Chapter 33

919 35 9
                                    

KEVIN'S Pov

SOBRANG lakas ng kabog ng dibdib ko habang nasa sasakyan pa lang kami ni Yanna. Sa  totoo lang kagabi pa talaga ako hindi mapakali. Naeexcite ako at kinakabahan na hindi ko maintindihan. Gustong gusto ko ng malaman ang gender ni baby. Gusto ko sana babae may naiisip na kasi akong pangalan para sa kanya. Pero okay lang din kung lalaki may pangalan narin ako para sa kanya. Sana pumayag si Yanna sa mga pangalan na naisip ko. Ilang gabi ko ding pinag isipan at hanggang sa trabaho ay yun palagi ang naiisip ko.

Kean Benedict Mariano kapag lalaki. Pinagsamang pangalan namin ni Yanna at Benedict na ang ibig sabihin ay a blessed boy sa Latin. At syempre yung last name ko ang gagamitin nya.

Vian Genevieve Mariano naman kapag babae. Kinuha ko rin sa pinagsamang pangalan namin ni Yanna at Genevieve na ang ibig sabihin ay God's blessing sa French.

Nagresearch talaga ako ng mga pangalan sa internet habang may free time ako sa school. Sana lang talaga pumayag si Yanna.

Nandito na kami ngayon sa labas ng clinic ng ob ni Yanna. May pasyente pa daw kasi sa loob kaya andito pa kami. Masyado talaga yata kaming napaaga. 9:45am kami nakarating dito. Dahil nga hindi kami nagcommute kaya naman mas napabilis ang byahe namin.

Katabi ko si Yanna na tahimik lang sa tabi ko. Alam kong naeexcite din ito sa gender ni baby. Kaya naman pasimple kong hinawakan ang isa nitong kamay na nasa ibabaw ng mga hita nito.

Nagtataka naman ako nitong tinignan.

"Bakit?" bulong nito.

Ngumiti naman ako ng malaki.

"Naeexcite na talaga ako , antagal  naman." kunyaring pagrereklamo ko. Pero totoong naiinip na ako. Gusto ko ng malaman ang gender ni baby.

Natatawa naman itong umiling iling saakin. Hindi ko na binitawan ang kamay nito dahil hindi rin naman ito nagreklamo.

Inayos ko ang suot kong salamin at inilibot ang tingin sa buong waiting area ng clinic. May ibang buntis din ang naghihintay. Kasama din ng mga ito ang kani-kanilang mga asawa. Nanlaki pa nga ang mata ko ng makita ko ang isang buntis na may napakalaking tiyan. Parang puputok na sa laki ang tiyan nito.

Lalaki din kaya ng ganoon ang tiyan ni Yanna? Naiisip ko pa lang parang nabibigatan na ako. Wag naman sana. Kaylangan ko na yata syang sabihan na bawasan ang pagkain.

Akma ko ng sasabihin sana kay Yanna 'yon ng biglang bumukas ang pinto sa tapat namin at lumabas doon ang isang buntis at asawa nito kasunod ang doktora ni Yanna.

Nakangiti itong nagpaalam sa mag asawa at bumaling saamin.

"Mrs.Ferrer? come in" nakangiting sabi ng doctor bago muling pumasok sa loob.

Mas bagay ang Mrs.Mariano.

Tumayo na kami ni Yanna at inalalayan ko syang maglakad papasok sa clinic.

Pinaupo kami ng doctora sa harap ng lamesa nito at pagkatapos ng maikling kamustahan ay nag umpisa na itong magtanong kay Yanna.

"Do you experience stomach pain?" tanong nito.

Tumango naman si Yanna.

"How often? nagtatagal ba o nawawala din?"

"Hmm minsan lang naman po doc , nawawala din naman po agad " sagot ni Yanna dito . Ito siguro yung mga panahong nakikita ko ito na nakasapo at parang pinakikiramdaman ang tiyan nito. Tinatanong ko naman ito pero sinasabi nitong wala lang daw.

"Stomach pain or cramps are common in pregnancy and usually nothing to worry about. Nag eexpand na kasi ang womb mo at naiistretch ang mga ligaments dahil lumalaki na rin ang tiyan mo. Ang mahalaga hindi ito nagtatagal at nawawala rin. Pero kapag nangyari ulit 'yon at hindi agad nawala ang sakit pumunta ka agad dito. You need to be checked okay? Pero kung sandali lang naman at nawawala rin you just need to rest" paliwanag ng doctor.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon