Chapter 15

1.1K 37 0
                                    

YANNA'S  Pov

Dumaan pa ang ilang araw at palaging ganoon lang ang routine namin ni Kevin. Binibilhan nya ako ng mga pagkaing gusto ko. Panay din ang punta nya sa bahay pagkatapos ng uwian. Minsan ginagabi na sya kakatambay sa bahay. Pagbawalan at paalisin ko man ay walang ubra dahil napakatigas ng ulo nya.

Bata talaga .

Araw ng sabado ngayon at plano kong magpunta sa Ob-Gyne clinic  malapit dito sa apartment. Naisip ko kasing kaylangan ko ng magpacheck up para maresetahan din ako ng mga vitamins at malaman kung maayos ba ang lagay ng baby sa tiyan ko.

Nagsuot lang ako ng kulay gray na sweapants at kulay puting crop top sweatshirt. Hindi pa naman ganon kalaki ang tiyan ko pero umiiwas na ako agad sa pagsusuot ng mga jeans kasi feeling ko maiipit ang tiyan ko.

Palabas na ko ng gate ng may nag door bell. Mukhang alam ko na kung sino yung dumating.

Binuksan ko ang gate at bumungad saakin ang nakangiting mukha ni Kevin.

Kinunutan ko sya ng noo.

"Ano na namang ginagawa mo dito ? " tanong ko. Lumabas narin ako ng gate at inilock yun.

Taka naman syang tumingin saakin.

"Aalis ka ? Saan ka pupunta ? " nagtatakang tanong nya.

"Sa clinic dyan sa malapit , magpapacheck up ako " sabi ko.

" Sasama ako ! " biglang sabi nito . Inis naman akong tumingin sa kanya.

" Ano ? Hindi pwede " tanggi ko.

Sumimangot naman ito nagpapaawang tumingin saakin.

"Bakit hindi pwede? Ako naman ang tatay ny--- Araaay ! " Inis kong sinipa ang paa nya. Baka may makarinig sa mga pinag sasabi nya.

"Ano ba ! Ang ingay mo naman " saway ko sa kanya.

Nakasimangot naman syang tumingin saakin habang hinihimas ang nasaktang binti.

"Bakit ba ? Ayaw mo na ngang ipaalam na buntis ka pati ba naman sa pagsama sayo magpacheck up ayaw mo rin " sabi nito. Bakas sa boses nito ang lungkot pero kita ko rin sa mata nito ang inis.

"E kasi nga hindi pa ako handa , baka may makakilala sayo don o kaya saakin magtataka sila " paliwanag ko.

"Edi sabihin natin ang totoo , kung  ikinakahiya mo yung kalagayan mo. Ako hindi " matigas na sabi nito sabay nag iwas ng tingin.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Hindi ko sya ikinakahiya " mahinang sabi ko.

Iniisip ko lang kasi na baka makarating kay Tita na buntis ako. Ang gusto ko kasi ay ako ang  magsasabi sa kanya. Pero hindi pa ngayon hahanap pa ako ng tamang tyempo.

"Sige aalis nako , mag ingat ka sa pagpunta don ah. Balitaan mo nalang ako " bigla nitong sinabi. Hindi ko sigurado pero parang nasaktan ko sya. Garalgal ang boses nya na parang iiyak.

Tumango nalang ako sa kanya. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa sakayan.

"Yanna Yvette Ferrer "

Narinig kong tawag saakin ng nurse sa may pinto ng clinic. Narito na ako ngayon sa may Ob-Gyne clinic .

Tumayo  ako at nakangiting lumapit dito.

"Ako po yun " nahihiyang sabi ko.

Ngumiti naman ito at iginiya ako sa loob ng isa pang mas maliit na silid.

Nakita ko doon ang isang medyo bata pang doctor na babae.

"Magandang araw po " bati ko.

Nag angat naman saakin ito ng tingin.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon