahahalata mong matalim ang mga tingin nya.

Pasimple ko syang siniko at akmang kakausapin ito ng magsalita si Jane.

"Kevin kain ka pa oh" malambing ang tono nito na nagpakunot din ng noo ko. Malakas at mabilis magsalita si Jane pero mukhang naging mahinhin at malambing ito ngayon sa harap ni Kevin.

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang pag aasikaso ni Jane kay Kevin na tila ba matagal na silang magkakilala. Samantalang bukod sa nakakunot na noo ay blangko lang ang reaksyon ni Kevin. Mukhang badmood. Natanggap kaya sya sa trabaho?.

"Hmm Yanna gusto mo pa ba ng dessert? " narinig kong tanong saakin ni Jerard.

Agad naman akong umiling para sana tumanggi pero nilagyan nya na agad ng lecheflan ang plato ko. Ayoko sana masyado ng sweets ngayon pero no choice dahil nilagyan nya na agad ang plato ko. Nakakahiya naman kung tatangihan ko.

Akma na akong susubo ng maramdaman kong hinawakan ni Kevin ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya.

"Bakit?" mahinang bulong ko. Tama lang na kaming dalawa lang ang magkarinigan.

"Uwi na tayo." sabi nito. Bakas din sa mukha nito ang pagod. Halos isang buong araw din kasi itong nag apply ng trabaho.

Tumango naman ako at sinabing uubusin ko muna iyong desserts. Pero akma na akong magpapaalam sana para umuwi na sya namang dating ni Ate Melba. Naupo ito sa harap namin.

"Aba kay gwapo namang bata nitong pinsan mo Yanna." nakangiting sabi ni Ate Melba.

Napangiwi naman ako dahil hanggang ngayon ang alam nila ay pinsan ko si Kevin.

"Opo nga Nay e , ang cute nya no?" parang kinikilig naman na sabi ni Jane.

"Ilang taon ka na ba iho?" nakangiting tanong ni Ate Melba hindi pinansin ang sinabi ni Jane.  

'buti nga !

Parang habang tumatagal naiinis na ako sa presensya ni Jane. Kung dati ay natutuwa pa ako sa kakulitan nya pero ngayon naaasar na ako.

"17 na po ako" nahihiyang sagot ni Kevin sabay ayos ng suot na salamin.

"Bata ka pa pala kaedaran mo lang si Jane , ikaw Yanna ilang taon ka na? " baling naman saakin ni Ate Melba.

"20 po " mahinang sagot ko.

"Tatlong taon lang pala ang tanda sayo nitong panganay kong si Jerard e." nakangiting sabi pa nito.

"Ah hehe ganon po ba?" naiilang kong tanong. Parang gusto kong sumagot ng Eh ano namanpero nahihiya ako.

Nagtuloy tuloy ang kwentuhan namin at hindi na natuloy ang plano naming pag uwi na sana ni Kevin. Napakadaming tanong at kwento ni Ate Melba. Panay naman ang kalabit saakin ni Kevin. Lalo na kapag nagkakakwentuhan kami ni Jerard. Natuwa din akong kausap ito dahil halos pareho kami ng mga hilig. At siguro din ay hindi nagkakalayo ang edad namin.

Samantalang panay naman ang pagdadaldal ni Jane sa tabi ni Kevin pero mukhang wala namang pakialam itong isa.

"Nag aaral ka pa ba Yanna?" tanong ni Jerard.

Natigilan ako at napahugot ng malalim na hininga. Tumingin ako kay Kevin at nakita kong nakatitig na rin sya saakin.

Binalik ko ang tingin kay Jerard at mabagal na umiling.

"Huminto ako sa pag aaral e." mahinang sabi ko.

"Hmm .. sayang naman pala kung ganon." sabi ni Jerard.

Hinihiling ko lang na sana wag na nilang itanong kung bakit ako nahinto sa pag aaral. Nag angat ako ng tingin kay Jerard at nakita kong matiim syang nakatingin saakin. Ngumiti ito na tila ba naiintindihan nya kung hindi ko ikukwento ang dahilan ko.

Gumanti naman ako ng ngiti. Pero laking gulat ko ng makarinig ako ng pagkalansing ng mga kutsara.

Agad akong lumingon sa tabi ko at nakita kong pinupulot ni Kevin ang mga nagulog na kutsara't tinidor sa sahig.

"Pasensya na po , nabitawan ko kasi." hinging paumanhin naman nito pagkatapos pulutin yung mga nahulog.

"Okay lang yun Kev , ikukuha nalang kita ng bago sandali " sabi ni Jane bago tumayo para kumuha ng malinis na kubyertos.

Nangunot naman ang noo ko sa narinig kong tinawag nya kay Kevin. Kev? seryoso ? saan galing yun. Lalong lumalala ang inis na nararamdam ko kay Jane. Hindi ko alam kung saan galing ang inis ko. Siguro sa hormones ko dahil nga buntis ako.

Lumingon saakin si Kevin . Naramdaman nya yata ang titig ko sa kanya habang nag ngingit ngit ako sa inis ko kay Jane.

"May problema ba?" mahinang tanong ko.

Umiling naman ito at agad na nag iwas ng tingin.

Maya maya pa ay bumalikna si Jane agad na naman itong tumabi at kumapit na parang tuko kay Kevin.

"Ito na Kev oh." malambing naman ang pagkakasabi nito pero parang iba ang dating sa pandinig ko. Parang maharot ang pagkakasabi nito.

"Sya nga pala may kasintahan ka na ba Yanna?" tanong ni Ate Melba.

Napatingin naman ako sa kanya at nagdadalawang isip na sumagot.

"W-wala po." wala naman talaga akong boyfriend. Oo buntis ako at handang panagutan ni Kevin ang bata pero hindi ko rin alam kung anong meron kami. Walang maayos na usap. Ang alam ko lang ay nagsasama kami sa iisang bubong para sa convinient  naming dalawa. May makakasama na ako sa bahay at makakatipid pa kaming dalawa. At wala ring mawawala dahil sya naman ang tatay ng anak ko. At yun lang , wala ng ibang dahilan.

"E ikaw Kevin may girlfriend ka na ba?" tanong naman ni Jane. Napakalambing ng boses nito.Kulang nalang ngumiwi na ang mukha nito at ilabas ang dila at iipit sa tenga ang buhok para makumpleto na ang  itsura nitong pabebe.

Sumulyap muna saakin si Kevin bago sumagot.

"Wala po--" sagot nito.

"Talag-- " masayang pagsingit naman ni Jane.

"Pero may kinakasama po ako at magkakaanak na po kami." pag papatuloy nito na nagpalaki ng mga mata ko.

Nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha ni Jane. Daig pa nito ang natalo sa lotto.

***

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon