Chapter 52

1.1K 38 4
                                    

Kevin's Pov

"ANAK ready ka na ba?" narinig kong tanong saakin ni Mommy.

Tumingin ako sa kanya mula sa reflection namin sa salamin. Tipid akong ngumiti bago tumango.

Iniharap ako ni Mommy sa kanya   pagtapos ay inayos nito ang pagkakasuot ng necktie ko.

"Anak  I'm sorry , I called her yesterday para sabihin na ngayon ang graduation mo. I even invited her to come  today pero ang sabi lang nya ay pag-iisipan nya daw muna" mahinang sabi saakin ni Mommy.

Hindi ko naman maiwasang manlumo ulit. Ilang taon na ba simula nung huling beses akong makarinig ng balita tungkol sa kanya? Sa kanila ng anak namin? Four years ago? Isang taon matapos ang araw na nagpaguho ng buhay ko. Na nagpawasak ng mga pangarap ko. Umamin saakin si Mommy tungkol sa naging usapan nila ni Yanna.

Noong una ay labis ang galit na naramdaman ko. Anong karapatan nitong magdesisyon para sa akin? Anong karapatan nitong pakiusapan si Yanna na lumayo saakin kahit na pansamantala lang? Dahil doon ay para akong biglang namatay pero patuloy na humihinga. Lahat ng lakas at sigla ko ay bigla nalang nawala. Lahat ng pagod na naramdaman at pinagdaanan ko na kahit kaylan ay hindi ko ininda noon ay parang sabay-sabay kong naramdaman ng araw na yun.

Nalaman ko din noong araw na yun na nagkasakit pala si baby Kean at naospital. Ilang beses akong tinawagan ni Yanna pero hindi ko nasasagot  dahil nalowbat ang cellphone ko. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil habang nagpapakasaya ako sa party na yun. Mag isang nag aalala at natatakot si Yanna para sa kalagayan ng anak namin. Galit na galit ako sa sarili ko.

Pero lalo pang nadagdagan ang galit ko hindi lang sa sarili ko kundi pati narin sa sarili kong ina. Dahil kung hindi siguro nito binigyan ng ideya noon si Yanna na iwan ako. Siguro ay hindi ito aalis at ilalayo saakin ang anak ko.

At ngayon ay narinig ko na naman mula sa kanya ang pangalan ni Yanna. Bumalik na naman ang sakit , ang galit at pagtatampo sa puso ko.

Kung talagang tinupad lang nito ang usapan nila ni Mommy bakit hindi ito pupunta sa graduation ko ngayon? Simula ng malaman ko ang napag usapan nila ni Mommy na pansamantala lang ang lahat , dahil magkikita parin naman kami. Mas lalo akong nagsipag at nagpursige sa pag aaral. Kahit na parang isang sumpa ang bawat araw na dumadaan saakin.

Na sa tuwing maalala ko sila ni baby Kean ay parang gusto kong magwala at hanapin sila kung nasaan man sila nagpunta. Na parang gusto kong sisihin lahat pati narin ang sarili ko kung bakit nila ako iniwan noon. Sana hindi nalang ako nag ambisyon ng magandang birthday party para kay baby Kean. Edi sana nagkaroon pa kami ng mas mahaba at mas maraming oras na magkakasama. Edi sana kasama ako ni Yanna noong nagkasakit si baby Kean at naospital. Edi sana hindi sya pumayag sa kahit ano mang pakiusap ni Mommy dahil kasama nya ako.

Pero kahit anong pagsisisi pa ang gawin ako at kahit sino pa ang sisihin ko. Wala ng mangyayari dahil iniwan na nila ako. Sinubukan ko silang hanapin. Nagbakasakali akong hanapin sila sa mga kaibigan nito pero nabigo lang ako dahil maski ang mga ito'y hindi alam kung nasaan si Yanna at si baby Kean. Pati narin si Ate Erika ay wala ding ideya kung nasaan sila. Doon ko lang napagtanto na siguro nga ay sumama na sila sa Tita nito sa abroad.

Simula noon ay tumigil na ako sa paghahanap sa kanila at mas nagfocus na ako sa aking pag aaral hanggang sa makatapos ako ng highschool ay bumalik ako ulit sa bahay nila Mommy pero patuloy ko paring nirerentahan ang dati naming bahay nila Yanna. Minsan pa nga ay doon ako natutulog sa tuwing kinakain ako ng sobrang lungkot at labis na pagkamiss sa mag ina ko. Hanggang sa magcollege ako at kumuha ng kursong computer engineering.  At ngayon nga ang araw ng pagtatapos ko.

Ang araw na pinakahihintay ko dahil umaasa parin ako na pagkatapos nito ay magkikita na ulit kami ni Yanna at ni baby Kean.

Pero mukhang mabibigo ako.

"Congratulations Kev , I'm so proud of you ! " masayang bati saakin ni Ate Erika. Kasama namin sya dito sa pagdadausan ng graduation namin. Bakas sa mukha nya ang saya at pagkaproud saakin.

Pero ako mismo ay hindi ko maramdamang masaya ako. Dahil sa ibang tao ko gustong marinig ang mga salitang yun. Miss na miss ko na sya lalo na ang anak namin.Sigurado akong malaki at naglalakad na ngayon si baby Kean. Naramdaman ko na naman ang labis na panghihinayang. Dahil kung hindi sila umalis edi sana ay nasubaybayan ko ang paglaki nito.

Naramdaman kong papatak na ang luha ko kaya naman agad akong tumalikod at mabilis na pinahid ang pumatak na luha sa mga mata ko.

"Sige Ma , ate Erika una na ako doon ha" paalam ko sa mga ito bago ako agad na tumalikod papunta sa mga nakahilerang upuan sa harap ng stage. Tahimik akong naupo doon at parang wala sa sariling tumitig sa kawalan.

Hindi ko nga namalayang nag uumpisa na pala ang ceremony. Para lang akong robot na sumusunod at gumagaya sa ibang estudyante tuwing tatayo ang mga ito o di kaya naman ay papalakpak.

Hanggang sa tinawag na ang pangalan ko sa stage.

"Summa cum Laude for B.S Computer Engineering , Mariano Kevin A."

Tumayo ako at naglakad papunta ng stage. Lumingon pa ako kay Mommy at kay ate Erika na umiiyak. Nakatayo sila at proud na proud saakin.

Ginantihan ko sila ngiti bago ako ako nagpatuloy sa pag-akyat ng stage.

Nakipagkamay muna ako sa mga professor at dean ng school. Akma ko na sanang aabutin ang diplomang iniabot saakin ng makarinig ako ng maliit at matinis na boses na sumisigaw.

"Daddy ! "

"Daddy ko ! Daddy Kevin ko !"

Agad naman akong lumingon at nakita ko na may batang lalaki na tumatakbo sa gitnang aisle papunta dito sa stage.

"Kean !"

Halos mabingi naman ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Kaya naman dahan-dahan akong nag angat ng tingin. At doon sa dulong aisle sa may pinto papasok ng hall. Nakita ko ang babaeng hindi ko inaasahang makikita ngayon.

Mukhang hinihingal ito bago tumakbo palapit sa batang lalaki na nakahinto na at malaki ang mga ngiting kumakaway saakin.

"Hi Daddy ko !" hindi ko namalayang sunod-sunod na palang tumutulo ang mga luha ko. Kaya agad kong inabot ang diploma ko at nagsalita ng konting pasasalamat bago ako nagmamadaling bumaba ng stage.

Agad akong sinalubong ng batang lalaki o mas tamang sabihin na agad akong sinalubong ng aking anak.

Kean...

***



Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon