SPECIAL CHAPTER (The Wedding)

1.4K 73 36
                                    

a/n: pakinggan nyo yung song sa taas.

-The Wedding-

Yanna's Pov

"CONGRATULATIONS bestfriend " napatingin ako sa refection ko sa salamin. Nasa likod ko si Erika na may masuyong ngiti para saakin pero nababakas parin ang sobrang saya sa mga mata nya.

"I'm so happy for the both of you Yanna. Akala ko talaga hindi na kayo ang end-game ng pinsan ko. Pero ngayon tignan mo at ikakasal na kayo at heto ako. Pinanganak lang yata para kiligin sa inyong dalawa." naiiyak pa na sabi nito.

Natatawa akong humawak sa kamay nito na nakapatong sa balikat ko.

"Thankyou Ekang , hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat sayo. Noon hanggang ngayon hindi mo ako iniwan. Mukhang mas bagay pa saatin yung vow na in sickness and in health , for richer or for poorer till death do us part e. Kasi sa lahat ng pinagdaanan ko ... namin ni Kevin lagi kang nandyan. At sobra akong nagpapasalamat sayo bestfriend. Kulang pa ang salitang maraming salamat para maipakita ko how thankful we are dahil sayo. I love you bes." naluluha ko ring sabi nito pero hinampas lang ako nito ng mahina sa braso.

"Sshh , shut up ka nga dyan. Pinapaiyak mo ako e. Wala yun no. That's what a true friend should do no. And same lang naman tayo e hindi mo rin naman ako iniwan kapag kaylangan ko ng karamay noon. I'm so happy talaga sayo bes. Ingatan nyo ni Kevin ang isa't isa ha." anito bago nakangiti at masuyo akong niyakap.

"Thankyou Ekang"

Natatawa naman itong bumitiw saakin.

"Enough na nga , mas nauna pa yata yung wedding vows natin sa isa't isa kaysa yung sa inyo ni Kevin e" anito.

Ngumiti na lang ako at tumango bago muling tumingin sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

Ito na yun , ito na yung matagal ko ng hinihintay. Ang maikasal sa lalaking mahal ko.

"Yanna , let's go . Nasa church na daw si Kevin" narinig kong tawag saakin ni Tita umuwi pa ito galing US para lang makadalo sa kasal ko.

Huminga muna ako ng malalim at tinuyo ang mga mata ko dahil sa luha bago ako tumayo.

"Ready na bes?" nakangiting tanong saakin ni Erika.

"Matagal na bes" sagot ko.

Pagkatapos ay inalalayan na ako ni Erika palabas ng hotel room na inuukupa namin.

Nakasuot ako ng mermaid cut na satin off-shoulder wedding gown na paheart shape sa dibdib. Hapit na hapit ito saakin kaya naman nayayakap nito ng maganda ang bawat kurba ng katawan ko. Nagpapasalamat din ako dahil kahit na nanganak na ako ay bumalik parin sa dati ang katawan ko.

Inaayos naman into updo hairstyle ang buhok ko. Naka messy bun ito habang may maluwang na braid naman sa may gilid. May mga kakaunting buhok din na sadyang inilaglag para mas mukhang messy hair ang effect. Pero napakaganda noon tignan. Pakiramdam ko tuloy ay mukha akong prinsesa.

Agad akong sumakay sa naghihintay na limousine sa labas ng hotel. May malaking ribbon pa ito sa may harapan. Hindi ko alam kung saan galing ang limousine na 'to. Pero hindi na ako magtataka kung ang mommy at step-father ni Kevin ang may pakana nito.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon