Chapter 17

1K 37 1
                                    

YANNA'S POV

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang hinihintay na sagutin ni Tita ang tawag ko sa Skype. Plano ko na sabihin dito ang kalagayan nya. Ayoko ng patagalin pa dahil malalaman at malalaman din naman ni Tita ang lahat.

Halos himatayin na ako sa kaba ng sagutin ni Tita ang tawag at bumungad sa kanya ang nakangiting mukha nito sa screen ng laptop.

"Oh Yanna , kamusta? Napatawag ka? " Magiliw na tanong saakin ni Tita.

Malaki ang ngiti nito na palagi nyang nakikita sa tuwing magkakausap sila. Makakangiti pa kaya sya ng ganyan pagkatapos ng mga sasabihin ko?

Napalunok sya at huminga ng malalim bago pilit na ngumiti.

"A-ayos lang n-naman po ako Tita " parang umuurong ang dila nya sa sobrang nerbyos na nararamdaman.

"Ang pag aaral mo kamusta? "

"M-maayos din n-naman po " halos magkadabuhol buhol na ang dila ko sa pagsasalita. Parang kakapusin na ako ng hininga sa sobrang kaba.

"Yanna may sakit ka ba? Bakit parang namumutla ka? " nag aalalang tanong ni Tita.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sya sinagot.

"A-amm Tita m-may sasabihin po k-kasi ako " kinakabahang sabi ko. Kumunot naman ang noo ni Tita .

"Ano yun?"

Nag umpisa ng mamuo ang mga luha sa mata ko . Unti unti naring pumapatak ang luha ko. Naninikip ang dibdib ko sa kaba.

"I'm s-sorry T-tita.. I.. I d-disspointed y-you T-tita I'm s-sorry po " napaiyak na ako ng tuluyan .

Nataranta naman si Tita at mas lalong nangunot ang noo.

"Sandali ? Ano bang sinasabi mo'ng bata ka? "

"B-buntis po a-ako T-tita s-sorry po.. s-sorry po T-tita.. s-sorry " patuloy parin ang paglandas ng luha sa mga mata ko. Nakita ko namang natigilan si Tita.

Nakatingin lang sya saakin sa screen ng laptop. Walang emosyon ang mukha nito.

"Ano Yanna? " tanong ni Tita. Tila ba pilit sinasabi sa sarili nya na mali lang ito ng pagkakarinig.

"B-buntis po a-ako " mahinang sabi ko.

Nagulat naman ako ng makita ko'ng may maglandas din na luha sa mga mata ni Tita. Nag unahan sa pagtulo ang mga luha nya. Tumingala si Tita at pilit pinupunasan ang mga luha nito.

"T-tita patawarin n-nyo po a-ako "

Tumingin saakin si Tita ang kitang kita ko ang dissapointment sa mga mata nito.

"Diyos ko Yanna " biglang sabi ni Yanna. "Nagkulang ba ako sa mga pangaral sayo? May mali ba sa pagpapalaki ko sayo bago ako nagpunta dito sa abroad? Yanna nag aaral ka? Balewala na ba lahat ha ? " bigla nalang din napahagulgol ng iyak si Tita. "Ikaw nalang meron ako Yanna , marami akong pangarap para sayo. Pero ano 'tong ginawa mo?"

Patuloy parin ang pag iyak ni Tita. Gustong gusto ko syang yakapin ngayon at huminga ng tawad sa harap nito. Kahit lumuhod pa ako para lang mapatawad nya ako.

"T-tita " nagsusumamong tawag ko dito. Pero umiling lang ito.

"Tsaka na tayo mag usap Yanna " sabi nito bago pinatay ang tawag.

Mas lalo naman akong napaiyak ng hindi ko na makita ang mukha ni Tita sa screen. Alam kong magagalit si Tita pero hindi ko alam na ganito kasakit.

Nadissapoint ko sya at alam kong masakit din yun para kay Tita.

Nanghihina ako ng isara ko ang laptop ko. Pinipigilan ko'ng wag maiyak pero hindi ko mapigilan.

Napahiga ako sa kama at tumitig sa kisame hanang marahan kong hinahaplos ang impis ko pang tyan.

May buhay na sa loob nito. Buhay na hindi ko man inaasahan pero hinding hindi ko pag sisisihan.

Pero natatakot ako sa kahihinatnan ng lahat. Kung ano na ang mga susunod na mangyayari. Kami ni Kevin na parehong wala pang alam sa ganitong mga bagay pero dahil kapusukan ay pareho din kaming   haharap sa mga consequence ng aming ginawa.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa pag iisip kung hindi lang may mahinang yumuyogyog sa balikat ko.

"Yanna wake up "

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang maamong mukha ni Kevin sa harap ko.

"Hey Yanna " muling tawag ni Kevin saakin. Dahan dahan naman akong naupo at sumandal sa headboard ng kama.

Tinignan ko din ang oras sa alarm clock sa tabi ko at nakita kong pasado alas tres na ng hapon. Napahaba yata ang tulog ko . Nakalimutan ko naring kumain ng tanghalian.

"Kanina ka pa dito? " mahinang tanong ko kay Kevin na nakaupo narin sa gilid ng kama ko.

Hindi na ako nagulat ng makita ko sya sa loob ng kwarto ko dahil palagi na naman syang itong nandito sa apartment ko.

"Hindi kadarating-rating ko lang din . Kumain ka na ba? "

Umiling naman ako at sabay pa na tumunog ang tyan ko sa gutom.

"Haha mukhang si baby na ang sumagot ah. Gutom ka na nga. Tara may dala akong pagkain" Nakangiting sabi niya. Nahawa naman ako sa ngiti nito kaya napangiti narin ako.

Tinulungan nya akong tumayo at sabay na kaming pumunta sa kusina.

Pagkarating sa kusina ay nakita ko ang isang balot ng lumpyang toge at suka sa lamesa. Meron ding isang bucket ng fried chicken.

Halos magningning naman ang mga mata ko sa nakita.

"Wow ! Andami naman nito " tuwang tuwang sabi ko. Diretcho na akong naupo sa upuan at agad na binuksan ang supot ng lumpya.

Nakita ko namang lumapit sa lalagyanan ng pinggan at kubyertos si Kevin. Kumuha siya ng dalawang pinggan at tig- dalawang pares ng kutsara't tinidor bago nakangiting lumapit saakin.

"Gutom na gutom ah. Dapat kasi hindi ka nagpapalipas ng gutom. Alam mo namang dalawa na kayong kumakain ngayon " seryosong sabi niya habang nilalagyan nito ng kanin na dala  ang plato ko.

Napatingin ako sa kanya at hindi ko maiwasang mapangiti.

Maswerte parin pala ako dahil responsable at mabait ang tatay ng anak ko. Kahit sa murang edad e hindi ko sya nakitaan ng doubt o pag sisisi sa nangyari saamin. Hindi sya tumanggi at tumakbo sa responsibilidad bagkus maluwag nya itong tinanggap at bukal sa loob ang mga ginagawa para saamin ng bata.

Napansin yata nya ang pagtitig ko sa kanya kaya bahagyang nangunot ang noo nito.

"Huy , ayos ka lang? " nagtataka nyang tanong.

Wala sa sarili naman akong ngumiti.

"Salamat " bukal sa loob kong sabi.

Nakita ko naman ang pamumula ng mapuputing pisngi ni Kevin.

"P-para saan? " tanong niya bago naupo sa harapan ko.

"Para dito ... sa mga ginagawa mo ngayon. Alam ko'ng mga bata pa tayo. Lalo na ikaw. You're just 17 and now you'll have this lifetime responsibility as a father. A young father. At hindi kita nakitaan man lang maski isang beses ng pag aalinlangan sa mga ginagawa mo.And thanks for that. Tinanggap mo ng buong buo yung pagbubuntis ko. I know it's hard , really hard for the both of us. But I'm here. Nandito ako, kami ng magiging baby natin. Kakayanin natin lahat ng mga pagsubok na pag dadaanan natin. " sinserong sabi ko sa kanya.

Siguro kung may ipagpapasalamat man ako sa nangyayari saamin ngayon. Ito siguro yun. Yung hindi man namin inaasahan yung nangyari e. Ayos lang dahil hindi naman ako tinakbuhan ng tatay ng baby ko. Hindi ko siguro alam ang gagawin ko pag nangyari yun.

Ngumiti naman siya at tila nahihiyang nagsalita.

"Same , andito lang din ako para sayo. Alam ko'ng bata pa ako pero gagampanan ko ng mabuti ang responsibilidad ko sa inyo ni baby "

***

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon