Chapter 41

949 42 22
                                    

YANNA'S POV

"KANINA pa ba tulog si Yanna?"

"Nakita nyo na ba yung baby?"

"Sya ba yung daddy ng baby Erika?"

Nagising ako dahil sa napakaraming boses na naririnig ko. May mga bumubulong sa palagid ko na parang mga bubuyog. Dahan-dahan akong dumilat at bumungad agad saakin ang puting kisame.

Gumalaw ako pero agad ding napahinto ng makaramdam ako ng sakit. Sinubukan kong iangat ang kamay ko pero hindi ko maigalaw dahil parang may nakadagan kaya naman dahan-dahan akong lumingon at doon ko nakita si Kevin na nakayukyok ang ulo sa tabi ko habang mahigpit na hawak ang isa kong kamay.

"K-kevin" tawag ko dito. Agad naman itong nag angat ng ulo at malaki ang ngiti sa labi.

"Yanna gising ka na! " masayang sabi nito na nakakuha ng atensyon sa iba pang nasa loob kwarto.

"Omg Yanna ! "

"Congrats Yanna! "

"Nasan na ang inaanak ko ?"

"Ang kapal talaga ng mukha mo Alex ! "

"Sshhhh shut up nga kayo?  ang iingay nyo guys"

Sabay-sabay na mga tanong nila. Don ko lang nakita na mga barkada ko pala ang nandito . Sila Alex , Clark , Yssa at Lara. Siguradong kay Erika na naman nila nalaman.

"Kamusta ka na ? Nagugutom ka ba?" malambing na tanong saakin ni Kevin.

Umiling ako at nanlaki ang mga mata ng may maalala.

"Hala! si baby? nasan si baby?" nag aalalang tanong ko dito. Agad kasi akong nakatulog kanina pagkatapos kong mailabas si baby.

Ngumiti naman ito ng pagkalaki-laki bago sumagot.

"Nasa nursery lang sya , mamaya dadalhin daw sya ng nurse dito" nakangiting sagot nito.

Tumango naman ako at bumaling sa maiingay na nakapalibot saakin.

"A-ang iingay nyo" mahinang sabi ko sa kanila.

"Omg Yanna , mommy ka na !" parang kinikilig na sabi saakin ni Lara.

"Gusto mo naring maging mommy Lara?" nakangising tanong ni Alex dito. Agad naman itong nakatanggap ng malakas na batok.

"Gago ! "

Natatawa naman akong napailing at akma pang magsasalita ng may kumatok sa pinto bago bumukas. Pumasok ang nurse na may buhat na baby sa mga bisig nito.

Ang baby ko .

Agad akong bumangon pero ng maramdaman ko ang sakit ng tahi ko napahinto ako.

"Dahan-dahan " mahinang sabi saakin ni Kevin habang iaalalayan akong makaupo.

"Ito na po si baby Misis " sabi ng nurse ng makalapit bago maingat na ibinigay saakin.

Unang lapat pa lang nya sa mga bisig ko ay parang gusto ko ng maiyak sa kakaibang pakiramdam na lumukob saakin. Namamasa na ang mata ko habang nakatingin sa mala-anghel nitong mukha. Napakaliit ng mukha nito pati ang labi. Ngayon pa lang ay nakikita ko na ang malaking pagkakahawig nito kay Kevin.

"May pangalan na po ba sya Ma'am?" nakangiting tanong ng nurse.

Tumango naman ako at nag angat ng tingin kay Kevin na ngayon ay nakapako din ang tingin saakin at sa baby.

"Kean.. Kean Benedict Mariano"  agad namang lumingon saakin si Kevin. Mamula-mula na ang mga mata nito tandan na malapit-lapit na itong maiyak.

Nagpaalam na naman ang nurse at naiwan na saamin si baby.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon