Chapter 46

863 39 11
                                    

Yanna's Pov

HINDI ko na alam  ang nangyayari kay Kevin. Kung noong nakaraan ay nalelate lang ito umuwi ngayon naman ay halos hindi na ito umuuwi ng bahay. Minsan pa nga kahit day-off nito sa fastfood resto ay umaalis parin ito.

Nag aalala na ako sa kalusugan nito dahil palagi na itong puyat pero at the same time kinakabahan narin ako. May mga pagdududa na saakin na ayaw kong ientertain sa isip ko.

Lalo pa at ilang beses kong nakita na nasa call logs ni Kevin si Ellaine. Hindi lang isang beses kundi marami.

Natatakot akong magtanong at kumpirmahin kay Kevin. Wala namang nagbago sa pakikitungo nito saaakin. Malambing pa din ito at sweet. Kaso nga lang ay parang wala na itong oras para saamin ni baby hindi tulad noon na nakakapag kwentuhan pa kami tuwing kakagaling nito sa trabaho. Pero ngayon ay hindi na dahil kung minsan ay dumadating ito sa bahay na sobrang pagod na pagod kaya agad na itong nakakatulog.

Tinatanong ko parin siya pero panay paiwas ang sagot nito saakin. Kung minsan naman ay ngingiti lang at hindi magsasalita.

Ayokong mag-isip ng masama o ng iba dahil alam kong hindi ko kaya. Ayokong may malaman na mali dahil alam kong hindi ko kakayanin.

Ito na ba ang kapalit ng pagiging mas bata nya saakin? Alam ko namang sa ganoong edad ay talagang puro gimik at barkada pa talaga ang inaatupag. Alam ko  dahil pinag-daanan ko yun. Pero dahil sa sitwasyon namin ay mas maagang namulat si Kevin na magbanat ng buto kaysa ang magsaya kasama ang mga barkada tulad ng gawain ng isang normal na kabataan.

Natatakot ako. Sa mga araw na dumadaan na palaging wala si Kevin kinakabahan ako. Pero daglian din namang nawawala kapag nakakauwi ito at maglalambing ng yakap saakin. Pero pati yun ay bihira nalang din mangyari ngayon.

Ano bang ginagawa mo Kevin? Sana mali ang iniisip ko.



"SSHHH baby tahan ka na "  kanina ko pa sinusubukang patahanin si baby Kean pero hindi parin ito tumitigil sa pag iyak.

Natataranta na ako at naiiyak narin. Pinalitan ko na ito ng diaper dahil baka basa na at naiirita na ito pero wala paring talab. Ayaw din nitong dumede. Panay iyak lang kaya nagpapanic na ako.

Mag-aalas diyes na ng gabi pero hindi parin humihinto sa pag iyak si baby. Kanina ko pa din tinatawagan si Kevin para sana pauwiin ito ng maaga pero out of coverage area ang cellphone nito.

Kaya naman no choice na ako at tinawagan ko na si Erika.

Nakailang ring pa muna bago ito sumagot.

"Hello Yanna?" mukhang naistorbo ko pa ang pagtulog nito. " May problema ba? bakit umiiyak si baby?" nag aalalang tanong nito. Pumapalahaw parin kasi ng iyak si baby Kean.

"E-erika pwede bang pumunta ka dito? H-hindi k-kasi tumit-tigil sa pag iyak s-si b-baby simula k-kanina e ! H-hindi ko na a-alam ang g-gagawin ko p-please Erika" naiiyak kong pakiusap dito habang isinasayaw si baby Kean. Hindi parin ito humihinto sa pag iyak.

"OmyGod ! Sige sige papunta na ako" agad na sabi nito bago pinatay ang tawag.

Akma ko naman sanang papadedein si baby Kean ng maramdaman ko ang init na nagmumula sa bibig nito. Kaya naman agad kong sinalat ang noo at leeg nito.

"Hala may lagnat ka baby" nanlalaki ang mata na sabi ko.

Mas lalong hindi ko na alam ang gagawin ko. Natataranta na ako at naluluha. Iyak parin ng iyak si baby at natatakot na ako dahil baka mahirapan na itong makahinga.

Kaya naman habang karga ko si baby ay agad akong nag impake ng mga gamit nito sa loob ng baby bag. Nanginginig na ang mga kamay ko habang naglalagay ng mga lampin sa loob ng bag.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon