Chapter 37

957 32 9
                                    

Yanna's Pov

NAGISING ako sa isang malakas na busina galing sa labas ng bahay. Kinusot ko muna ang mata ko at tinignan ako ang oras sa cellphone ko.

2:49am

Mag-aalas tres na pala ng madaling araw pero wala parin si Kevin. Muli ko na namang narinig ang pagbusina sa labas kaya naman dahan-dahan akong bumangon. Sumilip muna ako sa bintana bago buksan ang pinto. At nakita kong isang van ang nakaparada sa tapat ng bahay at bumubusina. Kaya naman agad kong binuksan ang pinto. Lumapit ako sa may maliit naming gate at muling sumilip.

Sumilip ang driver at tinawag ako.

"Miss ! " tawag nito saakin. Nagtataka naman akong tumingin dito.

"B-bakit? " may isa pang lalaki na nakaupo sa tabi nito.

"Nasa loob si Kevin lasing na lasing " anito. Bumaba naman ang isang lalaki at binuksan ang pinto ng van.

At doon ko nga nakita ang walang malay na si Kevin. Ngunit agad ding nagsalubong ang kilay ko sa babaeng katabi nito. Nakaabay dito ang babae at pilit itong ginigising.

Kaya kahit nagtataka at nakakaramdam nako ng inis ay agad akong lumabas at pinuntahan ito.

Lumapit ako sa nakabukas na pinto ng van .

"Anong nangyari ? bakit lasing na lasing sya?" nag aalalang tanong ko habang niyuyog-yog ang balikat nito para magising. " Huy Kevin"

"Naparami po kasi sya ng inom e" mahina at malambing na sabi ng babae. Na lalong ikinairita ko.

Kaya naman sa inis ko ay hinampas ko ng malakas sa hita si Kevin upang magising. At hindi nga ako nagkamali dahil bigla itong dumilit at mapupungay ang matang tumingin saakin.

"Y-yanna?" buhol buhol pa ang dila nito sa pagsasalita.

"Oo ako nga ! ano bang pinag gagawa mo? bumaba ka na nga dyan at pumasok na tayo sa bahay." inis na sabi ko dito. Akma ko na syang hihilahin pababa ng magsalita na naman ang babae.

"Hey Kev.. are you okay? nahihilo ka pa ba?" malambing na namang tanong nito.

Parang wala naman sa sariling tumango si Kevin at muling tumingin saakin.

"Y-yanna " parang batang tawag pa nito saakin. Kung sa ibang sitwasyon siguro ay matutuwa pa ako dito pero sa ngayon. Sobra ang inis na nararamdan ko.

Hinila ko na sya sa kamay pababa sa Van. Aalma pa sana ang babae dahil sa lakas ng paghila ko kay Kevin pero bigla nalang si Kevin bumaba ng van at umakbay saakin. Muntik pa kaming mabuwal na dalawa kung hindi lang sya nahawakan ng isa pang lalaki na nagbukas ng pinto ng van kanina.

"Oh pre , dahan dahan " anito "Tulungan na kita miss" sabi nito bago kinuha ang isang braso ni Kevin at iniakbay din sa balikat nito.

Nagpasalamat naman ako dahil hindi ko din kakayanin na akayin mag isa si Kevin. Bukod sa mabigat ito e buntis din ako at baka makasama din saakin.

Binuksan ko ang pinto papasok. Naramdaman ko din ang pagsunod ng babae saamin papasok.

Gusto ko sanang sabihin dito na hindi sya welcome sa bahay namin ngunit di ko nalang ginawa. Baka mas lalo lang uminit ang ulo ko.

Magkatulong naming inihiga si Kevin sa kutson na higaan naming dalawa.

"Maraming salamat sa paghatid kay Kevin dito" nakangiting sabi ko sa lalaki.

"Ayos lang miss , nasobrahan yata sa alak kaya nalasing ng husto. Buti nga e naituro pa nya saamin kung saan ang bahay nyo" anito. " Sya nga pala ako si Mark katrabaho ni Kevin " pagpapakilala nito.

Being a Teen ParentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon