Chapter 39

864 34 6
                                    

YANNA'S Pov

KANINA pa sumasakit ang ulo ko sa dalawang kasama ko na kanina pa nagbabangayan habang ipinipilit bilhin ang mga gusto nila.

Nandito kami ngayon sa may babies section ng department store ng isang mall para makapamili na mga gamit ni baby.

"Mas maganda nga itong baby blue na onesies ! " narinig ko na namang inis na sabi ni Erika.

"Mas okay itong dark blue ate " syempre hindi rin magpapatalo si Kevin. Sa mga ganitong pagkakataon talaga lumalabas ang pagiging bata nito. Hindi ito magpapatalo kahit na anong mangyari.

Napahilot nalang ako sa sentido ko at inis na kinuha ang push cart tsaka naglakad palayo sa dalawa. Kanina pa sila ganyan simula sa mga socks at mittens , baby bonnets at iba pang mga gamit pambaby pinag aawayan nila ang kulay at mga designs. Kaya sa huli e pareho ko nalang kinukuha ang mga nagugustuhan nila para matapos na.

Pumunta ako sa may mga feeding bottle section at nagtingin tingin. Gusto ko sana sanayin narin si baby sa feeding bottle kapag medyo lumaki na sya. Pero breastmilk padin ang gatas nya. Para na din makapag trabaho ako or kahit makapag sideline man lang pagkapanganak ko.

"Bibili din ba tayo nyan Yanna?" narinig kong tanong ni Erika sabay lagay ng sandamakmak na mga baby clothes sa push cart.

Akma ko syang sasawayin dahil sa mga pinagkukuhang damit ng bigla ding lumapit si Kevin.

"Hindi gagamit nyan si baby ate , sabi ni Kuya Ismael mas maganda daw kung breastmilk ang gatas ni baby" agad na sabi nito.

"Bili narin tayo Kevin para masanay narin si baby " sabi ko. Kukuha na sana ako ng isang set ng feeding bottle ng agawin yun ni Kevin sa kamay ko.

"Wag na yan Yanna. Mas healthy nga ang breastfeed"

"Breastfeed parin naman si baby , ilalagay lang sa feeding bottle para naman makapagtrabaho din ako pagkapanganak ko." sabi ko dito na nakapag pakunot ng noo nito.

"Magtatrabaho ka ?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo nga Yanna , paano si baby Kean?" nagtataka ring tanong ni Erika.

"Sideline lang naman , may nakita din kasi akong home based job sa internet nung nakaraan susubukan ko sana" mahinahong sabi ko kay Kevin na nakasimangot na.

"Ayoko ! " mas lalo pang kumunot ang noo nito.

"Bakit?"

"Si baby lang ang asikasuhin mo , ako na ang bahala sa trabaho responsibilidad ko yun. Ako dapat ang gumagawa non" mahina pero bakas ang inis sa boses nito.

Akma pa sana akong magsasalita ng pisilin ni Erika ang kamay ko. Napatingin ako dito at nakita kong umiiling ito. Parang sinasabi na hayaan ko na muna si Kevin. Dahil alam naming hindi ako mananalo dito. Ipapaliwanag ko nalang siguro sa kanya sa ibang araw.

Napabuntong hininga nalang ako at nakangiting lumapit dito.

"Oo na po hindi na ,saakin dedede si baby " sumusukong sabi ko dito . Nag angat naman ito ng tingin saakin.

"Magtatrabaho ka pa?" mahinang tanong nito.

"Hindi na muna " nakangiting sagot ko kaya naman nagliwanag na ang mukha nito at ngumiti.

"Oh ayan okay na Kevin ha , baka gusto mo dumede ka din kay Yanna?" nanlaki naman ang mga mata ko at muntik ng masamid si Kevin dahil sa sinabi ni Erika.

"Erika ! "

"Ate ! "

Sabay na sabi namin dito pero tatawa-tawa lang ang gaga bago kami tinalikuran.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon