Chapter 29

986 33 8
                                    

YANNA'S POV

"HELLO Kevin? Wag ka ng dumaan dito. Magkita nalang tayo sa may Mall malapit sa clinic ha"

Sabi ko kay Kevin sa kabilang linya. Nauna na kasi itong umalis kaninang umaga. Gusto ko sanang sumabay na sa kanya kaso nga lang tumanggi ito baka daw kasi mainip lang ako doon at mahilo dahil sa init. Kaya naman pinag usapan nalang namin na susunduin nya lang ako dito sa apartment. Kaso naisip ko na masyadong hassle kung babalik pa sya dito bukod sa aksaya sa oras at pagod. Aksaya din sa pamasahe.

(Hah? Bakit? Wag na susunduin nalang kita dyan.Patapos na ako dito.)
sabi nito. Narinig ko din ang yabag ng paa nito siguro nga ay patapos na sya.

"Hindi na nga , paalis narin naman ako e. Mag ji-jeep nalang ako" sabi ko habang inilalock ang pinto.

"Mag taxi ka nalang , masyadong mainit baka mahilo ka" bakas sa boses nito ang pag alala.

"Hindi na, isang sakay lang naman e. Sayang ang pamasahe sa taxi. Sige na magkita na lang tayo dun ha. Bye ! " agad kong binaba ang linya. Sigurado kasing kokontra na naman ito at ipipilit na magtaxi nalang ako.

Sayang lang ang pamasehe kung magtataxi ako. Samantalang ten pesos lang ang pamasahe sa jeep samantalang baka nasa isandaan mahigit sa taxi. Kaylangan naming magtipid.

Pagkarating ko sa sakayan ng Jeep ay agad akong nakasakay. Buti nalang at hindi siksikan sa Jeep mga nasa anim lang yata kaming pasahero kaya hindi masyadong hassle. Maya maya lang ay nakarating na ako sa Mall dumeretso na agad ako sa may Entrance.

Tinignan ko ang cellphone ko na kanina pa nag ba-vibrate sa bag ko. Naka dalawang missed call agad saakin si Kevin at limang text.

Sakto namang bigla ding tumawag si Kevin kaya naman agad kong sinagot.

"Nasan kana?"

"San ka na?"

Sabay naming tanong pero bakas sa boses nito ang pag aalala at inis. Kaya naman bahagya akong natawa nainis siguro ito sa hindi ko pagrereply at pagsagot sa mga tawag nito.

"Andito na ako sa may Entrance ng Mall. Ikaw nasan ka na?" tanong ko habang nagpapalinga linga sa paligid.

"Pababa narin ako ng Jeep"

"Oh sige antayin kita dito" akma ko ng ibaba yung tawag ng magsalita pa ito.

"Pumasok ka kaya muna sa loob ng mall para di ka mainitan?"

"Hindi na , dito nalang ako. Sige na"

"Sige malapit na ako." sabi nito. Binaba ko na ang tawag.

Medyo maiinit nga dito sa pwesto ko pero ayos lang malilim naman yun nga lang hindi mahangin. Mabuti nalang at preskong damit ang suot ko.

Naka white tshirt ako na loose saakin dahil kay Kevin ito mas matangkad saakin si Kevin kaya medyo mas malaki sa akin ang mga damit nya na gustong gusto kong isinusuot dahil presko at mabango. Kaamoy ni Kevin. Naka-leggings na gray din ako at naka flat na sandals. Medyo may umbok na rin ang tummy ko kaya naman puro maluluwag at garterized narin ang mga isinusuot ko inshort mga boxer shorts ni Kevin at mga tshirt nito.

Maya maya pa ay narinig kong may tumatawag saakin. Agad kong hinanap kung sino at nakita ko si Kevin na naglalakad sa may kabilang side ng kalsada. Patawid ito papunta sa pwesto ko sa tapat ng entrance. Marami itong kasabay na tatawid pero pakiramdam ko sobrang angat ng presence nya sa lahat. Lakad takbo ang ginawa nito patawid.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon