Chapter 45

929 38 10
                                    

Yanna's Pov

ANG SABI ng iba sadyang kasama na daw sa buhay ng tao ang problema. Na kakambal na ng bawat isa ang mga problema at walang problema na hindi kayang lagpasan. Dahil sabi din nila hindi magbibibigay ang Panginoon ng problema na hindi kayang solusyunan ng mga tao. Mabigat at napakahirap man ay matatapos din lahat. At ibinibigay Niya ito para subukin tayo.

Pero may isa pang kasabihan na "when it rain it pours" . Yung tipong kadarating lang ng isang problema ay mayron na kaagad na kasunod at kasunod at kasunod.

Akala ko okay na , na maayos na . Na perpekto na ang pagsasama at pamumuhay namin ni Kevin kasama si baby Kean. Pero mukhang nagkamali ako.

Nang sumapit ang ikalimang buwan ni baby Kean. Parang biglang may nagbago kay Kevin. Hindi ko alam kung ano pero parang may nagbago talaga sa kanya pero hindi naman ganon kalala.

Minsan okay naman pero minsan hindi talaga.

Napapadalas na kasi ang pag-uwi ni Kevin ng late. Kung dati ay alas-nuebe ng gabi sya umuuwi galing sa trabaho at eskwela pero ngayon minsan alas-dose na ng gabi ito umuuwi.

Tulad ngayong gabi mag aalas-diyes na pero wala parin ito. Halos isang linggo ng ganito si Kevin. Pero wala namang pag babago sa pakikitungo nya saakin at kay baby Kean. Malambing parin ito at maalaga yun nga lang ay halos wala na itong oras para saamin ni baby hindi tulad noon. Paano'y halos nauubos ang oras nito sa labas ng bahay. Pag aaral at trabaho.  Minsan nga ay hindi ko na ito naabutang gising kapag umuuwi ito dahil nagigising nalang ako sa madaling araw na katabi ko na ito at nakayakap saakin. Ganoon din sa umaga. Pagkagising ko ay halos hindi na kami nagkakausap dahil gumigising ito ng maaga para pumasok samantalang patulog pa lang ulit ako dahil halos madaling araw kung nagigising si baby kaya naman lagi akong puyat.

Nakahanda na kaming matulog ni baby at tulad ng mga nagdaang gabi ay mukhang hindi  makakauwi ng maaga si Kevin. Hindi rin kasi ito nagsasabi kung nasaan ito. Basta ang sinasabi lang nito palagi ay hindi ito makakauwi ng maaga.

Sinubukan ko na itong tanungin pero puro pag iwas at pag iiba lang sa usapan ang ginagawa nito.

Pagkatapos kong ibreastfeed si baby ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako dahil napansin kong wala si baby sa tabi ko kaya agad akong bumangon. Magpapanic na sana ako kung hindi ko lang agad nakita si Kevin na nakatayo at isinasayaw si baby Kean. Mukhang kakauwi lang nito. Tinignan ko ang oras at nakita kong ala-una na ng madaling araw.

"Kanina ka pa ba nakauwi?" mahinang tanong ko dito.

Tumingin naman ito at ngumiti saakin bago lumapit sa higaan at doon naupo habang karga pa din si baby. Binigyan muna ako nito ng isang mabilis na halik sa noo bago sumagot.

"Hmm kanikanipa pa ako nakauwi , umiingit si baby kaso masarap yata ang tuloy mo kaya hindi na kita ginising" nakangiting anito.

"Bakit ba palagi ka nalang inuumaga sa pag-uwi?" nagtatakang tanong ko dito.

Tumingin naman ito saakin muna ng matagal bago sumagot.

"Nag oovertime ako" simpleng sagot nito.

"Hah? bakit ka nag oovertime? alam mo namang nag aaral ka pa sa umaga? " gulat na tanong ko dito.

"Sshh hinaan mo lang ang boses mo tulog na si baby" bulong nito saakin. Halatang iniiwas na naman ang topic namin.

"Kevin .."

"Hmm ? .. sige na matulog kana. Ako ng bahala kay baby" anito.

Dahil naiinis narin ako ay hindi ko na ito pinilit magsalita at sagutin ang mga tanong ko.

Muli akong nahiga at tinignan si Kevin na muling tumayo para isayaw si baby dahil umingit na naman ito. Kumakanta pa ito ng mahina na nakapag pangiti saakin. Wala naman sigurong problema. Baka talagang nag oovertime lang ito sa trabaho.

Maya-maya pa ay inihiga na nito si baby sa tabi ko. Hinalikan muna nito sa noo si baby bago ito  tumabi saakin.

Humalik din ito sa noo ko at agad na isiniksik ang mukha sa leeg ko sabay iniyakap nito ang isang braso sa aking bewang.

"I love you goodnight Yanna" mahinang bulong nito.

Akma pa sana akong sasagot ng marinig  ko ang mahinang paghilik nito. Mukhang pagod na pagod talaga ito.

Hinaplos ko ang buhok nito at kinintalan din ng halik sa noo bago ako pumikit at tuluyan ng nakatulog.

DUMAAN pa ang ilang araw at mas madami pa ang napapansin ko kay Kevin.

Kung dati ay malaya kong nabubuksan ang cellphone nito pero ngayon ay hindi na. Lagi na nitong dala ang cellphone kahit saan ito magpunta. Hindi tulad noon na iniiwan lang nito sa ibabaw ng drawer namin ang cellphone nito. Dahilan nito noon na wala namang mahalagang tatawag sa cellphone nito kundi ako lang kaya hindi na nito hinahawakan kapag nasa bahay lang ito.

Kaya nagtataka ako ngayon kung bakit hindi na nito mabitawan ang cellphone at parang may laging kinakalikot ito sa kanyang cellphone.

Tulad ngayon maaga akong nagising at naabutan kong hindi pa nakakaalis si Kevin. Kaya naman dahan-dahan akong bumangon sa higaan. Mukhang nasa cr pa si Kevin at naliligo. Lumapit ako sa may lamesa para sana ipagtimpla ito ng choco drink na paborito nito kaya lang naagaw ng umiilaw at nagbavibrate na cellphone nito ang atensyon ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari saakin pero natagpuan ko na lang sarili ko na kinukuha ang cellphone ni Kevin sa lamesa. At ng akma ko na itong bubuksan ay nangunot ang noo ko dahil sa pangalan na nasa message notification  sa may lockscreen nito.

Ellaine ...

Malakas na kumabog ang dibdib ko kaya agad kong isinuwipe ang screen ng cellphone nito pero nanghihingi ito ng password.

Lalong nagsalubong ang kilay ko ng hindi gumana ang password na alam ko. Dahil dati ko namang nabubuksan ang cellphone nito kaya alam ko ang password.

Susubukan ko pa sana ulit na hulaan ang password nito ng marinig ko ang paghinto ng lagaslas ng tubig sa cr indikasyon na tapos na itong maligo kaya naman mabilis kong pinatay ang ilaw ng cellphone ito at ibinalik sa lamesa.

Naramdaman ko narin ang paglabas ni Kevin sa cr kaya naman nagpanggap akong kakabangon ko lang sa higaan at magtitimpla pa lang ako ng choco drink nito. Patay malisya ako hanggang sa makalapit ito sa may likod ko.

"oh bakit gumising ka na agad? matulog ka pa Yanna alam kong pinuyat ka na naman ni baby" anito. Lumapit pa ito lalo saakin at mabilis na hinalikan ako sa pisngi.

Ngumiti lang naman ako at hindi na sumagot dahil hindi parin mawala sa isip ko ang nakita ko sa cellphone nito at ang pagpapalit nito ng password.

Alam kong hindi big deal yun. Normal lang na maglagay ng password sa cellphone at alam kong hindi rin naman obligasyon ni Kevin na ipaalam saakin yun dahil nirerespeto ko parin naman ang privacy nito pero hindi ko alam kung bakit parang may mali.  May iba , may hindi tama.

Pasimple akong bumaling kay Kevin ng kunin nito sa lamesa ang cellphone nito at agad na binuksan. Pilit kong tinignan kung anong password nito pero napakabilis ng kamay nito sa pag tatype kaya hindi ko agad nakita.

"Alis na ako Yanna" agad na paalam nito pagkatapos nitong tignan ang cellphone. Nakabihis narin kasi ito ng uniform.

Nangunot naman lalo ang noo ko.  Bakit parang bigla itong nagmadali?

"Sandali inumin mo muna ito" sabi ko nalang bago iabot dito ang tinimpla ko.

Dahil maligamgam lang naman iyon ayon sa gusto nito ay agad nya itong naubos bago mabilis akong hinalikan sa noo at sa labi pagkatapos pumunta ito kay baby para humalik din sa noo nito.

"Bye Yanna alis nako i love you , ingat kayo dito ha" anito. Isang mabilis na halik sa noo pa ulit ang binigay nito saakin bago ito nagmamadaling lumabas ng bahay.

Naiwan naman akong nakatingin nalang sa pintong nilabasan nito.

Anong nangyayari Kevin? ...

***


Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon