CHAPTER 46

4.4K 94 11
                                    

CHAPTER 46



[Mr.Ocampo POV.]




Nagising ako ng may tumatapik sa balikat ko. Bigla akong napatingin kay Jane dahil akala ko gising na ito pero hindi pa pala. Nang lumingon ako ay nakita ko sa tabi ko si Micheal siya pala ang tumatapik sa akin.




"Dad ako na po dito. Umuwi kana muna at magpahinga. Makakasama sayo ang pagpupuyat." sabi nya pa




"Ok lang anak. Dito lang ako." sagot ko namans sa kanya saka tumingin sa relo kong suot. Gabi na pala? Kaya pala sumasakit ang batok ko dahil ilang oras pala ako nakatulog na nakayuko lang.




"Teka nga. Bakit ngayon ka lang? Diba kanina pa ako nagtxt sayo? Sabi ko dumiretso ka dito pag uwi mo." sabi ko sa kanya




"Ah kasi dad. May kailangan akong tapusin sa opisina. Hindi ako nakaalis agad. Kahit gusto ko ng puntahan at kamustahin ang kapatid ko.."  Paliwanag naman ne'to. Tumango nalang ako sa sagot nya.




"Mabuti kung ganon. Kamusta naman? Natapos mo naman ba ang kailangan mo tapusin?" Tanong ko pa sa kanya.



"Ok na dad. Tinapos ko na para wala na akong iisipin." Sagot naman nya saka lumapit sa kabilang gilid ni Jane. "Kamusta po raw siya dad? Ano po bang nangyari? Bakit may benda siya sa noo?" Nag aalalang tanong naman nya saakin.




Napabuntong hininga naman ako saka kinuwento rin sa kanya ang sinabi sa akin ni Mike kanina.




"Mabuti naman at nadala siya agad sa hospital. Mabuti rin at nandun si Mike. Hindi kasi nag iingat ang isang ito. Baka nadulas at tumama ang ulo sa mesa." Sabi naman nya saka hinawakan ang kamay ni Jane "Sis, pagaling ka. Saka gumising kana d'yan. Bibilhan kita ng bagong collection ng bag." Sambit pa ne'to saka umupo sa sofa dito sa kwarto ni Jane.



Maya-maya pa ay naramdaman kong gumagalaw ang kamay ni Jane dahil hawak ko pa rin ito. Bago ito nagmulat ng mata saka tumingin sa paligid.




"D-dad? Kuya? Nasaan ako? Ano pong nangyari? Bakit tayo nandito?" Nagtatakang tanong nya na parang kakagising nya lang sa mahimbing na tulog.




_______________________




[Jane's POV.]




Nagising ako ng may nag uusap sa paligid ko. Kaya dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata. Medyo sumakit pa ang ulo ko sa hindi ko malaman na dahilan.




"D-dad? Kuya? Nasaan ako? Ano pong nangyari? Bakit tayo nandito"  nagtatakang tanong ko saka pilit na tumayo kaso bigla naman sumakit ng ulo ko. "A-aray!" Impit na sigaw ko at napahawak pa sa ulo ko



"Anak! Huwag ka muna bumangon!"



"Jane! Huwag ka muna bumangon!" Sabay nilang tawag saakin.




My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon