Chapter 7

1.1K 39 1
                                    

YANNA'S Pov

NANDITO ako ngayon sa loob ng cr at dahan dahang inilalabas sa maliit na kahon ang laman nitong pregnancy test. Pagkabili ko nito ay agad akong nagkulong sa cr para agad na itest kung tama nga ang aking hinala.

Pagkatapos ay nilagyan ko na ng konting patak ng aking urine ang pregnancy test na hawak ko.

Pinagpapawisan ako ng malapot.

Nangagatog ang tuhod ko.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at abot abot ang kaba ko habang inaantay ko ang resulta ng aking pregnancy test .

Halos mabuwal na ako sa kinatatayuan ko habang unti unting lumilitaw ang mga pulang linya sa pregnancy test stick na hawak ko.

And it's CONFIRMED !

POSITIVE ! I'M PREGNANT !

"Jusko po ! !  "

Napasapo ako sa ulo ko at unti unting napadausdos paupo sa sahig ng cr habang nanginginig ang kamay na hawak pa rin ang pregnancy test .Sana hindi ito totoo. Sana panaginip lang ito  . Gusto kong kainin nalang ng lupa sa sobrang halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Sana hindi ito totoo.

Pero alam kong niloloko ko lang ang aking sarili. Dahil alam kong totoo ito.

"Anong gagawin ko?" Nanghihinang bulong ko habang unti unting tumutulo ang luha sa aking mga mata.

Agad na pumasok sa isip ko si Tita na siyang nag papaaral saakin at nagpapadala ng pera para saakin. Siguradong magagalit yun.

Malamang Yanna ! Alangang magdiwang pa yun !

Yung pag aaral ko?

Hindi pa ako nakakatapos ng pag aaral. Paano ko bubuhayin ang bata?

At higit sa lahat ang lalaking nakabuntis saakin? Pucha !

Bata pa at hindi parin nakakatapos ng pag aaral . Walang trabaho. Paano?

Nanlulumo akong nakaupo sa sahig ng cr habang tuloy tuloy na tumutulo ang luha ko.

Kasalanan ko ito , dahil sa kapusukan ko at sa kalokohan ko.

Paano ko sasabihin kay Kevin na buntis ako? Na nagbunga yung nangyari saamin? Tanggapin kaya niya? Masyado pa siyang bata ! Tapos si Erika? Yung bestfriend ko?

"Ano na lang ang sasabihin ni Erika saakin? na pinatulan ko yung pinsan nyang high school student? na tirador ako ng mas bata saakin? uwahhhhhhh ! "

Tuluyan na akong napahagulgol ng iyak dahil sa mga naisip ko at sa mga posibilidad na mangyayari.

Hinawakan ko ang aking tyan at dahan dahan hinaplos yun.

"May baby na sa loob nito , oh My God ! "

Litong lito parin ako at hindi alam ang gagawin kaya minabuti ko nalang munang sarilinin ang aking kalagayan.

Tumayo ako at nag ayos ng sarili.  Nagbihis ng pambahay at tsaka maghapong nahiga sa kama. Masama parin naman ang pakiramdam ko kaya minabuti ko nalang din na magpahinga.

KINABUKASAN ay ganon parin ang pakiramdam ko at halos madapa na naman ako pagtakbo papuntang cr dahil naduduwal na naman ako.

"Argghhh !! "

Napasigaw nalang ako sa sobrang inis . Ngayon pa lang ay hirap na hirap na ako paano pa kaya pag naisilang ko na ang bata? Pero wala naman akong magagawa dahil kasalanan ko naman ito at walang kasalanan ang bata.

Pagkatapos ay nagmumog na ako at nagsimula ng maligo. Plano kong pumasok sa skwela ngayon.Wala namang mangyayari kung mag mumukmok lang ako . Mas mabuti pang ituloy ko na lang ang aking buhay pati ang pag aaral ko.

Tsaka ko na iisipin ang lahat ng posibilidad na mangyayari at kaakibat na consequence sa kalagayan ko. Pati ang masasabi ng Tita , ni Erika at lalong lalo na ni Kevin.

Nang makapagbihis ay nagtimpla muna ako ng maligamgam na MILO . Paborito ko itong iniinom sa umaga. Pagkaubos niyon ay agad na akong pumasok sa school. May nadaanan pa akong nagtitinda ng Lumpiang Toge sa may kanto ng apartment ko at sobra akong natakam kaya naman bumili ako agad. Nanghingi pa ako ng napakaraming suka.

Pagkarating sa school ay kumakain parin ako ng Lumpia dahil limang piraso ang binili ko.

Ngunit napatigil naman ako sa paglakad at sa paghigop ng suka ng makita kong papasalubong sa'akin si Kevin na may pag aalala sa mukha.

Sa hindi malamang kadahilanan ay hindi ako nakaramdam ng inis o pagkairita sa kanya. Bagkus ay natuwa pa ako ng makita siya. Agad akong kumaway at ngumiti dito.

"Kumusta ka? Nasabi saakin ni ate Erika na may sakit ka kaya di ka nakapasok kahapon. " Agad na sabin niya pagkalapit sa akin.

Ngumiti naman muna ako bago sumagot. Hindi ko alam kung bakit pero parang ansarap titigan ng mukha niya ngayon.

"Ah yun ba? medyo sumama lang ang pakiramdam ko" pagsisinungaling ko. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang aking kalagayan.

"N-nagsuka ka pa raw? " bakas talaga sa mukha niya ang pag aalala kaya naman mas lalo akong natutuwa sa kanyang mukha.

Ang cute cute !

"A-ah may nakain lang akong panis." palusot ko na naman habang nakatitig sa maamo nitong mukha. " Pwedeng pakurot ng pisngi mo? " hindi ko na napigilang itanong.

Gulat naman siyang napatingin sa'akin.

"Huh b-bakit? " nagtatakang tanong niya. Naguguluhan yata sa inaasta ko .

"Ang cute mo kasi e " nanlaki ang mga mata niya. Pati ako ay nagulat rin sa sinabi ko.

Namula naman ang pisngi nito na lalong nagpacute sa kanya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya agad na ako'ng lumapit sa kanya. Tumingkayad ako at inabot ang mukha nito bago pinisil ng pagkadiin diin ang mga pisngi niya.

"A-aarrraayyyy ! " napahiyaw pa siya sa sakit.

Ako naman ay daig pa ang nanalo sa lotto sa laki ng pagkakangiti.

Pagkatapos ko siyang makurot  ay agad na akong naglakad at tinuloy na ang pagkain ng lumpia at paghigop ng suka.

***

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon