CHAPTER 35
[Micheal's POV]
Habang nagdadrive ako ay napapansin kung ang tahimik ng kapatid ko.
Sinusulyapan ko ito sa rearview mirror ng sasakyan at nakikita kung tulala lang ito at minsan pa ay napapabuntong hininga nalang.
May problema ba siya?"Jane? Ok ka lang ba?" Tawag pansin ko sa kanya dahil parang ang lalim naman ng pinaghuhugutan nya ng hininga.
"H-ha? Opo kuya. O-ok lang po ako." Matamlay na sagot ne'to saka tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan ko.
Tumingin muna ako saglit sa kanya at saka binalik agad sa daan ang paningin ko dahil mahirap na baka mabangga pa kame.
Tsk.
Alam ko naman na hindi siya ok at may tinatago siyang mabigat na problema lalo na ito ngayon. Ipapakasal siya ng labag sa kalooban nya."Jane, magsabi ka lang kay kuya ha? Kung may problema ka pwede mo akong kausap." Paalala ko naman sa kanya na andito parin ako para sa kanya.
Tamango naman ito at hindi na nagsalita. Tahimik lang ito na nakatingin sa labas. Hindi rin nagtagal ay nagtanong na ito sa akin.
"S-saan ba talaga tayo pupunta kuya?" Tanong ne'to pero halata sa tono ng boses nya ang kaba. Dahil alam nya na siguro kung saan kame pupunta pero kailangan nya masigurado saakin.
"Inutusan kasi ako ni Dad na samahan kang magpasukat ng wedding gown mo ngayon.. Ginugulo nya ako sa trabaho para samahan ka.." Sagot ko ng hindi lumilingon sa kanya. Dahil ayoko tignan ang mukha n'yang nasasaktan.
"B-bakt ang bilis? Ngayon na ba talaga yan? G-ganon nyo na ba ako kagusto ibigay ni Dad sa iba? Ang bilis grabe!" May hinanakit na sambit ne'to saka tumingin sa labas.
Ako naman ay natahimik lang. Walang gustong lumabas na salita mula sa bibig ko.
"Ang sakit lang. Ginagawa ko naman ang lahat ng gusto nyo pero bakit umabot pa sa ganitong sitwasyon? Tinatanggalan na ako ng kalayaan. Bata pa lang ako tinanggalan na ako ng kalayaan at kasiyahan tapos ito ikukulong nyo ako sa isang kasal na kahit kailan ay hindi ko na makukuha pa ang aking kalayaan." Naiiyak na sambit nya na parang sinusumpa nya na naging pamilya nya pa kame.
Napakuyum bigla aking mga kamay. Kahit ako ay walang magawa sa sarili kong kapatid. Ako yung kuya pero parang siya iyong matanda sa amin sa laki ng problema nya. Itinabi ko muna ang sasakyan namin sa gilid ng kalsada at hinarap siya.
"Wala akong ibang masabi kung hindi ay sorry, Jane. Sorry kasi wala akong magawa para pigilan si Dad. Sorry dahil kahit ako ay ayoko rin itong sitwasyon na meron ka. Ayoko rin na ilagay sa ka isang relasyon na hindi ka naman masaya. Pero ano ba magagawa ng kuya mo? Kahit ako ay hindi ko kayang kalabanin si Dad. Hindi ko siya kayang pigilan sa mga disisyon nya.. Kaya sorry sorry, Jane." Sambit ko habang humihingi ng tawag sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Ex. Boyfriend Is My Boss [BOOK ONE COMPLETED] EDITED!!
RomanceNaranasa mo na bang mag mahal at iniwan? Naranasan mo na din bang iwanan nang mahal mo dahil yun ang gusto ng iba? At naranasan mo na din bang yung taong iniwan mo at sinaktan, Ay magiging amo mo o Boss? Hay nako.. Kung wala pa e'di basahin mo 'tong...