Chapter 23

973 34 6
                                    

YANNA'S Pov

"HALIKAYO PASOK"

Binuksan ni Aleng Nida ang pinto ng apartment na uupahan namin ni Kevin. Sa halos isang linggo naming paghahanap ng mga maayos at affordable na apartment ay sa wakas nakakuha na din kami.

Ang hirap pala maghanap ng matitirhan lalo na at kulang ka sa pera. Maraming magagandang apartment kaso ang mamahal. Meron din namang mura nga pero hindi naman kagandahan ang environment ng lugar. Mayroong maingay at meron ding isang lindol na lang yata gigiba na. Wala naman sanang kaso saakin yun kung ako lang ang titira . Kaso nga lang ay may kasama ako na alam kong hindi naman sanay sa ganoong klaseng tirahan. At isa pa buntis ako. Gusto ko rin naman ng maayos at malinis na environment at titirahan ng anak ko.

Gusto rin naman kaming tulungan ni Erika para sa pambayad ng renta pero tumanggi ako. Ayokong iasa sa iba ang gastusin ko. At isa pa nahihiya din ako sa kanya. Nagsabi na lang sya na magsabi agad ako kung kaylangan na namin ng tulong.

"Walang kwarto itong apartment hija. May sariling kubeta at lababo na may mga gripo na. Saakin din nakakabit ang kuntador ng ilaw at tubig nyo kaya saakin din kayo magbabayad. One month advance at One month deposit , sana lang ay on time kayo magbayad para magkasundo tayo." Nakapamewang na sabi ni Aling Nida saamin.

Inilibot ko naman ang tingin ko sa kabuuan ng bahay.

Puti ang pintura ng mga sementadong dingding , may isang bintana na may grills sa tabi ng pinto. Sa tapat ng pinto sasalubong agad ang kusina at lababo sa tabi nito ang sa tingin ko ay cr .  Wala itong sariling kwarto. Naka tiles naman ang sahig. Kasya lang talaga sa dalawang tao ang buong apartment.  Meron naring lamesa at dalawang monoblock chair ang nasa may gilid. Naiwan daw ng naunang tumira dito. Mayron din itong maliit na gate bago makapasok sa main door. Maliit na distansya lang ang layo ng main door at gate na meron mga sampayan ng mga damit sa bubong.

Napatingin ako kay Kevin at nakita ko ang lungkot at hiya sa mukha nya.

"Oh sya paano? Kukunin nyo ba itong bahay? " tanong muli ng landlady saamin.

Tinignan ako ni Kevin na may nagtatanong na mga mata. Tinanguan ko naman sya at bumaling sa landlady.

"Opo kukunin po namin. Pwede po bang lumipat na kami agad bukas.? "

"Oo naman basta nabayaran nyo na ang advance at deposito nyo."

Nag usap pa kami at nagbilin ang landlady bago kami iniwan para tignan pang muli ang bahay. Ibinigay nya na rin saamin ang susi.

Agad ko namang nilapitan  si Kevin na kanina pa tahimik sa tabi ko.

"Ayos ka lang?. "

Yumuko naman ito at humugot na malalim na buntong hininga.

"Sorry ." mahinang sabi nito.

Nangunot naman ang noo ko at pilit iniangat ang ulo nya para magtama ang mata namin.

"Bakit ka nagsosorry?." nagtatakang tanong ko.

"Hindi ganitong tirahan ang gusto kong madatnan ni baby paglabas nya. Nahihiya ako sayo kasi sa ganito lang kita ititira." mahinang sabi nito.

Kahit man ako ay ayoko sanang tumira kami dito. Hindi sa pag iinarte pero hindi ganitong buhay ang nakasanayan ko. Sunod ng Tita ko ang lahat ng luho ko. Solo ko ang apartment ko noon kahit na ang gusto nya sana ay mag dorm na lang ako. Mas malaki pa nga kung tutuusin ang apartment  ko sa titirahan namin ngayon. Pero alam kong kelangan naming magtiis muna sa ngayon. Dahil kaylangan naming magtipid dahil pareho kaming dalawa na wala pang pagkukuhaan ng pera. Nagsabi na naman si Kevin na mag aapply sya bilang isang service crew sa isang fast food chain. Gusto ko ring tumulong para kumita pero hindi ko pa alam kung paano.

Tutal naman ay huminto narin ako sa pag aaral. Useless din kung mag aaral pa ako. Yung perang naipon ko galing sa ipinapadala ni Tita saakin ay hindi din naman ganon kalaki para ipambayad ko sa tuition fee ko. Ilalaan ko nalang siguro yun para sa ibang mga gastusin ko , namin.  Kaya naman tumigil na lang ako at plano ko nalang ang maghanap ng pagkakakitaan.

"Ayos lang ano ka ba , naiintindihan ko naman. Tsaka hindi naman tayo magtatagal na ganito. Pansamantala lang 'to habang nag uumpisa pa lang tayo. " sabi ko sa kanya.

Kinuha ko ang isang kamay nya at hinawakan bago ako tumingin sa mga mata nito.

"Magtulungan lang tayo. Alam ko wala tayong alam pareho kung paano at saan tayo magsisimula sa buhay natin ngayon. Pero alam ko malalagpasan din natin to."

Ngumiti naman sya at tumango. Bilib din ako kay Kevin dahil kahit bata pa sya , mas bata saakin ay walang takot at pag aalinlangan nyang tinanggap ang responsibilidad nya. Pinili nya ako at si baby kahit itakwil pa sya ng kanyang mga magulang. Siguro kung ibang lalaki yun ay baka inutusan na nya akong ipalaglag ang bata o baka tinaguan at tinakbuhan na ako dahil sa takot sa responsibilidad.

Pero hindi ganon si Kevin. Pursigido sya sa buhay. Minsan ko pa nga syang nakitang tumitingin online ng mga job offers e. Alam kong kahit mahirap ay kakayanin naming dalawa.

Ngumiti ako at inaya na si Kevin umuwi. Mag iimpake pa kami para sa paglipat namin bukas.

Lumabas kami ng apartment at muling tinignan ang kabuuan ng bahay mula sa labas.

"Dito tayo magsisimula ulit."
mahinang bulong ko.

"At dito din natin bubuuin ang pamilya natin."

Natigilan ako sa sinabi nya at napaangat sa kanya ng tingin.

Pamilya? Oo sya ang ama ng pinagbubuntis ko pero matatawag na ba na isa kaming pamilya ? Lalo pa at wala naman kaming relasyong dalawa?

Magsasama lang naman kami dahil dahil wala kaming ibang pagpipilian. Parehas kaming itinaboy ng mga pamilya namin. At ito lang ang paraan na kaylangan para kahit papaano ay makatipid kami.

Napalunok ako ng ilang beses habang nakatingin parin sa kanya. Tinignan din nya ako at ngumiti.

Ginantihan ko nalang sya ng isang tipid na ngiti bago muling tumingin sa bahay.

Wala rin namang masama kung maging kami at maging isang totoong buong pamilya. Pero wala pa sa isip ko yun ngayon. Bahala na kung anong mangyayari.

***

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon