Chapter 31

1K 36 17
                                    

YANNA'S POV

"AYOS ka lang ba sa suot mo? suotin mo nalang kaya yung mga biniling maternity dress sayo ni Ate Erika?" tanong saakin ni Kevin habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin.

Ibinaba ko ang tingin ko sa suot kong black loose shirt as in maluwag at gray na leggings.

"Okay na 'to tsaka mas komportable ako dito e , ayokong magduster no" agad na tanggi ko. Nagulat nalang kasi ako isang araw na nagpunta si Erika dito bitbit ang sandamakmak na paperbags. Puro mga maternity dress ang laman. Magaganda naman sana kaso hindi talaga ako nagdedress. Tsaka nalang siguro pag sobrang laki na ng tiyan ko. Sa ngayon kasi kasya pa naman saakin yung mga leggings na pinamili rin namin noon at mga tshirt ni Kevin mas maluluwag saakin. Natutuwa pa ako sa mga tshirt nya kasi puro anime or pokemon ang design. Pambata pero maganda naman.

"Hindi ba naiipit ang tiyan mo?" tanong pa nito.

"Hindi naman sakto lang" sabi ko bago kinuha ang flat sandals ko.

Akma ko iyong isusuot ng agawin saakin ni Kevin.

"Ako na , baka maipit yung tiyan mo kapag yumuko ka" sabi nito habang inilalock yung trap ng sandals ko.

Napangiti naman ako habang tinitignan ito. Pagkatapos ay tumayo na ito sabay ayos ng suot na eyeglasses.

"Tara na?" aya nito saakin.

Tinatanong nyo ba kung saan kami pupunta? Araw ng linggo ngayon at day off ni Kevin kaya naman inaya ko syang magsimba. Matagal tagal narin pala nung huli kong pagsimba. Kaya naman naisipan kong ayain si Kevin. Gusto ko kasing magpasalamat kay Lord dahil hindi nya kami pinapabayaan ni Kevin. Kahit medyo mahirap e kinakaya parin namin. At gusto ko ring humingi pa lalo ng gabay para sa mga darating pang pagsubok sa'amin.

Tumayo ako sabay kuha ng sling bag ko na inagaw din saakin ni Kevin.

"Ako na" anito hinayaan ko na lang sya . Naglakad na ako palabas habang si Kevin naman ang naglalock ng pinto at ng maliit naming gate.

Pagkatapos ay nag abang na kami ng tricycle papuntang simbahan. Malapit lang din naman kasi sa simbahan itong apartment namin.

Nung makasakay kami ay todo alalay pa saakin si Kevin dahil maalog yung tricycle dahil malubak yung daan.

"Baka nahihilo na si baby kakatalbog mo " bulong nito saakin. Natawa naman ako.

"Sira ! anong pinagsasabi mo dyan? Hindi no" para itong batang sumimangot.

"Dapat nag taxi na lang tayo" sabi pa nito.

"Mukha kang taxi , sayang ang pamasahe anlapit lapit lang ng pupuntahan natin e" inis kunyaring sabi ko.

Sumimangot lang lalo ito hanggang sa makarating kami sa simbahan.

Pagkapasok namin doon ay kakaunti pa lang ang tao. Second mass na lang kasi ang naabutan namin. Pagkatapos naming magsawsaw ng daliri dun sa holywater at magsign of the cross ay naghanap na kami ng mauupuan.

"Tara dun tayo sa may tapat ng electricfan para di ka mainitan" aya saakin ni Kevin. Nagpatiuna naman ako sa kanya papunta sa pupwestuhan namin.

Pagkaupo pa lang namin ay narinig ko agad ang mga impit na tilian ng ilang kabataang babae sa likod kaya naman pasimple ko silang nilingon.

Nangunot ang noo ko ng makitang nakatingin silang lahat kay Kevin na nakatingin lang sa harap ng altar.

Inalis ko nalang ang tingin sa kanila at hindi nalang sila pinansin. Pero patuloy parin ang pagbubulungan ng mga ito.

"Grabe ang cute nya"

"Para syang cute na nerd"

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon