Chapter 48

949 36 23
                                    

Yanna's Pov

HINDI ako makatingin ng diretso sa mommy ni Kevin na nakaupo ngayon sa harap ko. Nandito kami ngayong dalawa sa cafeteria ng ospital. Inaya ako nito na lumabas muna ng kwarto kanina pagdating nito. May pag uusapan daw kami pero wala akong ideya kung ano.

Naiwan naman si Tita at Erika sa kwarto ni baby Kean.

"Nasaan si Kevin iha?" narinig kong tanong ng ginang saakin kaya naman dahan-dahan akong nag-angat ng tingin dito.

Nakaka-intimidate ang aura nito at talagang nakaka-kaba kung tumingin.

"H-hindi ko po alam maam , k-kanina ko pa po sya h-hindi macontact" nauutal na sagot ko.

"Ganoon ba? e sa bata? anong nangyari bakit kayo nandito sa ospital?" muling tanong nito.

"N-nilagnat po kasi sya kanina" mahinang sagot ko.

Bumuntong hininga naman muna ito bago nagsalita.

"I see , ito na nga ba ang sinasabi ko e. I know it from the start. Mga bata pa kayo , lalo na si Kevin. Ano pa lang ba ang alam nyo sa pagpapamilya? Tignan mo ang nangyayari sa inyo ngayon? Nasaan si Kevin? malamang nasa gimikan yun? anong malay natin e sa edad nya puro ganon talaga ang nasa utak non" napayuko naman ako bigla dahil sa sinabi nito.

Naiiyak na ako pero pilit kong pinipigilan. Kanina ko pa pinipilit isaksak sa kukote ko na baka nag over time lang talaga si Kevin pero dalawa na sila ni Tita ang nagsasabi na baka may iba itong ginagawa. Na baka talagang may mali.

"Hindi sa kinukonsinte ko ang anak ko iha , alam naman nating bata pa ang anak ko. He is just seventeen years old for christ sake. And how about you? You're a bit older from him diba? At alam kong pinagdaanan mo rin yon noon. Party going , drinking liquors right? Alam ko nang mangyayari ito"

"Mga bata pa kayo , hindi nyo pa kaya. Kaylangan nyo pa ng gabay ng mga magulang. Masyado kasi kayong mapupusok. Look what happened now? Nagkasakit ang anak nyo? Bakit? Dahil wala pa kayong gaanong kaalaman sa pag-aalaga ng bata. And there's Kevin? nasaan sya? Wala pa siyang sense of responsibility." mahabang saad nito na parang mga punyal na sumasaksak sa dibdib ko.

Tama ito dahil wala pa nga talaga kaming alam ni Kevin. Inosente pa kami sa pagpapamilya. Kumbaga sa prutas ay pinilit lang kaming mahinog. Bumuo kami ng pamilya not knowing na hindi lang 'yon ganoon kadali. Na hindi lang sapat na naipoprovide namin ang mga pangangailangan ng pamilya. Hindi lang pala 'yon natatapos doon.

"R-responsable po si K-kevin maam at inaalagaan ko n-naman po ng mabuti yung anak namin" sabi ko sa kanya.

"I know that but kulang , hindi pa sapat ang mga kaalaman mo. You need to know more. Kaylangan mo pang matuto. Lalo na si Kevin. He needs to grow as a man he's still a boy and finished his studies first. Para sa inyo din naman yun. Kaya iha may ipapakiusap sana ako sayo". anito kaya naman agad akong nag angat ng tingin dito.

Hindi ko alam kung bakit pero parang kinabahan ako.

"A-ano po yun?" garalgal ang boses na tanong ko.

"I want you to stay away from my son for a while ... just for a while iha. Hanggang sa makatapos lang sya ng pag aaral." nanlaki ang mga mata ko at agad na kumontra ang puso ko .

"Po? p-pero paano po ang anak n-namin? pwede pa naman po s-syang mag aral kahit m-magkasama kami maam" naiiyak na ako at hindi ko na maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko.

Ano ba ang nangyayari? bakit nagkasabay-sabay naman yata ang dating ng problema.

"I know iha , but my husband will disagree. Gusto niyang pag aralin si Kevin ng wala kayo. At gusto kong makatapos ang anak ko iha. Para sa inyo din naman yun. Wala akong kakayahang pag-aralin sya. H-hindi ako binibigyan ng pera ng asawa ko. At eto lang ang paraan na alam ko sana maintindihan mo." nababakas din sa boses nito ang sakit at paghihirap. Nararamdaman ko din na totoo ang mga sinasabi nito.

Kaso paano ako? Paano kami ni baby? Mahihirapan at masasaktan din ako. Si Kevin? Papayag ba itong lumaki si baby ng wala sya? Ilang taon bang mag aaral si Kevin? 4 ? 5 years? napakatagal non.

"Please iha , I hope you understand. Kaylangan nyo din ito para mas mag grow kayo at mag mature individually. And don't worry sa financial nyong mag ina. Susuportahan ko kayo. Hanggang sa makagraduate lang si Kevin. At ipinapangako ko pagkagraduate na pagkagraduate nya magkakasama na kayo ulit." pakikiusap nito pero parang naumid na ang dila ko at hindi na ako makapagsalita.

"Iha please , para sa inyo din naman 'to. Wala pang mangyayari sa buhay nyo sa ngayon. Hayaan mong magmature muna si Kevin pati ikaw. At mapag isip-isip nya na kaylangan pa nyang lalo pang magsumikap para sa inyo na mag ina nya. Para sa apo ko"

Napapikit ako at dahan-dahang bumuntong hininga. Hindi ko alam ang sasabihin ko.Bakit ganito?.

"Pwede po bang pag isipan ko muna?" hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Pero sa tingin ko 'yon ang pinakasafe na sagot sa ngayon.

Tumango naman ang ginang at nakangiting inabot ang isa kong kamay na nakapatong sa lamesa bago mahinang pinisil.

"Don't worry iha , I want you for my son. Pero sa ngayon ito muna ang mas tamang gawin. Sana maintindihan mo ako" mahinang saad nito. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay agad din itong umalis pero sumilip muna ito sandali sa kwarto ni baby Kean. Hindi man ito nagsasalita ay kitang kita ko ang saya sa mga mata nito ng makita si baby. Paano ba naman kasi ay parang carbon copy ng anak nitong si Kevin si baby Kean.

Pagkatapos ay umalis din ito kaagad kasama si Erika dahil baka maabutan daw ito ni Kevin sa ospital at madaling araw narin kasi. Nagpaalam din naman muna si Tita na uuwi muna sa hotel na tinutuluyan nito para maligo at magpahinga dahil may jetlag pa daw ito.

Kaya kaming dalawa nalang ni baby ang naiwan dito sa ospital. Bukas ng umaga ay pwede narin naman kaming umuwi.

Naupo ako sa tabi ng kama ni baby Kean habang pinag iisipan ang mga sinabi ng Mommy ni Kevin saakin. Sa tingin ko ay kaylangan ko munang makausap si Kevin bago ako magdesisyon.

Kaya naman agad kong kinuha ang cellphone ko at agad na idenial ang numero nito.

Nagulat pa ako ng sa wakas ay mag ring ito.

Nakatatlong ring muna bago ito sinagot.

Akma na akong magsasalita pero naunahan ako ng boses ng isang babae kaya naman para akong nanigas sa kinauupuan ko.  Naumid na ang dila ko at hindi na ako nakapag salita.

"Hello?" malambing ang boses ng babae sa kabilang linya.

"Hello? I'm sorry pero tulog na kasi si Kevin e. Pwede bang bukas ka nalang ulit tumawag?" muling sabi nito na lalong nagpakabog ng malakas sa dibdib ko. Kaya naman wala sa sariling napindot ko ang end button at nanghihina akong napasapo sa bibig ko habang pinipigil na mapahagulgol.

Sino yun? sino ang babaeng yun? Nasaan ba si Kevin? Niloloko nya na ba talaga ako? Nanghihina akong napatingin sa natutulog kong anak sa kama. Puno ng luha ang mga mata ko habang tahimik na umiiyak.

Mukhang hindi ko na kaylangang pag-isipan anak. Ito na yata ang sign para lumayo muna tayo sa Daddy mo.

***


Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon